*Jannine's POV*
Iniwan ako nila Bryan sa office ni Ma'am.
Masakit ang tingin nya sakin at tinuro nya ang upuan na malapit sa table. Senyas yun na umupo ako.
Sinunod ko naman sya.
"Good evening po Maam" bati ko naman pero syempre hindi parin mawawala ang takot ko sa kanya.
Ang taray nya kasi. Lahat ng mga estudyante dito sa paaran takot sa kanya.
"May balak ka bang ipahiya ako at ang Kuya mo Jannine?" seryoso nyang tanong at nakakatakot ang mga mata nya.
Gulp.
Actually si Ma'am Rebecca ay asawa ni Kuya yung panganay sa aming magkakapatid, si Kuya Andrew. Si Kuya ay isang seaman.
"Sorry po Ma'am. Di ko naman yun sinasadya" paghihingi ko ng tawad.
Then enexplain ko sa kanya ang nangyari.
Pero di ko sinabi na syota ko si Honey. Ang sinabi ko lang eh pumunta ako sa back stage para sana kausapin ang kaibigan kong si Honey at napagkamalan lang ako ng bakla na kasali sa pageant kaya kami naghabulan hanggang sa nakarating ako sa stage.
"Okay. Patatawarin kita Jannine pero sa susunod umayos kana. Teka. Lasing ka ba? Ba't na ngangamoy alak ka? "
"H-Hindi po! Si Niel kasi kanina na tapunan nya ako ng iniinom nya. Di naman po ako umiinom eh"
Lagot ka talaga sakin Niel! Napagkamalan tuloy akong lasing.
"Okay okay fine. Kakausapin ko nalang si Niel kung totoo ang sinasabi nya. Pero next time Jannine umayos kana"
Buti nalang si Maam Rebecca a.k.a. Ate Bhe yung committee kung iba talagang lagot ako.
************************************
Present day..
"Badtrip! Alam mo ba kung ano ang sabi sakin ng ulol?"
"Oh? "
"Hindi daw sya ang rason kung bakit kami naghiwalay ni Honey. Di daw sya sisihin ko kundi sarili kasi daw di daw nya kasalanan na magkakagusto sa kanya si Honey." kwento ko kay Niel
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...