Janinne's POV
"Tang na! Ba't pati music. Kiss!Kiss! Kiss! Tang na! Ba't mo ba kasi ako hinalikan sghdhDJ ka!" mura ko sa kanya. Gigil ako sa inis!
Nakita kong nagulat sya sa tanong ko.
"Dahil lang ba doon kaya ka galit?" tanong nya.
Hindi lang doon.. Lahat na nangyari ngayong araw! Pero basta galit na galit ako!
Magsasalita na sana ako kaso nagsalita uli.
"Pasensya na ha, pero hindi ako maghihingi ng patawad nang hinalikan kita kasi, sinadnya ko yun."
Huwaaat?? Ano daw?
Inis na inis talaga ako! Bumaba ako ng kotse at malakas na sinara ito.
Oo aaminin ko masarap syang humalik pero tang na talaga di ko alam ba't ako galit. Basta lahat ata nagsama sama na. Yung kay Honey, yung sa counter, yung ginawa nya kong utusan at yung halik badtrip! Kasalanan talaga ng laLAking kumuha ng wallet.
Aaaah!!!!
Bahala na maglalakad nalang ako pauwi samin badtrip!
"Tiboy lalakarin mo lang ba?"
Takte! Sinusundan nya ako sakay sa kotse nya.
"Pwede ba. Umalis kana gusto ko munang mapag-isa." sabi ko pero syempre pinipigilan ko lang syang sigawan sa inis.
"Nagkakaganyan ka ba dahil sa halik na yun? "
Halik na naman.
Taeng halik. Sino ba naman ang nagpauso ng tang nang halik na yan?? 😠😠😠
Hindi ako sumagot, huminga ako ng malalim para mapigilan lang ang galit.
"Pre, hindi mo ba na iintindihan gusto kong mag-isa muna. Mahirap bang intindihin yun?"
"Hindi naman pero gabi na. Halika na kasi. Gusto mo ba talagang magsorry ako sa ginawa ko? Sinadya ko nga yun dahil gusto ko."
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
UmorismoHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...