Jannine's POV
Badtrip! Ang sakit sakit pa ng tuhod ko.
Naglalakad kami ngayon pabalik. Takte! Dumidilim na.
Kanina pa kami paikot-ikot dito.
"Mas nakakabuti pang dumito muna tayo."sabi ng tsonggo.
"Hay! Matawagan nga sila Papa." sabi ko. Tsss.. Kung kanina ko pa sana na isipang tawagan sila.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng panatalon ko at dinial ang number ni Papa.
"Sorry you don't have enough balance in your account please reload immediately."
Takte!!
"Badtrip! Wala na pala akong load. Hoy pre pahiram ng cellphone mo."
"Sorry battery empty na ko." sagot nya.
Aaaah!!! Nakakainis!!
Padabog akong lumakad. Badtrip! Ba't sa dinami daming tao sya pa kasama ko ngayon.
Bigla akong huminto ng bigla din syang huminto at humarap sakin.
Tapos, tinitigan nya ko ng makahulugang tingin.
Eh?
Tas ngumiti sya ng nakakaloko.
Gulp.
Ano nanaman kaya ang iniisip nh ulol nato?
"Ayaw mo Tiboy? Tayo lang ang tao dito." mahina nyang sabi.
Gulp.
Oo nga no?
Aaaah!! Kung ano ano ng iniisip ko.
Erase erase.
Magpakatatag ka Jannine.
"Wala akong paki kaya umayos ka." stern kong sabi. Pinipilit kong magpakatatag
Aaah! Badtrip talaga!
"Bakit ba palagi ka nalang na iinis pag-ako kasama mo? Wala naman akong masamang ginagawa sayo ah" sabi nya.
Tsk! di ko ngarin alam kung bakit. Basta parang na iinis lang ako. Di ko alam kung na iinis ako o pinipigilan ko lang tong nararamdaman sa kanya.
waaaah!! Ano ba tong pinag-iisip ko?
Erase Erase. Takta Jannine gumising ka!
Dinilatan ko nalang sya., at nilampasan sya. Tsk! Wala namang akong maisasagot eh.
Mga ilang sandali...
"Tiboy!"
Napalingon naman ako sa kanya.
"May tent doon oh!" sigaw nya sabay turo sa bandang kanan nya.
Sinundan naman ng mata ko yung tinuro nya.
May tent nga.
Paano?
Lumapit sya doon at sinundan ko naman sya kahit na masakit yung tuhod ko dahil sa nadapa ako kanina. Hay buhay!
![](https://img.wattpad.com/cover/108356611-288-k852491.jpg)
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...