PFIWAT: CHAPTER 35

969 24 25
                                    


Third Person's POV

"So yan ba ang rason?" sabi ni Mr. Santos kay Marlo.

Nasa shop sila at nag-uuasp tungkol sa issue nila Marlo at Jannine na akala ni Mr. ASntos eh niloloko nito ang anak. Enexplain lahat ni Marlo ang mga nangyari at ngayon ay alam na nya ang lahat. Syempre nandyan din si Rex na nag-explain din at ngahingi ng patawad sa tatay nito.

"Opo, Tito. Sorry po." Paghihingi ng tawad ni Marlo.

"Hindi naman namin yun sinsadya Pa. Nataranta lang kami kaya yun na sabi ni Niel sa inyo." Paghihingi rin ng tawad ni Rex saTatay nya.

Tumayo si Mr. Santos at huminga ng malalim para mawala ang inis na ginawa ng mga anak nya.

"Alam mo hijo," sabi nya kay Marlo, "pasensya na damay ka pa sa kalokohan ng mga anak ko."

"Pasensya rin sa nangyari sa inyo ng girlfriend mo." Paghihingi din nito ng tawad.

"O...Okay lang po." Tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Mr. Santos para maipakita na sincere sya sa paghihingi ng tawad. " Magpapaliwanag lang ako sa kanya."

Hinatid ni Rex si Marlo sa labas ng shop nila pagkatapos nilang mag-usap at magka-intindihan.

"Pre, pasensya pala ha na damay pa pati yung lovelife mo." Paghihingi ng tawad ni Rex kay Marlo.

"Okay lang nangyari na eh, wala na tayong magagawa tsaka. Di ko rin kasi na ikwento sa kanya yung pag-instant bf ko ng kapatid mo" sabi nito.


Jannine's POV

Lumabas ako ng kotse at lumapit kay Tsonggo na alalang-alala sa matanda. Yung ibang tao naman na nakakita eh naggather around samin para makiusyuso at puro salita ng salita na "kawawa yung matnda" at kung ano ano pa. Kinuha ni Eric yung cellphone nya at may tinawagan, emergency medical responder siguro.

"Lang hiyang driver yun, kita nya naman na green na eh tsaka may tumatawid. Di manlang na awa sa matanda!" inis nyang sabi.

Napakunot ako ng noo. Parang ibang Eric ang nakikita ko ngayon. Kitang-kita talaga sa mukha nya ang galit. Kilala nya ba ang matanda? Tatanungin ko sana sya kaso, parang natatakot ako kasi badtrip na badtrip talaga sya ngayon.

Mga ilang sandal dumating nayung emergency medical responder at dinala ang matanda sa ospital. Pumasok na kami ng kotse si Eric ang nagmaneho.

"Pre, okay ka lang?" tanong ko sa kanya, napakaseryoso nya kasi.

"Pupunta muna tayo ng ospital, kakamustahin lang yung matanda." Sabi nya.

"Kilala mo ba yun?" tanong ko.

Di na sya nakasagot kasi nakarating na kami sa ospital, ang bilis nyang magpatakbo tsaka sa pinakamalapit na ospital dinala yung matanda.

Nakita naming naktambay lang yung matanda sa emergency room.


"Ano na Miss? Hahayaan nyo lang ba yung matanda? Nakita nyo namang walang malay di ba tsaka duguan." medyo inis nyang tanong sa isang nurse.


"Sorry po Sir, kaso yung doctor kasi naground pa. Isang doktor lang kasi ngayon ang pumasok kasi linggo." explain ng nurse.


"What?" gulat na reply ni Eric. Ibang iba talga sya ngayon. "So, hihintayin nyo palang mamatay muna yung matanda ganun? Kita nto namang emergency di ba?"

Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon