Third Person's POV
"Mauna na ko sa inyo tutulongan ko si Papa sa shop." paalam ni Rex sa kanila.
At umalis na to.
"Hindi ba naghahanap ng trabaho yang si Rex?" tanong ni Eric kay Niel pag-alis nito.
"Ewan ko kay Kuya pre. Haha! Di ko alam plano nya sa buhay nya." sagot ni Niel.
Ngumiti lang si Eric sa kanya pero may iniisip sya.
Bandang 4:30 ng hapon naghanda na sila kasi 7:00 ang start ng program sa kanilang Christmas ball.
Syempre kailangan pa nilang mag-ayos at mag make-up.
"Pre kailangan mo ng make up." sabi sa kanya ni Niel kay Jannine at tinuturo pa sya nito.
Tinapik nya yung hintuturo ni Niel.
"Alam ko." medyo inis nyang sabi.
"May alam akong parlor ma sikat at magaling magmake up. Doon tayo pupunta." sabi ni Eric sabay pasok sa kotse nito.
Pumasok narin si Niel sa front seat sya umupo, si Jannine naman sa backseat.
May mga dala silang back at paper bag kasi doon nalang din sila magbibihis.
Eric's POV
Dinala ko sila sa parlor na pagmamay-ari ng Sanchez Group. Oo sa amin pero di ko sinabi nakakahiya naman. Tsk! Halos lahat dito sa Manila sa amin na. Ganun ka patay gutom sa business ang mga magulang at kamag-anak namin ni Sanji.
"Good afternoon Sir, Maam" bati ng staff samin.
Nagsmile lang ako di nya naman ako kilala eh, minsan lang ako pumupunta dito pag may babae akong kasama, syempre one of my toys. Haha. Kaya parang suki nako dito.
"Miss paki ayusan ito ng mabuti." sabi ko sa staff sabay hawak sa dalawang balikat ni Tiboy mula sa likod , yung parang tinulak ko sya paharap.
Bigla nya kong siniko kaya napabitiw ako sa kanya.
"Di ko kailangan ng makapal na make up Miss. Yung gusto ko yung parang pulbo lang na foundation at parang laway lang na lipstick." utos nito sa staff.
Natawa naman si Niel.
"Edi parang walang nagbago dun. Haha!" tawang tawa na sabi ni Niel.
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...
![Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/108356611-64-k852491.jpg)