Chapter 10

12 2 0
                                    

Chapter 10 - Closure

•~•~•~•~•

Vanessa's P.O.V.

Nandito pa ako ngayon sa bahay. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko mamaya. Nakakakaba, lalo na di ko sila kaclose at artista pa sila. Am I one of the lucky girls?

Nah, nevermind. Mamaya ko nalang yan iisipin. Eto kakatapos ko lang maligo at nagboblower na ako kasi ayaw kong basa ang buhok ko.

"Tita, papasok na po ako." Paalam ko kay tita.

"Oh, ba't ang aga naman. Kumain ka muna dito." Sabi ni tita.

"Sorry po, tita. Nagmamadali po kasi ako eh. Kakain nalang po ako sa Mcdo. Meron naman po akong madadaanan eh." Sagot ko.

"Oh sya, sige. Mag-iingat ka ha." Sabi ni tita.

Lumabas na ako ng bahay at eto may sumalubong saking 2 van. Kinabahan ako kaya napatigil ako at bigla nalang bumukas ang pinto ng unang van.

"Sumakay ka na dito." Pagyaya nito.

"Ayoko." Sagot ko at umiwas ng tingin. Etong lalaking kausap ko ngayon ay nakamask, white polo, black pants and syempre yung suit ng mga lalaki.

Lumapit siya sakin at tinitigan ako sa mata. "Sasakay ka o sasakay ka?" Tanong niya. Natanong pa siya pareho din naman ang choices. No choice kailangan kong sumakay, baka anuhin pa ako neto eh.

"Eto na nga po sir Christian eh. Sasakay na." Sagot ko. Hayss, nakakatakot pa naman ang tingin neto.

Monster!

"Gwapong monster naman." Sabi bigla ni Christian nang makasakay kami sa van nila. Nasa kanan ko ngayon si Jim at nasa likod namin si Dom at Christian.

Biglang kumalam ang tiyan ko at tiningnan ako ni Jim.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito at umiling ako.

"Hayss, bakit naman hindi ka kumain? Alam mo namang kasama ka sa shoot namin eh." Sabi niya. Kuya, di kita boypren kung makapagalala ka sakin dinaig mo pa si Trix.

"Sorry." Yan lang ang lumabas sa bibig ko at yumuko nalang ako.

"Kuya, padaan nga po sa malapit na kainan." Sabi ni Jim. Wow, ang bait ah. Di tulad ni Christian, nung hinigit ako ginawa ba naman akong kabayo kung maka-kaladkad sakin.

Dinaan nila ako sa Mcdo at binilhan ng pagkain. Eto talagang si Jim nagabala pa, pero ang sweet!

"Salamat Jim ha." Sabi ko sabay subo sa burger. Napatingin ako kina Christian. Ayun si Dom nagmumusic pero si Christian? Eto nanlilisik ang mata sakin.

Anong ginawa ko?!

Nakakatakot pa naman 'tong monster na 'to. Di talaga uso happiness sakanya. Hahaha.

•~•~•~•~•

Hello guys! Sorry sa maikling chapter ha. Pag nagsusulat kasi ako, madaling araw. Walang makakakita sakin. Wahahaha! Para namang may ginagawa akong masama. Hindi, ganito kasi yun...

Bawal talaga akong magwattpad.

Pero sisikapin kong tapusin 'to para sainyo. Mahal ko kayo eh!

•~•~•~•~•

Guys! OMG! OMG! May bag at T-shirt na ako ng BTS! Di naman sa pinagyayabang ko 'to ha, pero dream ko 'to eh. Yung kahit sa maliit na bagay ay napapakita ko kung gaano ko sila kamahal.

Dream ko din na makilala 'tong book ko. Dahil sa every comments, votes niyo, napapasaya niyo ako. (Oh diba, ang babaw ng kaligayahan ko?) Hahaha.. Oh sige na, lalayas na ako. Babush!

Mr. Popular Loves Me (On Going)Where stories live. Discover now