Pagdating ni Niel sa room nila bigla syang sinalubong ni Eric nakakunot noo ito at halatang galit. Napakunot noo naman si Niel sa expression ni Eric, di nya alam kung bakit ganito ito ngayon.
"Nililigawan ba ng Jared na yun si Tiboy?" inis nitong tanong kay Niel at parang may mga usok pang lumalabasa sa ilong nito dahil sa sobrang inis.
"A..Aba malay ko sa kanya. W..wala naman kasi syang sinasabi. Pumunta lang sa bahay at kinakausap ako si Kuya Rex tsaka si Papa. Ano ba sa tingin mo?" sabi pa ni Niel na parang inaasar si Eric.
"Tang na! Ano naman ang reaksyon ni Jannine?" mas lalo pa itong na inis.
Nagkibit balikat lang si Niel at umupo ito sa upuan nya.
"Sabi ko na nga ba eh, delikado si Jared." reklamo ni Eric.
Bigla syang inakbayan ni James.
"Paano ba yan pre, taken kana at malapit naring maging taken si Jannine. Kung sa bagay matagal nang magkakilala si Jared at Jannine, di maitagong malaki ang pag-asa ng batang yun." pang-aasar pa ng isa.
Kaya mas lalo pang hindi mapakali si Eric.
Jannine's POV
Kahit isang leksyon ng guro namin wala akong na intindihan. Ano ba to? Kung kelan pa ako malamit nang gumraduate naging ganito pa ang sitwasyon ko. Napakagulo sobra! Dahil free time ko na ngayon pumunta nalang ako sa library, makapaghanap na ngalang ng mga resources para sa thesis ko. Para makalimutan ko yung mga pangyayari kanina. Naguguluhan na nga ako kay Honey at Eric sumabay din si Jared. Ang haba ng hair ko di ba?
Pero di talaga ako pinansin ni Eric. Ewan ko sa kanya kung bakit di nya ko pinapansin. May kasalanan ba ako? May sinabi ba ako sa kanyang after noon wala ng pansinan? Wala naman di ba?Di lang kasi ako sanay na di na kami nagpapansinan. At ang parang di ko lang matake eh yung naging sila na ni Honey. Bumuntong hininga ako habang naghahanap ng aklat. Ang sabi ko palipas oras ko to pero iniisip ko parin. Mali ba ang desisyon ko? Ano ba may gusto na ako kay Eric? Gosh gusto ko syang nasa tabi ko lagi, yung nang gugulo sya. Si...siguro na sanay lang ako sa panggugulo nya. Tama. Tama na sanay lang ako at wala ng iba pa.
Mga tatlong aklat na ang nahanap ko. Lumipat uli ako sa kabilang shelves para maghanap pa ng isa.
Hanap. Hanap. Hanap.
Sa kakahanap may nakita akong aklat na kailangan ko talaga. Hinawakan ko ito at biglang may humawak rin sa libro, masyadong malaki ang kanyang kamay kaya na hawakan nya rin yung kamay ko. Napalingon ako sa gilid ko. Laging gulat ko ng makita ko si Tsonggo.
Dug. Dugdug. Dugdugdugdugdugdugdug. Takte! Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan di ko alam kung bakit naging ganito ako ngayon. Parang ang ackward na parang aaaahh di ko alam ang feeling dahil never ko pa tong naranasan.
Tinitigan nya lang ako. Ako naman napalunok lang. Di ko alam kung anong sasabihin ko. After ng titig nya, binitawan nya yung aklat at walang imik na umalis.
"Di mo ba talaga ako papansinin?" waaah! Takte! Ba't ko na sabi to?
Nagulat rin ako sa sinabi ko.
Huminto sya. Napatakip naman ako ng bibig ko. Ano ba to? Kusang gumalaw tong bunganga ko't nagsalita ng mga bagay bagay. Sa isip ko lang sana to eh, pero na sabi ko.
Humarap sya sakin, seryoso.
"May pag-uusapan pa ba tayo?" balik na tanong nya.
Ano daw? Napabuga ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
UmorismoHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...