Michael's POV
Matagal tagal ding wala akong POV siguro nakalimutan nyo na ako. Haha, tama ba? Isa ako sa mga kapatid ni Pre, Michael isang doctor at mahilig mag match ng mga tao.Don't worry di ko naman sila pinaglalaruan eh. Yung una kong pinagtagpo at minatch ay yung kapatid kong playboy na si Rex at ang babaeng playgirl na si Charice. Di pa sila tapos at on going pa ang plano ko sa kanila.
At ang pangalawa kong project ito ang playboy na si Eric at ang tomboy kong kapatid na si Jannine. Perfect match di ba? On going parin ang process ko.
Ito kasi ang nangyari last year..
One year ago.
Basta weekends nakasanayan na naming magpamilya na magkita kita sa bahay nila Papa o minsan sa coffee shop.
"Wala parin ba si Jannine?" tanong ni Papa.
Sya nalang kasi ang hinihintay, kompleto na kami at ipakilala na samin ang isa pa naming kapatid na rockstar si Redford.
Tahimik lang syang nakaupo sa gilid at nakahead phones. Yung porma nya? Pangrockstar na adik meron hikaw sa magkabilang tenga nya at puno ng eye liner yung masisingkit nyang mga mata.
Black baggy t-shirt ang damit nya at ang print ito ay isang bungo na may nakalagay Love Yourself pero inerase yung Love at pinalitan ng Fuck, kaya naging Fuck Yourself. Tapos yung pantalon nyang puro punit punit na para syang ginahasa plus brown leather highcut. Tsk tsk.. Anong nangyari sa mga kabataan ngayon?
"Parang di ako makapaniwalang may kapatid akong adik." sabi ni Rex.
Kanina ko pa sya na papansin na mabigat yung pakiramdam nya kay Redford. Tsk!
Biglang bumukas ang pinto ng coffe shop at pumasok si Niel. Akala namim si Jannine.
"Oh? Ano?" Kuya Joshua.
"Nandyan na sya, kasama jowa nya." sagot halatang na iinis pa.
Umupo na si Niel at pumasok na si Pre kasama nga jowa nya. Nagtatawanan pa sila habang pumapasok at nakaakbay pa sya sa jowa nya.
Bigla silang tumahimik ng makita kaming kompleto.
"Sorry I'm late." sabi nya pa.
"Ahm Jan, uwi nalang siguro ako gabi narin" paalam ng jowa nya kung di ako nagkakamali sya yung Honey.
Tsk! Na pansin nya sigurong pampamilya ang gathering ngayon.
"Ha? Dito ka nalang kumain." pagpipigil pa nya sa jowa nya.
Tapos bumulong yung jowa nya sa kanya. Nakita kong nag-nod sya. Nagpaalam si Honey samin at umalis na.
"Jannine anong oras na?" seryosong sabi ni Papa pero halatang galit. Nakakatakot kaya yan paggalit.
BINABASA MO ANG
Playboy Falls inlove with a Tomboy [COMPLETED]
HumorHighest Rank : #167 in HUMOR #1 in NAKAKATAWA Ano kaya ang mangyayari if magkakagusto ang isang gwapong playboy sa isang tomboy? I think it's disaster.. Hahaha 😂 Ito ay isang kakaibang story tungkol sa isang playboy at is...