Chapter 22 - Broken
•~•~•~•~•
David's P.O.V.
Nandito ngayon sa bahay si Christian. Nagusap kami about someone, hindi niya sinabi yung pangalan ng babae eh pero hayaan na natin yun, he needs privacy.
Habang nasa kalagitnaan kami ng usapan may biglang tumawag sakanya. Napansin ko na bigla siyang napangiti, maganda siguro yung tumatawag sakanya.
Habang may kausap siya sa telepono, biglang nag-vibrate yung phone ko.
From: Lucas
Jim's ex-girlfriend is here.
Nagulat ako, sobra. Pano kung guluhin niya sila Vanessa? Kabago bago palang masisira na? Kailangan kong makausap si Lucas about this. Pano na yan?
Sumakay na kami sa sasakyan ni Christian kasi pinapapunta daw kami sa BigHit. May MV daw na ishooshoot. Ewan ko ba.
Hanggang makarating kami sa studio, walang umiimik. Parang ayaw magsalita ng bibig ko baka kasi madulas ako at masabi ko pa yun. Siguro sasabihin ko nalang kapag nakagawa na kami ng paraan ni Lucas.
Nakita namin sina Jim at Vanessa na pababa ng sasakyan. Patay.
Hindi pwedeng malaman nila na nandito si Samantha. Isang malaking gulo 'to.
"Good morning." Nakangiting bati samin ni Vanessa. Ngumiti ako pero si Christian, poker face siya mein!
Naglakad ng dere-deretso si Christian papasok ng BigHit. Nakakapagtaka lang ah. Apektado parin ang gwapo? Oo, gwapo naman talaga yan eh. Pero ni-request niya lang yung tawagin namin siyang gwapo. Syempre, baby namin yan sa group eh.
Lumapit sakin si Vanessa. "Anyare dun? Badtrip yata?" Tanong niya. Oo badtrip yun, hindi naging kayo eh. Pano ko nalaman na may gusto siya kay Vanessa? Simple lang. Obvious kaya.
"Ah eh. Hayaan nalang natin. Hehe. Pasok nalang tayo." Ay shet! Muntanga tuloy ako.
Naglakad na kami papasok ng studio pero ayun, walang umiimik kahit isa samin. Parang ang awkward naming lahat dito.
Umupo ako katabi si Dom. Mukhang badtrip din 'tong isang 'to.
Kunulbit ko si Dom, humarap siya sakin na parang irita. "What?"
"Bakit parang pinagsukluban ka ng langit at lupa jan? Anyare?" Tanong ko.
Humarap na siya kay Christian. Aba! Bastos 'to ah. "Wala." Ay langya! Sarap nito kausap eh.
Kung pwede ko 'tong batukan, nabatukan ko na. Pero, good boy kaya 'to. Hayaan nalang natin, baka may pinagdadaanan yung tao.
Tiningnan ko si Jim at Vanessa, ang sweet nila, sobra. Tiningnan ko naman si Christian na nasa may window, tulala. Tumingin naman ako kay Dominic, kita mo sa mata neto na nasasaktan na siya kasi dahil sa nakikita niyang sobrang sweet ng bestfriend niya at taong mahal niya. Si Lucas? Ayun, nag-sasayaw pero kita mo sa mga mata niya ang sakit kahit natawa siya sa harap nila Jim at Vanessa.
Pero alam niyo ba na ngayon lang sila ganyan. At, we can call it their first love. Inamin na din naman nila sakin yan eh kaya alam ko na. Leader nila ako kaya lagi nalang akong nilalapitan, ewan ko ba.
Nasasaktan din ako pag nakikita ko silang ganyan.
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
DiversosPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.