Eric's POV
Di talaga ako mahilig manglibre lalo na sa mga taong hindi ko close. Pero parang naging close ko narin ang mga ulol kong kaklase sina Niel, James at Ailene. Exemption si Tiboy crush ko sya eh. Hahaha..
Akalain mo yun si Eric Sanchez may crush sa isang tomboy? Alam kong napakaimposible pero parang ganun talaga ang nararamdaman ko sa kanya eh. Masaya ako pagnakikita ko sya, na lulungkot ako at parang di kompleto araw ko pag di ko makita si Tiboy. Tsaka di ko magawa sa kanya yung mga ginagawa ko sa mga babae ko.
Buong gabi kong pinag-isipan tong nararamdaman ko kay Tiboy at positive crush ko nga sya.
Di ko talaga ide-deny na crush ko si Tiboy. As in. Hahaha! Akalain mo yun, biglang umiba ang ihip ng hangin.
Gusto ko dati yung sexy, maganda at pwedeng irampa sa kalsada na babae pero ngayon ayoko ko ng nang mga ganoong klaseng babae. Yung gusto ko na ngayon eh, yung mga astig, siga at athletic. Hahaha! Bahala sila jan, basta crush ko talaga si Tiboy.
Ang nakakabadtrip lang eh, di ko masabi sa kanya dahil alam kong pareho ang gusto naming dalawa. BABAE.
"Hoy, totoo bang kayo na? " tanong ni Tiboy kay Ailene.
"Ha? Paano mo nalaman? " gulat na gulat na tanong ni Ailene.
"Kalat na kalat sa buong paaralan. Hot issue kong baga" si Tiboy.
"Oo nga. Di mo ba alam?" tawang tawa pang sabi ni Niel.
Binaling ni Ailene sakin ang atensyon. Aba. Tinitigan nya ako ng masakit. Don't tell me ako ang suspect mo.
"Ikaw Eric no? " tanong nya sakin.
Aba. Tama nga!
"Ba't ako? Paki alam ko sa inyo." sagot ko. Totoo naman eh.
"Ikaw lang naman ang nakakita samin ah" si Ailene.
"Chismoso ba ako? Baka yang boyfriend mo ang kumalat" sagot ko at tinitigan si James.
Aba. Nakangisi ang ulol. Di maitago na sya nga. Tss.. Kita nyo nalang?
"Ikaw ba? " taas ang isang kilay ni Ailene na tinanong si James.
"Hehe. Sorry babe. Proud lang kasi ako na naging tayo. " sagot nya sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...