Chapter 24 - Tell me
•~•~•~•~•
Jim's P.O.V.
After akong kausapin ng mga kaibigan ko ay bigla nalang akong hinila ni Vanessa. May ginawa ba ako?
(Nako Jim, wag ka ngang magpanggap na inosente ka.)
Queit ka nalang, Ms. Author. Wag ka nang magsasalita baka mamaya mawalan ka ng libro. Djoke.
(Baka naman gusto mong mawala sa storya?)
Tss. Tuloy mo na lang yung storya.
So ayun na nga, nandito kami ngayon sa park. Wala masyadong tao sa part na 'to kaya okay lang.
Humarap siya sakin na nakapamewang at nakataas ang isang kilay. "So, ano yung sinasabi niya kanina? Ano yung sinasabing papatayin ka daw nila?" Tanong sakin ni Vanessa.
"Baby--." Pinutol niya ako. Ewan ko ba kung bakit.
"Wag mo akong ma-baby-baby ngayon Jim ha." Sabi niya. Ano ba ang problema neto? Di naman siya PMS. Hayyss, babae talaga.
"Hindi ko din alam,Vanessa. Pati ako kanina, naguguluhan din." Paliwanag ko.
"Alam mo Jim. Ano bang meron sainyo na hindi ko alam? May kailangan pa ba akong malaman? Sabihin mo nga sakin, Jim. Meron pa ba akong hindi alam?" Tanong niya.
Paktay na!
•~•~•~•~•
Vanessa's P.O.V.
Nandito kami ngayon sa park. Ano sa tingin niyo ang ginagawa namin dito? LQ? Jusko, hindi! Ang sweet namin kaya! Naku! Wag niyo akong iinisin ngayon, badtrip ako sa babaeng yun. Sobrang bastos! Kitang andun yung girlfriend nung tao eh, nagagawa pang landiin. Jusko! Pigilan niyo ako!
"Alam mo Jim. Ano bang meron sainyo na hindi ko alam? May kailangan pa ba akong malaman? Sabihin mo nga sakin, Jim. Meron pa ba akong hindi alam?" Tanong ko. Nakakabanas na eh. Akala ko ako yung first girlfriend niya, hindi pala.
Hindi siya sumagot kaya tumakbo na ako palayo.
"Vanessa."
Hindi ako lumingon sa lahat ng natawag sakin. Nasalubong ko pa nga si Dom eh.
Hinawakan niya ako sa kamay kaya napatigil ako.
"Vanessa, bat ka umiiyak?" Tanong niya pero hindi ako sumasagot.
Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa.
"Ano ba, Dom. Ibaba mo nga ako." Sigaw ko. Binuhat ba naman ako.
Isinakay niya ako sa kotse niya. Jusko! Help! Kinidnapped po ako!
Nilock niya ang door ko at pumunta sa driver's seat. Humarap siya sakin with his poker face.
"Now tell me. Bakit ka umiiyak kanina?" Tanong niya. Kasi dahil lang naman sa ex ng bestfriend mo at yung bestfriend mo na hindi sinasabi sakin ang totoo.
Akala ko kilala ko na sya ng lubos, hindi pa pala. Dapat sinasabi niya sakin diba? Hayss, ayoko na.
Naka 2 months na naman kami ni Jim kaya okay na yun. Pwede na. Baka mamaya mamatay pa siya pag hindi niya binalikan yung lintik na babae na yun. At yun din naman yung ayaw kong mangyari.
"Dom, babalik muna ako kay Jim. Ikukwento ko nalang mamaya." Sabi ko pero nakatigil na ako sa pag iyak nan. Tumango naman siya at naglakad na ako pabalik ng studio.
Pagkapasok ko, nakita ko agad si Jim. Andun sa sulok, tulala. Ayaw ko man gawin 'to pero ayaw ko nang may masaktan.
Lumapit ako sakanya at tumingin naman ito saakin. "Jim, I want to talk to you." Cold kong sabi.
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
عشوائيPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.