Prologue

55 3 1
                                    

Sa panahon ngayon, mahirap na pigilan ang nararamdaman. 'Yung tipong mahal na mahal mo siya pero kailangan mong itigil ang nararamdaman mo dahil may gusto siyang iba at ayaw mo nang makigulo.

Pero ano nga ba ang mangyayari kapag hinayaan natin ang ating nararamdaman sa isang taong walang kasiguraduhan kung mahal nga ba niya tayo o hindi.

Paano nga ba natin malalaman na mahal tayo ng isang tao?

O paano nga ba natin malalaman na niloloko na niya tayo?

Masakit isiping kaya tayong linlangin ng taong mahal natin. Lalo na kapag sinabi niyang,

"Wala lang 'yun."

O sa madaling salita,

Pinaasa ka lang niya.

====

Free Fall Where stories live. Discover now