PFIWAT : CHAPTER 51

957 21 7
                                    

"Alam mo, lumalalim na yung gabi kailangan ko nang umuwi. " saad ni Jannine. Tsk!  Iniba nya yung topic.

Gumagawa talaga sya ng paraan para makalusot sa mga sinasabi ni Eric.

Pinayagan nalang sya ni Eric tutal,  gabi narin tsaka umokay na pakiramdam nya.

Jannine's POV

Wala naman akong gusto sa kanya.  Tsk!  Wala ba talaga?  Takte!  Kailangan ko na talagang gawin ang plano ko.  Kung sa bagay mahal ko silang pareho kaya gagawin ko ang lahat para sumaya sila.  Ayoko nang mamroblema ngayon.  Na guguluhan na talaga ako! I made up mind.  Ayoko ko na ng mga kalandiang ito.

Pag-uwi ko ng bahay mabuti wala si Papa nasa coffee shop doon daw matutulog, si Kuya Rex naman di pa nakauwi kay si Niel ang nandito ngayon.

"Kamusta? " tanong nya sakin nakangisi ng nakakabwisit sa feeling ko.

"Ano na namang mukha yan? " inis kong tugon sa kanya.

"Hehehe,  wala bang nangyari? "

Muntik na kong mabilaukan ng sarili kong laway. Badtrip na kambal ko napakagreen ng isip.  Anong ibig nyang sabihing nangyari?

"Puro  ka manyakan yang utak mo!  Duh!  Ako pa! " inis kong sabi at dumiretso sa kwarto ko.

Sobrang na pagod ako ngayong araw kakaPA sa malanding Tsonggong yun!

Pagkarating ko sa kwarto tinapon ko ang sarili sa kama.  Badtrip dapat ako ngayon pero ewan bakit parang okay lang sakin yung alagaan ang playboy na yun!!  Uggh!  Ano ba na kain ko?  Ginayuma ba ako ng halik nya? WTF!  ano ba nangyayari sakin? 

Naalala ko na naman si Honey,  dahil sa sinabi ni Tsonggo. Sya ang dahilan ng lahat lahat kaya ako nagkakaganito pero kung iisipin ko ng mabuti ako ang may gawa kasi ako yung lumapit sa kanya.  Kung di ko sya hinarangan sa hagdan noon walang ganito at lahat ay normal. Hmm.  Napaisip ako baka ako ang rason para maging masaya amg lahat.  Yeah tama.  Tomboys are not meant for playboys.  Kung tutuusin nga kami yung magpapaligaya sa mga babaeng sinaktan at pinaglaruan ng mga walang kwentang babae.  Kaya we are rivals.  Ha!  Akala ba ng Tsonggong yun madadala nya ako sa diskarte nyang bulok?  Haha!  Anyway inaamin kong parang masaya naman syang kasama.  Hehe..

Hmm.  Itutulog ko nalang ang nararamdaman kong di ko maintindihan na ito bukas magiging okay na ang lahat.

Bago ako matulog kinuha ko muna ying cellphone ko at nakita kong may messages.  Yung isa galing kay Honey yung isa kay Tsonggo. Sino ba uunahin ko sa dalawang to?

Inuna ko nalang yung kay Tsonggo mukhang kanina pa to eh.  Binasa ko ito.

[Tiboy, pasensya pala kanina.  Di ko sinasadyaAkala ko kasi pareho na tayo ng nararamdaman. ]

Eh?  Nakita ko kaninang 10 AM pa to.  Anong ibig nyang sabihin?  Napaisip ako.. Ah!  Yu.. Yung halik ba ibig nyang sabihin? Ewan,  ayokong mag-isip bahala sya jan.  Inerase ko ito.  Pero parang may kunting kiliti sa puso ko na di ko alam kung bakit. 

Umiling ako.  Hindi pwede.  Basta hindi pwede.  Binuksan ko at binasa yung kay Honey.

[Tuloy ba tayo bukas? ]

Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon