Chapter 16

8 1 0
                                    

Chapter 16 - She's back

•~•~•~•~•

Dominic's P.O.V.

Pagkatapos ng araw na magkasama kami ni Vanessa. Pumunta ako sa isang ice cream shop kasi pinapapunta ako ni Lucas dun. Di ko lang alam kung anong meron dito kaya pinapunta ako.

Pagkadating ko ng shop, nakita ko agad si Lucas na nakain ng ice cream kaya nilapitan ko.

"Oh Lucas, anong meron?" Tanong ko sakanya at umupo sa harap niya.

"Oh," inabot niya sakin ang kanyang cellphone at kinuha ko naman agad yun. Binasa ko kung anong meron at nagulat ako. "She's back." Sabi niya.

Hindi 'to pwede. Baka guluhin niya na naman ako, kami ni Vanessa. Nililigawan ko palang si Vanessa pero sana wag naman niya ako siraan at gawan ng kwento. Dun kasi siya magaling eh, kaya ko siya hiniwalayan.

"Ano nang gagawin mo?" Tanong niya sakin. Ano nga bang gagawin ko? Ni ako nga hindi ko alam. Pano 'to? Dapat hindi niya ako magulo. Manliligaw palang ako eh.

Napaface-palm nalang ako. "Bahala na, Lucas." Sagot ko at napahawak sa chin ko. Hindi ko muna iisipin yung tungkol sakanya, focus ako kay Vanessa.

Eh kung bigyan ko kaya siya ng puppy? Baka magustuhan niya yun. Sige, pwede na yun.

Napatayo ako at tiningnan si Lucas na mukang nagtataka. "Lucas, uwi na pala ako. Bukas nalang ulit sa school." Sabi ko at nagwave sakanya. Oo, iniwan ko siya na mukang tanga, hindi niya alam kung bakit. Wahahaha! Ang sama ko talaga.

Dumeretso ako sa isang pet shop. Bumili ako ng isang maliit pang husky. Ang cute kasi, sana magustuhan niya din to.

•~•~•~•~•

Lucas Maxwell's P.O.V.

Oh gulat kayo nuh? Hi! I'm Lucas, kilala niyo na naman ako diba? Sa galing kong sumayaw, sinong hindi makakakilala sakin? But then, kaya parin akong iwan. Tulad ng ex ko, pinagpalit ako sa ibang lalaki pero ibinigay ko na naman lahat sakanya. Pero, move on na ako dun. Okay so ngayon, para akong tanga dito dahil iniwan ako ng lintek na Dominic na yan. Kelan pa ba yun umuwi ng maaga? Hays, hayaan mo nalang.

Pero teka, ano daw? Manliligaw na siya kay Vanessa? Yep, sinabi na niya sakin yan. Pano na ako? Napaglamangan na nila ako. Oh lord help me. Pano 'to? Pero kahit anong mangyari, walang sukuan 'to.

Ayoko munang manligaw ngayon. Hindi pa tama yung oras, I can wait for the right time. God will tell me the right time.

*Ringgg! Ringgg!*

Tumunog yung cellphone ko dahil tumatawag si Jimjim. Ano kayang meron dito? Biglaan yata, hindi kasi ako masyadong tinatawagan niyan, si Dom lagi.

"Hello bro. Bakit ka napatawag?" Pagsagot ko sa tawag.

(Lucas! Sinagot na ako ni Vanessa! Girlfriend ko na siya! I'm so happy!)

Natigilan ako sa sinabi niya. Girlfriend na niya si Vanessa? Akala ko nanliligaw pa lang yun. Bago pa lang yun ah. Hindi 'to pwede.

(Dre, anjan ka pa ba? Imik ka naman.)

Hindi ko namalayan na kausap ko pa pala siya sa telepono.

"Ay sorry, Jim. Congrats pala! Ah.. Eh.. Mamaya nalang ulit may pinapabili sakin si Mama eh. Sige dre, bye na muna." Sabi ko at pinatay na ang tawag. Hindi ko na kayang makipagusap. Ayoko nang masaktan.

Bigla nalang may tumulong luha galing sa aking mga mata. Masakit eh. Sobrang sakit talaga. Ngayon na nga lang ako nagmahal ulit, masasaktan pa ako. Ayoko na. Suko na ako. Hinding hindi na ako magmamahal. Hindi na uso ang salitang pag-ibig sakin ngayon.

Dahil gusto kong maging masaya kahit masakit. Kumuha nalang ako ng 3 can ng beer sa ref at nag-inom sa tabi ng pool namin.

Habang iniinom ko ang unang can, lalo nang bumubuhos ang aking luha.

"Do you have any problem, son?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Daddy. Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha.

Humarap ako sakanya at ngumiti. "Wala po, dad." Sagot ko. Umiling si Daddy at tumabi saakin, kinuha niya ang isang can at ininom ito.

"Knowing you, hindi ka umiinom ng walang dahilan. Now Lucas, tell me." Sabi ni Dad.

Humarap ako sakanya at lumagok ng isa sa iniinom kong beer. "Dad, yung babaeng gusto ko kasi. May boyfriend na. Lagi nalang akong nasasaktan." Paliwanag ko kay Dad.

Ngumisi siya at tumingin sa langit. "So ibigsabihin ba n'an, susuko ka na? Hindi mo ba kayang ipaglaban yang nararamdam mo? H--." Natigilan na si Dad because I interruped him.

"Dad, ano pang ipaglalaban ko kung hindi na pwede? Kung makakagulo na?" Sagot ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasagot ko na si Dad.

"Pwede ka namang lumaban ng tahimik. Kaya mo pa ba siyang intayin?" Tanong ni Dad.

Natigilan ako sa sinabi ni Dad.

Kaya ko pa nga ba siyang intayin? Mawala din ba itong nararamdaman ko sakanya?

~•~•~•~•

Hala! Baka magkagulo na... Ang haba kasi ng hair neto ni Vanessa eh. Putulin ko nga. Hehehe. Joke lang!

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now