Jannine POV
"Talaga bang pupunta ka ng simbahan na nakaganyan?" tanong ni Kuya Rex sakin.
"Yup!" sagot ko.
"Okay ka lang ba talaga, Tiboy?" tanong sakin ng nakakabadtrip na Tsonggo.
"What's the big fuss guys? Hello shades lang to." mataray kong sabi. Waah! Di ko rin alam kung bakit ko rin yun pinagsasabi.
"Hayaan nyo nalang di ba sabi nya fashion trend." oh si Papa yan.
Buti pa si Papa sinusuportahan ako. Thanks Pa!
Simbahan...
Pumasok na sila, syempre ako nakasunod sa kanila. Wala akong paki kung lahat na mga tao eh naka tingin sakin. I have reason anyway. Haha! Napa-english ako. Haha.. 😂😂😂
Last na upuan nalang ang bakante doon umupo sila Papa kaya sumunod kami.
Pagminamalas ka nga naman, si Tsonggo pa tong katabi ko.
Lumingon ako sa iba pang upuan baka may bakante pa ayokong tumabi sa kanya dahil na iinis nga ako sa kanya di ba? Tsaka fresh pa yung kagabi. Aah! Badtrip! Na alala ko na naman. Sorry ha kahit dito ako sa simbahan, sorry Lord.
"Ano may plano ka bang uupo o tatayo ka lang?" tanong sakin ng Tsonggo.
Badtrip! Tang... Bawal magmura andito ako sa simbahan.
"May plano pa sigurong ipakita sa pari yung sunglasses nya." Niel.
Tas narinig kong tumawa silang apat maliban kay Papa.
Nakakabwi.. Talaga sila. Kung di lang ako sa simabahan kanina ko pa sila bonugbug.
"Shh! Ano ba, nasa loob na tayo ng simbahan." saway ni Papa sa kanila.
Tss. Buti nga. Tumahimik naman sila at umupo nalang ako. No choice eh.
Na naman! Ano na naman nangyari sa puso kong to. Ang bilis na naman ng tibok nito.
Gulp.
Parang ang awkward na katabi ko si Tsonggo.
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...