Chapter 34

9 0 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa condo ng mokong. Yah, I can call him whatever I want kapag ganito ako. Kapag galit, naiinis o ano pa man yan.

"Oh bro, bakit ka ba kasi pumunta dito? Kanina pa kita tinatanong pero ayaw mong sumagot." Hahaha! Kawawa naman, di ko kinakausap. Pero seryoso, wala talaga ako sa mood kumausap ng tao ngayon.

Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa mga nangyayari. Bakit ba kasi ganito? Badtrip eh, wala sa timing. Okay na sana kung okay lang si Vanessa ngayon eh, kung nakamove on na siya sa letcheng lalaking yun.

"Alis na muna ako." Pagpapaalam ko kay David.

"Hep! Hep! Hindi mo pa nga ako sinasagot sa tanong tapos aalis ka na. Tsaka, kadadating mo lang kaya." Napairap nalang ako sa kawalan. Kahit mabait at matalino to, bobo yan pagdating sa problema ng iba.

"Pupunta lang ako kina Vanessa." Matipid kong sagot sakanya.

"Wala siya sa kanila. Andun sa kaibigan ni Trix, naguusap ng PRIBADO." Sabi niya at talagang diniinan pa ang pag sabi ng pribado word na yan.

Hayss.. Hayaan na nga muna natin.

Vanessa's P.O.V.

Nandito parin ako sa kaibigan netong ni Trix na si Liv. Napagpasyahan na din namin na mag sleep over dito kasi dalawa lang kami sa bahay nila matutulog. Oo, hindi ako matutulog kina tita kasi ayokong makita nila akong nasasaktan.

"Liv, pwede tabi tabi nalang tayo? May gusto pa akong ikwento sayo eh." Sabi ko kay Liv at tumango naman siya.

Agad naman akong hinawakan ni Trix sa kamay. "Hep! Hep! Bat di niyo ako sinasama jan? Andaya niyo ah!" Pagmamaktol niya. Kala mo naman bata pa siya. Kaya ayun, tabi tabi sa queen size bed ni Liv. Nakakahiya nga eh.

Pero bago kami matulog syempre kwentuhan muna.

"Alam niyo, nakakapagod din pala magmahal. *sigh*" Nakakapagod talaga kung paulit-ulit ka lang na niloloko. Minahal mo na nga, niloko ka pa.

Agad namang nanlaki ang mata sakin ng dalawa. Niyakap ako ni Liv. Medyo close na kami kasi naging parehas kami ng sitwasyon eh.

"Wag mo sabihin yan, Van. Hindi nakakapagod magmahal. Siguro kaya ka niloloko ay dahil gusto lang iparamdam sayo ni Lord na hindi lahat ng bagay ay masaya, may masasakit din. Wag ka mag-alala, dadating rin ang tao na totoong nakalaan para sayo." Pagpapaalala niya sakin. Minsan, parang mas magkakilala pa nga kami neto ni Liv kesa kay Trix eh.

"Vanessa, baka nga nasa tabi tabi lang at pinoprotektahan ka lang niya eh. Baka siguro di mo lang siya napapansin. Darating at makikilala mo na siya, soon. Or maybe, kilala mo na siya, di mo lang alam kung sino sakanila." Aba't nagpayo itong babaeng to. Pero kung meron ngang taong nagmamahal sakin ng totoo, sino? Nasan na siya?

Iniintay lang kita...

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now