Chapter 15

12 1 1
                                    

Chapter 15 - She's Mine

•~•~•~•~•

Vanessa's P.O.V.

Nandito kami ni Jim sa hallway at naglalakad. Naririnig namin ang mga tao ay naguusap tungkol samin, pero may isang bagay akong ikinagulat. Yun ay may dalawang pamilyar na boses sa magkabilang side ng dinadaanan namin.

"Sakin ka nalang!" Biglang natahimik ang lahat sa pag sigaw na yun. Kahit ako, nagulat din ako duon.

Nilingon ko ito para makita kung sino ang dalawang lalaking iyon.

Si Christian at Dominic.

Nagkatinginan sila sa isa't isa na ikinakaba ko. Yung tingin nila ay parang gusto na nilang patayin ang isa't isa pero hindi nila magawa, kaya sa isip nalang nila ito ginawa.

Inabot sakin ni Dominic ang flowers at chocolates tapos nag smile siya, yung pilit. Tapos eto si Christian, binigay sakin yung malaking teddy bear na hawak niya. Anong meron sa dalawang 'to?

"Salamat." Yan lang ang nasabi ko sa hiya.

"Wala yun, Vanessa. Ah eh, Vanessa, p-pwede bang manligaw?" Tanong ni Dominic. Sabi na eh, may ibig sabihin 'to.

"Uhm, pwede naman pero dalawa na kayo ni Jim eh. Pero hindi ko pa alam kung may masasagot ako sainyo." Sagot ko sabay tingin kay Christian at parang sa tingin ko ay tinatanong ko si Christian about sa bear.

"Ah eh. Vanessa, pinabibigay kasi yan ni Jim." Sagot niya sabay alis. Hala? Anong problema nun? Wahahaha hayaan nalang natin.

"Totoo ba yun, Jim?" Tanong ko sakanya.

"Ah, oo." Tipid niyang sagot at sinide hug ko siya. Sana lagi kaming ganito, masaya.

"Salamat." Sabi ko.

Pagkatapos nun, inaya ko na silang pumasok para sabay na kaming tatlo. Pag pasok namin, wala si Christian. Ano kayang nangyari dun?

•~•~•~•~•

Christian's P.O.V.

Nagpunta ako kanina sa hallway para ibigay kay Vanessa 'tong bear na hawak ko. Ewan ko ba kung bakit ko siya binilhan neto. Tsaka pag anjan siya lagi akong masaya, lalo na nung shooting namin sa Boy In Luv na music video.

Ang ganda niya dun. Eto nga eh, dinownload ko pa. Ang cute kasi naming tingnan nung sa part na binigyan ko siya ng flower. Para siyang totoong kinikilig.

Pang minalas ka nga naman. Nakasabay ko pa si Dom. May dala siyang chocolates at flowers para kay Vanessa. Bakit ko alam? Sinabi niya sakin kahapon, pero hindi niya alam na may gusto din ako kay Vanessa. Gustong gusto ko nang umamin baka kasi malamangan ako ng dalawang 'to. Pero totoo, nalamangan na ako si Jim.

Matapos kong ibigay ang bear na binili ko, umalis na agad ako. Ayokong mapahiya sa madaming tao. Napagpasyahan kong pumunta sa happy place naming BTS, sa secret garden.

Nakita ko si David duon. Nilapitan ko siya kasi siya lang lagi ang nakakatulong sakin sa mga ganitong sitwasyon.

"Uy dre, kamusta pag-amin mo?" Tanong nya saakin. Eto, masakit.

"Wala dre eh. Di ako nakaamin. Nakasabay ko kasi si Dom kanina, alam ko namang may gusto din siya kay Vanessa pero hindi ko talaga mapigil ang nararamdaman ko sakanya." I said then sighed. "I think I like her." Dagdag ko pa.

Hinawakan niya ako sa aking balikat. "Christian, hindi mo naman talaga mapipigilan ang nararamdaman mo. Porket ba nakasabay mo si Dominic kanina ay susuko ka na? Hahayaan mo nalang ba ito? Hindi mo ba ipaglalaban si Vanessa? Kasi kung hindi, masasaktan ka lang." Paliwanag sakin ni Dave, short for David.

Inakbayan ko si Dave at ngumiti. "Tama ka dre, dapat kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Simula bukas, manliligaw na ako kay Vanessa." Sagot ko. Ngumiti din siya na parang sinasabi sakin na 'tama yan dre'. Sana naman magkaroon ako ng pagasa sakanya.

Pagkatapos ng klase namin ay umuwi agad ako. Magiisip pa ako kung anong pwedeng ibigay ko sakanya. Hindi kasi ako magaling sa ganito eh. Sana magustohan niya kahit papaano yung maibibigay ko sakanya bukas.

Bumaba ako para kumain dahil iniintay na ako ng aking you know. Hahaha! May pagkaganyan akong style talaga. Sa totoo lang, makulit, maingay, madaldal, malikot ako kaso nagbago lahat yun nung iniwan ako ng--- nevermind. Eto ako ngayon, bumaba na para kumain.

"Hi mom." Masigla kong bati at hinalikan siya sa pisngi at ngumiti.

"Hi anak. Parang ang sigla mo ngayon ah, di tulad dati na wala ka manlang imik. Nakakapanibago ka, Migs." Sagot ni mama. Oo, Migs ang tawag sakin nila dito sa bahay.

"Mama, kanina kaya si kuya may dalang MALAKING teddy bear." Singgit ni Kheana. Si Kheana pala yung younger sister ko. Ano yan eh, uhm, mana sakin. Andami kaya niyang manliligaw kaya eto ako, parang reporter na nagiinterview. Pansin niyo, naka emphasize talaga yung MALAKING jan.

"Aba Migs, sino naman yan?" Tanong ni mama with her pangasar look. Hayyss, ayan na naman siya.

"Wala ma, kaklase ko lang." Sagot ko. Alam ko na sunod, pangasar yan ni Kheana.

"Kaya pala binigyan ng teddy bear kasi classmate LANG." Oh diba, mana siya kay mama. Magagaling sila mangasar.

"Hay nako, tumigil na kayo." Sabi ko at tumigil na sila. Kumain kami ng tahimik matapos ang asaran kasi alam nila na kapag hindi pa sila tumigil, aalis ako ng bahay. Wahaha, tapos pupunta ako kay Jacob para makipag party. Slumber party lang.

Umakyat na ako sa taas at natulog. Hayy, ang saya mainlove ulit.

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now