Chapter 8

20 1 0
                                    

"Good morning, Xei." Bati nila nang lumabas ako ng kwarto. Napansin kong ako nalang pala ang wala dun. Kumakain na silang lahat at tanging ang upuan ko nalang ang bakante.

"Hindi ka na namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo." Biglang sabi ni Dreena.

"Okay lang." I smiled.

"Let's eat." Pina upo ako ni Zech sa tabi niya.

"How are you feeling?" Tanong niya.

"I'm okay now."

Kumain na kaming lahat ng breakfast dahil pagkatapos nito ay uuwi na kami. Walang umimik sa aming lahat hanggang sa matapos na kaming kumain. Siguro ay naiilang sila lalo na sakin dahil sa nangyari kagabi.

"I'm sorry for last night." Paumanhin ko.

"It's okay, Xei. Are you okay?" Sagot ni Klein.

"I feel better, Klein." I replied.

Pumasok muli ako sa kwarto para kunin na ang mga gamit ko nang maabutan ko si Zech na nakadungaw sa bintana.

"Thank you, Zech." Mahinang sabi ko. Umikot siya para maharap ako.

He smiled. "Ano 'yun? Paki ulit?" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Sabi ko salamat." Pag uulit ko.

"No problem, Xei." He kiss my lips. Mabilis lang ito at parang idinampi lang niya ang labi niya sakin.

Napakagat ako ng labi dahil sa ginawa niya. Binuhat ko na ang bag ko palabas pero mabilis niya ako pinigilan.

"I'll carry it for you. Put it down." Tinuro niya ang sahig kaya nilapag ko dun ang bag ko.

"Salamat ulit." Sagot ko tsaka ako lumabas na ng rest house nila.

Ang ibang kasama namin ay sinundo na at ang iba naman ay makikisabay nalang.

"Where's your bag?" Tanong ni Quent sakin.

"Here," nilagay ni Zech ang bag ko sa likod ng sasakyan ni Quent. "Kay Quent ka sasabay?" Baling niya sakin.

Tumango ako.

"Drive safely, Quentin Chua." Paalala niya kay Quent.

"I will." Sumakay na si Quent sa driver's seat at sumakay na din ako sa harap.

"Bye!" I wave my hand. He just smiled.

Katulad ng dati ay nakatulog din ako sa biyahe. Mahaba ang biyahe at ayokong kausapin si Quent dahil paniguradong puro kalokohan na naman ang lalabas sa bibig niya.

"Saan condo mo ba o kila tita--"

"Sa condo ko." sagot ko. Pagkatapos nun ay wala nang umimik samin hanggang sa nakarating na ako sa condo.

"Ingat ka." Tumango siya tsaka siya bumusina bago pa makalayo. Binuhat ko ang bag ko tsaka ako sumakay sa elevator. I press my floor number at ilang minuto pa ay nakarating na ako.

Nasa harap na ako ngayon ng unit ko nang mapansin kong nakabukas ang pinto nito.

Tumakbo ako papasok dahil baka kung sino na ang nakapasok dito. Pagpasok ko ay maayos naman ang sala kaya pumunta ako sa kwarto. Maayos at walang bahid ng tao ang loob ng kwarto ko kaya lumabas ulit ako at pumunta sa kusina.

Naabutan ko dun si Kuya na nagtitimpla ng juice.

"Hindi ko na sinabi sayo na darating ako." Panimula niya.

Why do you have to act like this, kuya? Paano mo pa nagawang humarap sakin pagkatapos ng nangyari kagabi? Paano mo nagawang pumunta dito na parang walang nangyari?

Tumango ako.

"Xeiarah," tawag niya sakin habang naglalakad papunta sa sala. Sinundan ko na din siya at umupo na kami sa magkahiwalay na upuan.

"Andito ako para humingi ng tawad sa nangyari kagabi. Sorry kung nararamdaman mo ito ngayon. You are not just a princess, Xei. You are a queen." He said sincerely.

"Nagalit ako nung nalaman ko na may kasama kang lalaki sa iisang kwarto. Pero pagkatapos nun nakaramdam ako ng saya. Masaya ako kasi sa unang pagkakataon, nagawa mo akong suwayin. 'Yung mga salitang binato mo sakin kagabi, dun ko narealize na tama ka. You deserve to have a freedom, Xei. Masaya din ako dahil nagawa mong ipagtanggol ang sarili mo sakin. Alam ko naman na takot kayo ni Nate sakin eh. Ayoko lang naman na may mangyari sainyo dahil kapatid ko kayo. Sana maintindihan mo ako, Xeiarah." Mahabang paliwanag niya.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa mukha ko. Ngayon lang naging ganito si kuya eh.

"Ang drama mo, kuya." Pilit akong tumawa. Ayoko kasing magkaiyakan kami dito.

"Ikaw kaya ang madrama. Tignan mo umiiyak ka na oh." Tinuro niya ang mga mata ko. I smiled at him. Pinunasan ko ang luha ko pero sadyang hindi ito maubos ubos.

"Halika nga dito." He spread his arms wide. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I'm sorry, kuya." Banggit ko habang nakayakap sa kanya.

"You don't have to be sorry, Xei. Mahal na mahal ka ni kuya." Ginulo niya ang buhok ko.

"I love you, kuya." Humiwalay ako sa yakap.

"I give you the freedom you deserve, Xei. Hindi ko na papakialaman ang desisyon mo basta tandaan mo na andito lang kami sa likod mo." He tapped my shoulder.

"Thank you, kuya." Niyakap ko siya ulit.

"Pwede ka na din magka boyfriend. Kawawa ka naman, no boyfriend since birth." Tumawa siya.

"Mag break sana kayo ni ate Elisse!" Sigaw ko habang tumatawa.

"Hindi magandang biro 'yan ah!" Sigaw niya din.

"Joke lang naman kuya eh." I pouted.

"Wag kang magpout sa harap ko dahil mas cute parin si Elisse kaysa sayo." He stick his tongue out.

"Ang bad mo!" Pinalo ko siya.

"Halika na nga dito. Pinagluto kita ng lunch." Hinila niya ako papunta sa kusina.

"Hindi ka naman marunong magluto eh!" Tukso ko sa kanya. Alam ko kasing hindi siya ang nagluto dito.

"Si Elisse ang nagluto niyan. Pasalamat ka at malakas ka kay Elisse kaya pinagluto ka niya." Paliwanag niya.

"Bakit hindi mo siya dinala, kuya?" Tanong ko habang tinitikman ang dala niyang caldereta.

"Para daw makapag bonding tayo. Ang sweet ng girlfriend ko 'no? Hindi tulad mo." He smirk.

"Ano ba kuya! Don't compare me to her." I rolled my eyes.

"Sorry na." Inipit niya ang ilong ko gamit ang daliri niya.

"Aray, kuya! Aray!" Sigaw ko.

"Bwisit ka!" Pinalo ko ang braso niya.

"Gwapo naman." He winked.

Ghad, kuya! Mabuti nalang at nagkaayos na tayo.

===

Free Fall Where stories live. Discover now