Chapter 21 - Ouch
•~•~•~•~•
Christian's P.O.V.
Nandito ako ngayon sa park. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko pa si Vanessa at Jim sa may isang bench. Buti hindi nila ako napansin. Nagpunta ako sa may puno at pinanood ko lang sila.
Parang nag-uusap sila ng seryoso kasi kita ko sa mukha ni Jim yung kaba, pero nung nagsalita na si Vanessa bigla nalang siyang natigilan at ngumiti ng pagkalaki-laki. Nag-usap ulit sila nangbigla nalang kumirot ang puso ko sa ginawa nila.
Niyakap si Jim si Vanessa, at niyakap din ito ni Vanessa pabalik.
Ouch 💔 Masakit na masyado 💔
Mas minabuti ko nalang na umalis kesa makita siya na masaya sa iba. Oo, inaamin ko na talaga. May gusto na ako sakanya, ang tanga ko kasi eh. Dinedeny ko pa noon kahit alam ko na, ayan tuloy, napunta na sa iba.
Nagdrive ako papunta sa MOA at dumeretso sa Padis. Nag-inom ako ng nag-inom hanggang sa gumabi na. Parang mas gusto ko nalang na maglasing habang buhay kesa makita siyang masaya sa iba. Pero, mahal ko eh, syempre kung saan siya masaya, eh respetuhin ko nalang.
Kahit masakit, gagawin ko. Para sa taong mahal ko. 😍 Maybe, hindi kami para sa isa't isa pero pinagtagpo lang kami para maging magkaibigan, hindi MAGKA-IBIGAN. Ouch, just ouch! Masakit na talaga, hindi ko na kaya.
Nagpunta ako kina David. Sasabihin ko lahat pero hindi ko sasabihin na si Vanessa ang pinaguusapan namin. Alam kong wasak din ngayon si Dom at Lucas. Kaya napagisipan ko nalang muna pumunta kina David.
Nagdoorbell ako at ang humarap sakin ay ang babaeng kapatid ni David, si Alexa. Maganda siya, maputi, mabait pero hindi ko siya naging type. Ewan ko ba. I like bad girls.
"Hi Migs, andun pala si kuya sa kwarto niya." Sabi niya. Alam na niya kasi na pagpupunta ako sakanila ay si Dave agad ang hanap ko.
"Ah thank you, Lex." Sagot ko naman sabay ngiti.
Naglakad na ako papunta doon sa kwarto niya at kumatok.
"Pasok."
Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko siya na nakashort lang.
"Bro, bakit? May problema ba tayo?" Tanong niya nang makita niya ako na nakabusangot at umupo sa tabi niya.
"Ewan ko ba, bro. Mahal ko si Vanessa pero hindi ko talaga matanggap na sila na ni Jim. Parang ayaw tanggapin ng puso ko ang mga nangyayari." Sagot ko.
Hinagod niya ang aking likod ang humarap saakin. "Christian, matatanggap mo din yan. Hindi man ngayon, pero alam ko makakaya mo yan. Ikaw pa? Ang bilis mo nga makamove on eh." Sagot niya at napangiti ako.
"Salamat bro. Buti anjan ka lagi para sakin. Salamat talaga." Sagot ko. At nag movie marathon kami.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko at bigla nalang akong napangiti.
Vanessa😍 is calling...
Yes, ayan ang name niya sa phone ko. Ang cute kaya.
"Hello?"
(Ah hello, Christian. May pinapasabi nga pala si Jim na may shoot daw kayo ngayon. MV niyo daw.)
"Ah yun ba? Okay sige. Saan daw ba yung location?"
(Sa studio nalang daw muna kayo pumunta.)
"Okay, salamat. Sige, pasabi kay Jim na papunta na kami."
Inend ko na yung call dahil baka mamaya ay kung ano pang isipin netong kasama ko.
"Dave, punta daw tayo sa studio. Mag shoot daw tayo ngayon." Sabi ko at nagbihis naman siya agad.
Dinrive ko ang kotse ko at pumunta na kaming BigHit. Ewan ko ba kung bakit parang kabado ako sa mangyayari mamaya.
Nang makarating kami sa studio wala paring umiimik samin ni David. Ewan ko ba kung bakit.
YOU ARE READING
Mr. Popular Loves Me (On Going)
RandomPag nasayo na, wag mo nang hayaang mapunta pa sa iba.