Chapter 5

17 2 1
                                    

Chapter 5 - The Bad Girl

•~•~•~•~•

Vanessa's P.O.V.

Hayss. Naka one week na ako dito sa Pinas and bored na bored na ako. Naisipan kong pumunta sa bar at magsaya. Ang boring kaya dito sa bahay. Nakakaimyerna! Walang magawang nakakaloko!

Naglalakad ako ngayon at nasa harap ko na ang pintuan ng bar. Huminga muna ako ng malalin. Napakita ko na naman sa guard yung ID ko kaya pinapasok na ako. Di daw kasi ako mukhang 18. Syempre, pinalitan ko ng age yung ID ko para di halata na 17 pa ako.

I'm so talino talaga! Wahahaha!!

Nandito ako ngayon sa bar at umiinom. Naka dalawa na akong bote pero kahit konting pagkahilo wala pa. Kaya umorder pa ako ng tatlo. Dun sa panlima, umuwi na ako kasi lasing na ako. Hilong hilo na ako.

Palabas na ako ng bar pero eto, may mga pesteng lalaking humawak sakin.

"Ano ba! Bitiwan niyo ako!" Sabi ko pero di ako makapalag kasi nanghihina na ako.

"Miss, sa sexy mong yan papakawalan ka namin? No way! Ang ganda nga ng katawan mo eh." Sabi nung isang lalaki.

"Miss, tara na sa kotse ko! Dun tayo magsaya. Mapapasarap ka pa." Sabi nung kasama niya.

"Putangina ninyo! Sabing bitiwan niyo 'kong mga hinayupak kayo eh!" Sigaw ko.

May lunapit samin na lalaking nakahood na itim. Hindi ko makita ang mukha nito dahil madilim.

"Hindi niyo ba siya bibitawan?" Tanong niya na mahinahon.

"Bakit sino ka ba ha?" Inis na tanong nung lalaking nakahawak sakin.

Nagulat ako sa sunod na ginawa ng lalaking nakahood. Bigla niyang sinuntok yung dalawang lalaki at napahiga ang mga ito.

Bigla na lang akong binuhat ni hoodie man na ikinagulat ko ulit.
"Hoy bitiwan mo nga ako! Baka kung anong gawin mo sakin!" Sigaw ko. Hindi siya nakinig at nilagay niya ako sa passenger seat sa harap.

Umupo siya sa driver's seat at tinanggal niya ang hood niya na ikinagulat ko na makita siya.

"Ano bang nakain mo, Vanessa? At bakit mo naman naisipan na pumunta sa lugar na ganito ha?! Pano kung wala ako?! Pano kung may anong nangyari na sayo?! Sinong hahanap sayo?! Alam mo ba na magalala ng sobra ang pamilya mo?!" Galit na wika nito.

Napayuko nalang ako. "Sorry." Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Anong sorry?! Pag ba may nangyari sayo may magagawa ba yang sorry mo?! Sagutin moko, Vanessa?!" Sabi niya. Teka, tatay ko ba to?! Hahaha!

"Bakit ba kung makasigaw ka sakin wagas ha?! Inaano ba kita?! Wala kang karapatan na sigawan ako! Tandaan mo yan!" Sagot ko pabalik.

"Nagaalala kasi ako sayo. Edi kung hindi, di sana pinabayaan kita kanina." Sagot niya nang mahinahon.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagaalala siya? Bakit naman? Kakakilala ko lang sakanya kahapon ah. Kahapon ang cold niya sakin tapos ngayon nagaalala. Lakas maka mood swings ah. PMS ka, bro?

"Simula ngayon, hindi ka aalis ng bahay nang hindi ako kasama. Pasalamat ka at sunundan kita kanina." Sabi niya at natameme nalang ako dito. Bakit ganyan siya sakin?

Kinuha niya ang cellphone ko at may tinype dun. "Oh ayan number ko. Pag aalis ka, tatawagan moko. Pag hindi," Sabi niya at lalong lumapit sakin. Buti naka red yung traffic light. "Ikikiss kita hanggang sa magsawa ka." Bulong niya sakin at lumaki ang mata ko dahil sa gulat. Tiningnan ko siya at nakangiti siya.

"Manyak!" Sigaw ko sabay hampas sa braso niya.

"Uy nagdadrive ako! Joke lang naman yun." Sagot niya.

"Buti naman." Sabi ko at umayos ng upo.

Nakadatig na kami ni Christian sa bahay ko at ibinaba na niya ako.

"Sa susunod mag-ingat ka na ha." Sabi niya bago makaalis.

Naiwan akong tulala dito. Hayss. Papasok na nga ako sa loob. Buti at tulog na lahat kaya natulog na din ako.

•~•~•~•~•

Nagkakadevelopan na kaya ang dalawa? Yiee! Pati akong author kinikilig dito eh.

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now