Chapter 32

3 0 0
                                    

Christian's P.O.V.

Pagkatapos na pagkatapos ng sigawan namin ni Jim sa hallway ay agad na akong umuwi. Hindi ko kayang harapin ang taong yun. Nakakabwiset lang.

May problema nga lang eh. Hindi ko makita si Vanessa kanina pa nung umalis siya! Sht! Pag may nangyari dun, sisisihin ko sarili ko.

Tinary kong tawagan si Trix, yung kaisa isang bestfriend ng taong mahal ko pero, HINDI SIYA SUMASAGOT!! Aish! Ano ba yan.

Tinext ko nalang siya.

To: Trix

Trix, kasama mo ba ngayon si Vanessa? Reply asap.

Sent ✔

Sana naman magreply to agad. Pinapagalala naman ako ng mga to eh.

After 2 minutes...

Buti naman nagreply naman agad tong babaeng to. Sana naman okay lang sila.

From: Trix

Dont ya worry na, Tian. She's okay with me. Andito lang kami sa bahay ng friend. Lahat naman kami babae dito eh kaya okay lang ha.

Okay. Talagang pinaalam lahat ah. Tinanong ko lang kung kasama niya si Van pero andaming sinabi ha. Pero hayaan na natin, atleast alam ko na.

Umuwi ako sa bahay kasi kapag pumasok pa ako sa school, hindi lang ako pag-usapan, masabihan pa ako ng 'mang-aagaw', 'flirt' o kung ano ano pa. Hiyang hiya na ako, hindi sa ginawa ko kundi sa ginawa ng bestfriend ko.

Aish. Kausapin ko na nga lang si David.

Calling David...

(Hello dre, bakit ka napatawag?)

"Dre, kasama mo ba ngayon si Jim?"

(Hindi eh, bakit? Umuwi ata yun eh. May nangyari kasi kanina.)

"Ah sige. Yung nangyari pala kanina, about yun saming tatlo nila Vanessa."

(Ganun ba? Kwento ka naman oh.)

"Pag-uwi mo nalang. Mapagalitan ka pa jan. Sige, i'll hang up na."

(Lol. Naimpluwensyahan ka ba ni Van jan sa i'll hang up na yan? Hahaha! Osige na. Bye.)

Pinatay ko na ang tawag.

Umuwi pala si Jim. Kala ko makapal mukha nun para harapin ang mga tao sa school kahit may scenario siyang ginawa kanina.

Simula nga nang nakipagbreak si Van sakanya, nagiba na siya. Hindi ko naman masisisi si Vanessa kasi nakwento din niya sakin lahat. Para bang habang sila, sakin siya humihingi ng mga advice pag may nangyayari kay Jim na hindi niya alam ang gagawin. Eto kasing kaibagan ko, masyadong seloso. Nasobrahan ata kaya ayun, nauwi sa hiwalayan.

Honestly, hindi naman malandi si Vanessa. Sa totoo lang, close kasi talag siya sa mga lalaki.

Once nga, nakwento niya sakin yung mga kaibigan niya na plastik daw. Simula nga daw nun ay si Trix nalang ang nagiisa niyang bestfriend. Yung mga friends nga daw niya sa Canada puro lalaki eh. Pero wala naman daw malisya dun.

Bigla namang tumunog ang phone ko.

Mom Calling...

"Ma?"

(Miggy, I need to talk to you.)

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now