Chapter 17

5 1 0
                                    

Chapter 17 - The Bad Me

•~•~•~•~•

Dominic's P.O.V.

Tumawag sakin kagabi si Jim. Ibinalita niya sakin ang lahat. Sila na. Sila na ng babaeng minamahal ko. Minamahal ko ng sobra.

Ang sakit. </3

Kaya ko pa kaya siyang makita na masaya sa piling ng iba at hindi saakin? Kaya ko naman siguro, makita ko lang siyang masaya, okay na, masakit nga lang.

Kagabi, I was so drunk. Nagpunta ako sa Padis dahil sa balitang yun. Sa sobrang sakit, nag-inom ako ng nag-inom hanggang sa makita ako ni Trixy.

Yesterday...

"Dominic, anong nangyari sayo? Bakit ka nag-iinom?" Tanong sakin ni Trix. Hindi ko iyon pinansin dahil wala akong panahong makipagusap sakanya ngayon. "Dominic, ano ba! Sumagot ka naman."

Napatayo ako sa kinauupuan ko at tumingin kay Trix. "Ano ba, Trix! Tumigil ka nga sa pag-aarte mo na may paki ka sakin! Bakit mo ba ako papakielaman?!" Sigaw ko sakanya. Sa sobrang galit kk dahil napakapakielamera niya, nakalimutan ko na babae siya kaya napagtaasan ko ng boses.

"May paki ako sayo kaya nga nagaalala ako sayo diba?! Di sana kung wala akong pakielam, hinayaan lang kitang magpakalasing ng magpakalasing jan!" Sagot niya.

Nagiinit na talaga ang ulo ko ha. "Bakit ba, Trix?! Ano ba kita?!" Tanong ko sakanya at napatigil siya.

May nagbabadyang luha sa mga mata ni Trix na kitang kita mo na sobra na siyang nasasaktan. "Oo nga, Dom. Ano nga ba ako sayo? Diba wala lang?! Wala lang ako sayo! Kaya bakit pa ako nagaaksaya ng panahon na pagtuunan ka ng pansin? Pakielaman ka? Wala din naman akong mapapala diba?! Kaya mas mabuting wag nalang akong magsalita! Tama ka, masyado na akong nangingielam sayo! Siguro dapat matagal ko nang tinapos ang nararamdaman ko sayo para hindi ko nagkakaganito! Hindi ako nagmumukhang tanga sa harapan mo ngayon!" Sigaw niya saakin. Sa mga salitang binitawan niya, naapektuhan ako. Sobra. Napasobra yata ako. Nilamon ako ng galit ko kaya ayan ang kinalabasan.

"Simula ngayon, hindi na tayo magkakilala. Hindi na kita papakielaman at wag mo na din akong guguluhin."

"Pero Trix--." Pagtututol ko sakanya.

"Wala nang pero pero, Dom! Eto ang gusto mo diba?! Kaya ayan, ibibigay ko!" Sagot niya sabay alis.

Naiwan akong luhaan. Dalawang napakaimportanteng babae ang nawala sakin. Ang kaibigan ko at ang mahal ko.

Ang sakit.

Dahil sa sakit na dinulot sakin ni Vanessa, nasaktan ko na si Trixy. Damn this feeling! Napakakupal ko kasi eh! Di sana kung inunahan ko na si Jim, edi ako ang boyfriend niya ngayon at hindi si Jim.

Ayoko na. Mas mabuting umuwi nalang ako para hindi na ako makasakit pa, at masaktan pa.

•~•~•~•~•

Trixy's P.O.V.

Ang sakit. Yung nagmamalasakit ka na ngang tulungan siya para mag-move on, magagalit pa sayo. Damn it! Ayoko na, ititigil ko na ang nararamdaman ko para kay Dominic. Yes, you read it right. May gusto ako kay Dom, but dahil sa nangyari kanina. Parang nagbago siya, binago siya ng nararamdaman niya kay Vanessa, ng bestfriend ko. I wish hindi naman sana madamay ang members ng BTS. Mahirap na pagnagkagulo sila. Mahihirapan ang company na nag-aayos para sakanila.

Mas mabuting umuwi na ako at magpahinga. I feel so tired. Parang ilang segundo nalang ay babagsak na ako sa pagod.

Pagkarating ko sa bahay, nandun si Mama sa sala.

"Andy, san ka na naman nanggaling?" Tanong ni Mama. Why Andy? Pag pinagsama mo ang And sa Anndrew ko at Y sa Trixy ko, makakabuo ka ng Andy. Gets niyo?

Sila Mama lang ang natawag sakin niyan. Ewan ko ba kung bakit ayan ang tawag nila sakin.

"Nagpunta lang po ako sa mall pero nagkasalubong po kami ni Dom kaya nagkausap kami sandali. Yun lang ma." Sagot ko at nagpunta sa kwarto ko. Hindi ko na napigilang umiyak dahil hindi ako umiyak masyado kanina. Ayaw ko kasing may nakakakita saking umiiyak lalo't hindi ko kilala.

Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako ng mahimbing. Bakit pag katapos nating umiyak ay inaantok tayo? Bakit?

I know you're hurt, my child. You need to take a rest. - God

Ah, that's why. Mahal na mahal talaga tayo ni God. He always care for us. Kahit hindi ko naman sabihin ay alam niyo na iyon.

Kinabukasan...

Nagising ako dahil sa alarm ng aking cellphone. Ayoko kasi ng alarm clock, masyadong maingay.

Dali dali akong nagbihis at pumasok. Hindi na ako kumain sa bahay dahil gusto ko sa Mcdo kumain. I'm craving for burgers eh. Hehehe. Hayaan niyo na ako.

Pagkatapos kong magtake out ng burger ay naglakad ulit ako ng mabilis dahil hinahanap ko ang ID ko sa bag at hindi nakatingin sa harapan ko ay may nabangga ako.

"Aray ko naman." Sabi ko at pinulot ang mga gamit ko. Pero dahil sa pagkabangga ko sakanya ay nakita ko na ang ID ko.

"Sorry." Sagot niya. Parang kilala ko yung boses. Tiningnan ko siya at nagulat ako.

"Trixy."

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now