PFIWAT : CHAPTER 20

1.1K 34 22
                                    

Eric's POV

[Kung di, umobra yung una. Ito gawin mo. I-recite mo ang pambansang awit ng pabaliktad]

Kahit magmumukha akong baliw kay Tiboy, bahala na! Basta mapansin nya lang ako.

Nagpapacute naman ako sa kanya habang nire-recite yung pambansang awit. Di ko sana to gagawin kaso sabi ni Marlo effective daw eh. Kaya nagmumukhang sira ako.

Nakita ko syang parang di maidrawing yung mukha nya. Galit ba o na tutuwa.

"..Magdidilim di may pa kailan na araw at bituin ang.. " dugtong ko pa.

"Pre," sabi nya at tinitigan nya ako sa mga mata ko.

Napahinto ako.

Ewan ba, pero biglang tumibok yung puso ko.

Takte! Ginagawa ko to para magkagusto sya sakin pero bakit parang ako pa ata ang mas nagkagusto sa kanya.

Napakaseryoso ng titig nya.

Ano ba to? Bakit parang first time ko talagang magkagusto sa isang babae?

Yung feeling na parang matutunaw yung puso mo na di mo alam kung bakit. Ganito ba talaga ang feeling kung gusto mo ang isang tomboy?

Tsaka parang tumigil yung mundo ko. Ano ba? Na tamaan na ba ako sa tomboy na'to?

Mas lumakas pa yung tibok ng puso ng bigla nya akong inakbayan.

😍😍😍

Gulp.

Nagkagusto na ba sya sakin? Ang bilis naman ata.

Tama nga si Marlo effective nga. Ngumisi ako. Hehehe! 😉

"Alam mo sa tingin ko.. " sya.

May gusto nako sayo....

"..kailangan mong magpahinga muna sa mental. " sabi nya sabay tawa..

A.. Ano daw??

Napanga nga ako sa sinabi nya at tinitigan sya ng masakit.

Ano daw mental??

Tawang tawa talaga sya! As in yung tawang parang lalabas na yung dugo sa gilagid nya.

Sumeryoso ako.

Nagclear throats.

"Wala ka bang gusto sakin? " inis kong sabi.

Nakakainis eh.

Tumigil sya sa pagtawa. Tapos, tumawa uli.

Aaah!! Nakakainis!

"Alam mo pre, di ko alam na may pagkakalog karin pala" sabi nya sabay tawa uli.

Bakit sya tumatawa, may sinabi ba akong nakakatawa?

Badtrip! Akala ko may gusto na sya sakin, walang hiya! Paasa sya! Pinaasa nya lang ako. Nakakabadtrip talaga!

Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon