PFIWAT : CHAPTER 49

918 26 2
                                    

Jannine's POV

Nagleleksyon na yung professor namin pero parang wala akong na intindihan kasi yung utak ko kay Honey at Tsonggo. Lang ya ba't ba ako nagkakaganito? Hindi ko maintindihan kung ano na talaga ako? Huwaat? Kung ano ako? Hindi. Yung ibig kong sabihin kung ano na talaga tong naramdaman ko. Naguguluhan ako sobra.

Nagring na yung bell means lunch break na.

Ewan ko pero bago ako lumabas huminga ako ng malalim. Yung parang ang laki ng dala kong problema pero wala naman. Lord ano ba tong nangyayari sakin??

Ang gulo. Ang gulo gulo ng isip pati't puso ko. Sobrang gulo!! Di ko maintindihan bakit.

Dumiretso ako sa cafeteria. Syempre doon ako umupo sa always naming pwesto ni Pareng Niel.

Wala pa sya, kaya ako lang mag-isa ang naka-upo. Na alala ko yung sinabi sakin ni Tsonggo "Mahal Kita" tsaka yung sinabi sakin ni Honey "I miss you" ano ba? Alin ba dito ang pipiliin ko dito? Di ko na alam kung amo yung totoo at hindi. Badtrip!!

Bumuntong hininga uli ako.

"Magulo ba? "

Nagulat ako sa biglang pag-salita ni Niel. Kakarating nya lang at na witness nya yung pagbuntong hininga ko na halatang malaki ang problema ko.

Umupo sya sa harap ko.

Tinitigan ko lang sya.

"Badtrip pre di ko alam kung anong nararamdaman ko! " sabi ko sabay lapag ko ng ulo ko sa mesa.

"Tss. Pasensya na wala akong magagawa jan. Ano na nararamdaman mo? " tanong nya sakin.

"Ewan. Di ko alam. Basta di ko alam. " walang gana kong sagot.

"Tss.. Di mo alam? Ano naman yung halik noong gabing yun? " tanong sakin bigla ni Niel at binulong yung last nyang sinabing halik.

Bigla akong napabangon sa gulat dahil sa tanong nya. Paano nya nalaman yun eh walang tao kaya doon.

"A.. Anong sabi mo? " gulat kong tanong at syempre may halong kaba. Waaah!!

Bigla syang ngumisi sakin at nilapitan ako.

"Masarap ba? " bulong nya sakin with nakakalokong boses at ngumisi ng nakakaloko.

Uupakan ko sana sya mabilis syang bumalik sa kanyang inu-upoan.

Ano ba talaga? Paano nya nalaman?

Nakakahiya!!!!

"Di ko alam ang pinagsasasabi mo." saad ko naman.

Baka wala syang alam at baka hinuhuli nya lang ako. Haha! Di ako pahuhuli kala mo ha..

Narinig ko syang tumawa ng mahina.

"Sus diskarte pa Pre" sabi nya.

"Haha! Ano tingin mo sakin?"

"Nakita ko kayo. Sinundan kasi kita." saad nya.

Huwaaaaat????

"Syempre nagtataka ako kung saan ka pupunta noong gabing yun kaya sinundan kita. " nakangisi nyang sabi.

Natigilan ako.
.
.
.
.
Pakshet!!!!! Nakita ako ng kakambal ko na lumalandi sa isang playboy na sobrang landi.. Waaah! Ayoko na! Kill me. Kill me now!!! Nakakahiya!! Sobra.

Wala. Wala akong imik. Ano pa ba ang sasabihin ko? Huli na akong nakikipaglandian sa Tsonggo!

"Masarap no? " ulit nyang tanong at ngumisi ng nakakaloko..

Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon