Chapter 31

6 0 0
                                    

Jim's P.O.V.

"Malandi naman talaga siya ah." Sabi ko nang makita kong naglalakad sa hallway ang Ex-girlfriend kong si Vanessa.

Bitter na ata ako. Totoo naman kasi, malandi yan eh.

"JIM?!" Sabay na sabi ng lovebirds na to. Gulat pa nga eh na nakita ako eh.

"Totoo lahat ng sinasabi ng mga tao dito sa hallway, Christian. She's a flirt! A freaking fli--." Sabi ko pero pinutol ako ni Vanessa. Bakit? Ayaw niyang marinig ang totoo? Tss.

"Jim, tama na!"

"Anong tama na, Vanessa? Eh sinasabi ko lang naman ang totoo. Na malandi ka talaga! Na hindi mo kayang maging loyal sa taong minamahal mo. Alam mo? Maling mali na minahal kita, Vanessa. Maling mali! Sana hindi nalang kita nakilala. Dapat talaga na wala na tayo! Malandi ka!" Tangina! Di ko talaga mapigilan eh.

Taena! Umiiyak na siya! Hindi ko kaya! Ayoko nang umiiyak siya eh! Oo, bitter na ako pero bakit parang mahal ko pa din?

"Malandi na kung malandi! Yan ang gusto mong paniwalaan, ano pa bang magagawa ko diba? Hindi mo na naman ako girlfriend diba?! Sorry kung sumasama ako sa mga bestfriend mo! Sorry kasi tinatanong ko sila kung pano ka kausapin ng maayos pag nagagalit ka!" Shit! Bakit hindi ko alam?! Bakit hindi ko napapansin na siya yung nageeffort para sakin?! Tangina lang! "Sorry kasi hindi ko alam kung pano ka pasiyahin pag nagagalit ka sakin! Sorry kasi naging masama akong girlfriend kasi tinatanong ko kung pano ka suyuin. Sorry kung madalas kong kasama si Christian kasi masyado ka nang busy at wala ka nang time para sakin. Sorry kung nahirapan ako sayo pero pilit ko paring hindi bumitaw kahit masakit na! Sorry kung sa tingin mo na malandi ako kasi madalas kong kasama ang mga bestfriends mo. Sorry kung inuna kita kesa sa kasiyahan ko. Sorry dahil nakilala moko! Sorry dahil minahal moko! At huli, sorry kung minahal din kita na higit pa sa mga kaibigan at magulang ko." O.O!! Siya na yung nageeffort para saming dalawa. Siya na yung umiintindi sakin tuwing galit ako.

Ang sama kong boyfriend! Ang sama sama ko! Ang tanga tanga ko!

Fck it! Kill me now!

•~•~•~•~•

Sorry for the short chapiee guys. Medyo busy kasi ako ngayon. Bawi nalang ako next time. I wont promise kasi promises are meant to be broken. Hehe!

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now