Jannine's POV
"Hoy pasimple ka lang ata at iniiba mo ang topic ha. Ano ba problema mo ba't ginulo yung pag-uusap namin kanina ni Honey?" tanong sa tsonggo kasama.
Akala nya siguro madadala nya ako sa kalandian nya.
Ewan pero nakakabadtrip talaga ang linggong ito. Akala nya siguro nakalimutan kong galit ako sa kanya.
Di nya alam di ako padadala sa mga I love you I love you nya. Tsss.
Di nya ko pinansin focus lang sya sa pagmamaneho. Ang cool nya ngang tingnan eh..
Eh?? Ano daw??
Ano bang nangyayari sakin. Badtrip to.
"Alam kong gwapo ako, pero wag mo kong titigan ng ganyan baka di ako Makapafocus sa pagmamaneho." bigla nyang sabi ang mata nasa daan at ngumisi sakin saka bumalik uli sa daan.
Nagulat naman ako. Takteng buhay to.
"Haha! Feeling! Di kita tinititigan no! Nag-oobserve lang ako kung paano ka magdrive para matuto ako. Feeling." palusot ko.
Haha.. Di ako magsisinungaling sa kanya naman talaga ako nakatingin eh.. Hahaha
Nakita ko pang ngumisi sya.
Binaling ko nalang ang tingin sa daan.
Tsss..
Ano bang nangyari sakin? Parang gustong bumaba. 😣😣😣
"Hoy pre," umpisa ko ang tahimik eh. Parang mabibingi ako.
"Ano ba kasi ang dahilan bakit ginugu---" babalik ko na naman ang topic kanina noong nag-usap kami ni Honey.
Di ko nga alam bakit pabalik balik din ito sa isip ko. Naku!
Di ko na tapos yung sasabihin ko kasi bigla nalang sumagot ang tsonggo.
"Kasi akin ka." sagot nya.
Eh?
Ano daw? Tama ba narinig ko? Parang di ko maintindihan ang feeling ko ngayon pagkarinig ko ng sagot. Ako? Sa kanya?
Parang bigla nalang tumaas mga balahibo ko sa sagot nya.
Dinala ko nalang sa halakhak na sarcastic para di nya halatang parang affective ako sa sinabi nya.
Taeng diskarte ng mga kanunu-nunoan pa ito. Panahon ni Li Ma Hong na diskarte.
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...
![Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/108356611-64-k852491.jpg)