Chapter 20 - Us
•~•~•~•~•
Vanessa's P.O.V.
Nandito na kami ngayon sa park na tinuro ko sakanya. Dito ko siya balak sagutin, buti nga wala masyadong tao. OMG! Excited na ako. Ano kayang magiging reaksyon nito.
Umupo kami sa isang bench at humarap sa isa't isa. "Ano ba yung sasabihin mo sakin, Vanessa?" Tanong niya at kitang kita mo sa mukha niya na kinakabahan siya.
"Uh eh.. Jim, s-sinasagot na k-kita." Sabi ko at nauutal pa ako ng konti.
Kita mo sa mga mata niya ang magkahalong saya at pagkagulat. Hindi ko talaga maintindihan yung reaksyon niya. Masaya ba o ano?
"Huy, okay ka lang?" Tanong ko dahil wala talagang nagsasalita saaming dalawa.
"Vanessa, kung nananaginip man ako, please wag mo na akong gisingin pa. Please." Pagmamakaawa niya na abot langit ang ngiti. Natawa tuloy ako. Ang epal niya naman masyado.
Hinawakan ko yung kamay niya. "Hindi ka nananaginip, Jim. Boyfriend na kita." Sabi ko ng nakangiti.
Eto ako ngayon, hindi makagalaw dahil sa pagkayakap niya. Ugh! Yung mga pandesals niya! Ewwww!! Vanessa, kadiri ka na! Haha!
Grabe! Ang saya ko ngayon. Naglibot kami sa park at bumili ng ice cream.
Pumunta kami ngayon sa mall. May bibilhin daw siya sakin. Grabe ha! Nakaka-excite.
Dumeretso kami sa isang boutique at pinapili niya ako ng damit. Kyaaa!! Andito yung fave kong crop top at high waist jeans. Gusto ko nito! Ripped jeans kasi tapos etong crop top, maluwag siya na parang pwedeng gamitin for dance practices.
Sinukat ko eto at lumabas. Pinakita ko eto kay Jim at nagulat siya.
"Okay lang ba 'to, Jim?" Tanong ko sakanya.
"Vanessa, ang ganda mo. Ang sexy mo sa suot mo. Grabe! Mahilig ka pala sa ganyan."
"Uhm eh, pero mas trip ko ang skirts and dresses. Minsan lang ako mag-ganito." Sagot ko na nangangamatis na.
Hinubad ko na yung damit at binayaran na namin ni Jim. Hay! I'm so blessed that I have a boyfriend like him.
Bumili pa nga kami ng couple watch at rings. Ayaw kasi niya ng couple shirts, masyado daw common. Mas maganda naman pag couple rings, ang cute kaya. Simula ngayon, mag-iisip na ako ng tawagan namin.
•~•~•~•~•
Comment nga kayo ng magandang call sign. Yung unique ha, ayaw niya kasi ng masyadong common. Hay! Pero okay lang yun, mabait naman 'to eh.
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
RandomPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.