*Eric's POV*
Actually dito talaga nag-uumpisa ang kwento ko.
Haha takte! Akalain mo yun? Dahil lang doon nagkagusto ako sa kanya. Ewan ko lang kung nagkagusto nga ako sa kanya o may sakit na siguro ako.
Di ako makatulog buong gabi sa kakaisip sa kanya!
Ano ba baliw ba ako? Dahil ba sa nakita ko syang nakasuot ng pambabae kaya ko sya na gustuhan?
Aaah!!! Na iinis na ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinitigan yung picture na kinuha ko kanina.
Namam eh. Di naman ako magaling kumuha ng picture pero ba't ang ganda ganda ng picture nya dito?
Napangiti ako nang di ko alam kung bakit.
Dahil sa gulat na napangiti ako tinapon ko bigla yung cellphone ko sa tabi ko. Nakahiga na kasi ako ngayon eh.
Sabi ko na nga ba eh. Baliw ako.
Aaaaah!!!!
Ginayuma nya ba ako?
O isa din to sa mga epekto ng kinain kong chocolate mula sa kanya.
Takte!!!! 😦😲😲
Kinuha ko uli cellphone ko. Di pala kami friends nito sa fb ma-add nga para ma stalk. Haha!
Search.
I entered Jannine. Teka ano ba apelyido nya? Naman eh! Ang dami daming Jannine!
Dinagdagan ko Jannine Tiboy at tumawa ako. Hahaha.. Naku naman baliw na talaga ako.
Then after ng paghahanap ko nakita ko din si bebe loves ko.
Pangalan nya pala Jan Santos. Bakit Jan? Ang ganda ganda ng pangalan nya eh.
Eh? Nakita kong mutual friends ko sina James, Ailene at Niel?
Then click Add friend.
Online kaya sya? Accept nya kaya ako?
Ting!
Hahaha! Ina accept nya ako! 😂😂
[❤] sinendan ko sya ng heart na emoji.
Seen.
Aba. Isnabera din tong tomboy na to. Si Eric Sanchez na nga ang na unang nagchat sa kanya. Tss. Pa hard to get pa.
[Nang se seen karin pala] sabi ko.
Seen.
Aba talaga lang!
[Kung di ka magrereply ipopost ko tong picture mo. ] sabay send ko rin ng litrato nya.
[Sino ka ba? ] reply nya.
Ha? May amnesia ba sya. Di na nya ako kilala? Tss..
[Lalaking nagmamahal sayo 😘] nakangisi ako habang sinend to.
[Fvck you tol! Di to si Jannine kausap mo. Kuya nya to. Manyak ka siguro no? ]
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...