Anong New year ang meron si Eric? Lungkot at galit, kabaliktaran naman ang kay Jannine. Sa ganitong sitwasyon palang ang layo layo nila sa isa't isa . Is it possible na magkatuluyan ang playboy at ang tomboy? Do you think baka iba ang rason kaya sila nagkatagpo. Para baguhin ang isa't isa? Maraming rason kung bakit ang mga tao ay nagkatagpo-tagpo. Una para baguhin ka and like wise baguhin din sila. At panghuli para maging makulay ang buhay mo dito sa mundong ibabaw. People just come and go right?
/////////////////////////////////////////////////////////////////
Dalawang oras nalang bago magBagong Taon. Masayang masaya at may videoke pa kila Jannine. Kompleto silang lahat na magsama-sama at lahat na pamilya ng bawat isa. Kasama ang kay Joshua, Michael, at kay Redford. Okay naman ang mga ina't ama pati ibang kapatid nila, at least nagkakilala silang lahat. Actually ang kulang nalang ay yung Mama nila Jannine.
Syempre pabida sa videoke ang pamilya nila Red na puro singer. Haha.. Masayang masaya sila at tanging videoke lang ang rason para di sila makatulog. Syempre yung iba naman tagay at videoke din kahit medyo sintunado.
"Haha! Ang gulo pero masaya! " sabi ni Niel kay Jannine.
"Sinabi mo pa. " sagot nito.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan, biglang nagvibrate ang cellphone ni Jannine na nasa likod na bulsa ng pantalon nya.
Kinuha nya ito at nakita text ni Eric, binuksan nya ito at binasa.
[Andito ako ngayon sa fountain ⛲ malapit sa plaza nyo. Punta ka dito, hihintayin kita. ] laman nito.
Napabuga naman ng hangin si Jannine. Syempre kung makacommand parang engot eh. Di nya ba alam na New year na mamaya? Akala nya naggreet ng Happy New year yun pala pinapaunta sya. Amo sya sinuswerte?
"Sino ba yun? " tanong ng Kuya Mike nya na halata kasing umiba ang mood pagkatapos binasa yung text.
"Wala. " pagsisinungaling nito.
After thirty minutes..
"Tang na! " mahina nyang mura habang nagba-bonding sa mga kapatid.
"O bakit? " si Niel. Napansin nya kasi.
Tumayo si Jannine.
"Sandali lang may pupuntahan lang ako. " paalam nya at mabilis na umalis ng bahay.
Badtrip! Ayaw nya sanang pumunta doon kaso baka naghihintay parin sa kanya ang Tsonggo. Nakokonsensya sya, di nya kayang gawing mukhang eng-eng ang isa. Alam nyang baka nang go-good time lang yun pero baka totoo rin. Di nya alam kung ano talaga. Minsan kasi may pagka-engot din ang Tsonggonh yun. Grrr!!
After five minutes, nakarating na sya. Tahimik ang paligid at wala ng taong tumatambay kasi malapit na ang oras nalang at magbabagong taon na. Nasa bahay ma siguro ang lahat.
Wala din syang nakitang kahit isang anino ng isang tao. Humihingal pa sya pagdating nya kasi binilisan nya ang paglakad dahil kalahating oras na ang lumipas noong nagtext ang mokong na Tsonggo.
"Badtrip! Sabi ko na nga ba eh! " inis na inis nyang sabi.
Tama talaga ang hinala nyang gino-good time lang sya ng walang jung Tsonggong yun!!
Aalis na sana sya ng biglang may yumakap sa kanya mula likod at sinubsub ang ulo sa balikat nito. Syempre na gulat sya at biglang natakot. Malay nya ba kung sinong hinayupak ang yumakap sa kanya. Kakawala sana sya ng biglang nagsalita ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/108356611-288-k852491.jpg)
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...