*Eric's POV*
Lunes.
As always may pasok. 😂😂"Niel! " tinawag ko si Niel paglabas namin ng room.
"Kakain kana ba ng tanghalian? " tanong ko naman agad.
Syempre, alam kong sabag silang kumakain ni Tiboy ng tanghalian. Hehe. 😀
"Oo, ba't mo naman na tanong? " sya.
Inakbayan ko sya.
"Di ba sabi ko sayo pagtanghalian yayain mo ako para sabay tayong kumakain." nakangisi kong sagot.
"Ay oo nga pala. Hehe. Nakalimutan ko eh"
"Yan ang problema sayo eh, masyodong makakalimutin"
Pagdating namin sa cafeteria. Bumibili kami ng pagkain namin at umupo sa napiling table.
Napansin kong wala si Tiboy kumakain na si Niel.
"Hindi ka ba kakain? " tanong nya sakin kahit lumalamon ng pagkain.
"Wala ka bang balak hintayin si Tiboy? "
Nilunok nya yung kinamain nya at uminom ng tubig.
"Si Jannine ba? Wala sya ngayon kasama kasi sya sa regional sports competition" sagot nya at lumamon uli.
Huwaaaaat??? Wala sya?
Waaah!! Oo nga pala! Nakalimutan ko! Kaya pala wala rin si James at Ailene ngayon. Takte!!
Badtrip! So it means kami lang dalawa ang sabay kumain ngayon? Takte! Nawalan na 'ko ng ganang kumain. B*****t! Di nya man lang sakin sinabi? Ayaw ko pa naman syang makita. 😠
"Ba't di mo manlang sakin sinabi?" inis kong tanong.
"Bakit nagtanong ka ba?"
"Kailangan pa ba kitang tanungin? "
Tumigil sya sa pagkain at tinitigan nya ako ng seryoso.
"Eh ba't parang na iinis ka? " seryoso nyang tanong sakin.
"Nakakainis ka kasi. Di mo manlang ako sinabihan."
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
ЮморHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...