Chapter 6 - First day
•~•~•~•~•
Christian's P.O.V.
(After a week...)
Nandito ako ngayon sa school. 1st year college na ako. Teka, before that, lemme introduce myself.
I'm Chrisitan Miguel Rivera. 19 years old, nagtataka kayo nuh? Hindi kasi ako dito naghighschool kaya nalate ang pagaaral ko. I take my HS in Korea. I'm included with a boy group called Backstan Boys. Well, kung tatanungin niyo ako kung anong ibig sabihin ng Backstan, hindi ko kayo masasagot kasi hindi ko din alam. Ang pinakaclose ko dito ay si Dominic.
Si Dominic ang pinakamakulit dito sa group namin. Iisa isahin ko nalang sila para sainyo. Hehe.
Dominic - The Abnormal Child or pwede nating tawaging 'Alien'.
Me - I'm the best pero ako din ang pinakabata at pinakamabigat. Oh diba?
Jim - Makulit yan pero mabait. Jimjim tawag namin jan.
Jacob - Siya yung pinaka matanda samin. Cute 'daw' siya. Hahaha. Mapanlait ako nuh?
Andi - Pag yan ngumiti singkit tulad ni Jim. Nakakatawa nga yan eh pagngumungiti, kita gilagid.
Lucas - Magaling yan sumayaw kaya gustong gusto yan ng mga babae. Minsan nga naisipan niyan na mag-audition for girl group at siya lang ang lalaki dun.
David - Siya ang leader namin. Nako, napakabait niyan, lagi nga lang tulog. In short, TULOG MANTIKA. Hahaha! Pero promise magugustuhan niyo sila.
Pero kahit mga ganyan yan. Mababait yan eh.
Okay sige move on na tayo.
Nandito ako ngayon sa school namin which is Manchester Academy. First day of classes ngayon. Kaming magkagroup, lahat dito nagaaral. Pag pumapasok nga kami lagi nalang pinagtitilian ng mga girls. Syempre, ang tinitilian nila ay ako. Lakas ng self confidence ko nuh? Hahaha! Joke lang yun syempre.
OMG! Christian, please notice me!
Waaah! Andito ulit sila Andi!
David, paturo mag rap!
Yan ang mga fans namin dito sa M.A. Pero meron lang talagang haters dito samin. Syempre, hindi nalang namin iyon pinapansin.
"Ano ba yan. Pinagkakaguluhan na naman tayo." Reklamo ni Jim. "Pero, ako lang naman talaga ang pinagkakaguluhan nila at all." Dagdag niya. Ang taas ng self confidence netong mokong na to ah.
Biglang binatukan ni David si Jim. "Wala ka na naman sa katinuan mo." Sabi nito.
Napahimas nalang si Jim habang kami ay natawa. "Uy joke lang naman yun." Hindi na namin namalayan na nasa harap na kami ng room at napatigil nalang ako bigla.
Bakit ganito na naman? Nakikipagmarathon na naman ang puso ko.
Siniko ako ni Dom. "Oy bro, yung crush mo oh. Si Lea." Pabulong niyang sabi pero binaliwala ko yun. Iniiwasan ko na siya kasi nakita ko sila ni Troy na naghahalikan sa bar.
Ang sakit. </3
Pero hayaan niyo na. Wala din naman ako para sakanya kaya hindi na ako magpapakatanga.
Umupo kami sa likod at sa pagkakaalam ko, kumpleto na kami kaso may bakanteng upuan sa harap ko.
Bigla nalang dumating ang prof namin. Yung terror naming prof.
"Good morning, class." Bati niya.
Tumayo kami lahat. "Good morning, sir." Bati namin pabalik sakanya. Hayyss ayoko ng ganito.
Inayos niya ang glasses niya. "Okay, so, you have a new classmate." Sabi ni sir na ikinatuwa ng mga kaklase ko. Pero ako, wala, poker face padin. "Uhm, Vanessa. Please come in." Dagdag nung prof namin. Bigla nalang akong natigilan. Wait, ano daw? Vanessa? Sinong Vanessa naman kaya 'to?
Pumasok yung transfer namin student. Ang ganda niya. Teka, eto yung nakita ko last week. Siya yung kaibigan kong nag-iinom na ipinagtanggol ko.
Nagtama ang mata namin at bigla nalang siyang umiwas ng tingin.
"Hi everyone. I'm Vanessa Stark. 17 and I'm from Canada. Maybe thats all you need to know, thank you." Sabi niya then smile na pilit pero ang ganda padin niya. Bakit ganun? Hoy walang malisya ha!
Bigla nalang akong tinapik ni Lucas. "Bro, ang ganda." Sabi niya na pabulong.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag bro, akin yan!" Sabat ko.
Nanlaki ang mata niya at bigla nalang may sumigaw.
"Yooowwwwnnnn!!"
•~•~•~•~•
Sino kaya sa tingin niyo ang sumigaw? Abangan!
- Jeon Nicole❤
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
RandomPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.