Chapter 30

8 1 0
                                    

Madilim ka nang ihatid ako ni Quent pauwi sa bahay. Wala akong naramdamang iba kundi pagod at sakit. Pagod na pagod na akong umiyak at magmaka awa. At ang sakit sakit ng ginawa niya sakin ngayon. Ang sakit sakit ng nalaman ko. 'Yung tinawag niyang babe si Bea sa mismong harapan ko.

Sila na ba? Why all of a sudden? Wala pang isang buwan ay sila na agad? Oh well, sila naman talaga diba? Ako lang itong tanga at nagmumukhang third party sa relasyon nila.

Ghad! Ayokong isipin na third party ako! No way!

"Oh my god! What happened?!" Iyan ang bungad sakin ni mommy nang makarating ako sa bahay. Nakita niyang namumugto ang aking mga mata dahil sa pag iyak ko kanina.

Umiling ako at dumeretso na sa kwarto pero bago pa ako makapasok ay may tinanong pa si daddy.

"He didn't accept the baby?" Tanong ni daddy.

Umiling ako, "I didn't tell him." Sagot ko tsaka ko sinara ang pinto.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama ko. Today is such a tiring day! Kahit wala akong masyadong ginawa ngayon ay parang pagod na pagod ako.

Dalawang araw makalipas ang nangyari sa restaurant, dinala ako nila mommy sa kilala nilang OB. Sabi nila ay kailangan kong magpa check up kaya pumayag ako.

"Sayang wala si Zech!" Sabi ni kuya sa kalagitnaan ng biyahe. Sumama siya dahil gusto niya lang. Wala naman daw siyang gagawin kaya ayun!

"Trye, shut up." Narinig kong suway ni mommy. Napasulyap sakin si kuya at inirapan ko naman siya.

"Doctor James!" Bati ni daddy dun sa doctor. Lalaki ang OB ko? Damn! Nakakahiya! Pero gwapo naman siya kaya okay na rin 'to. Haha!

"They know each other?" Pabulong na tanong ko kay kuya.

"They were classmates before." Napatango ako sa sinabi ni kuya. Matapos ang saglit nilang pagkwe kwentuhan ay pinapasok na ako ng doctor sa loob ng clinic niya.

"Xeiarah Madriga?" Tanong niya sakin nang naka upo na ako sa harap niya. Tumango ako.

"Advice ko lang sayo ay don't stress yourself too much. Kung pwede lang ay iwasan mo ang mga bagay o taong dahilan ng pagka stress mo. Eat a lot of fruits and vegetables. Mas kailangan ng baby ang nutrition kaya iwasan mo din ang junk foods." Paliwanag niya. Marami pa siyang sinabi tungkol sa pagbubuntis. Kung ano ang dapat iwasan, at kung ano ano pa.

"Thank you, Doctor." Sabi ko sa kanya nang matapos na siyang mag discuss.

"No problem." Ibinaling niya ang atensyon niya sa computer tsaka siya lumingon muli sakin.

"I convince you to come back here every month so we can check on your condition and to your baby." Aniya nang tumayo na ako para magpa alam.

"Sure! I'm fine with that. Thank you!" Sagot ko at tuluyan nang lumabas ng clinic. Nakita kong nag aantay sila mommy sa waiting area kaya agad ko silang nilapitan.

"You're done?" Tanong ni kuya nang makalapit ako sa kanila.

"Yep!" Masayang sagot ko. Ang gwapo nung OB eh!

"Kailan mo planong sabihin kay Zech na may anak kayo?" Tanong ni mommy sakin nang puntahan niya ako sa kwarto ko.

"Soon. I guess?" Di ko siguradong sagot. Why would I tell him? Masaya na siya kay Bea at hahayaan ko nalang siya sa kasiyahan niya.

"You need to tell him. Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa bata, kundi siya rin." Tinapik ni mommy ang balikat ko tsaka siya lumabas ng kwarto.

Napatakbo ako sa bathroom nang maramdaman kong parang bumaliktad ang sikmura ko at pakiramdam ko ay maduduwal muli ako. Minsan lang ako dumuwal at sabi ni mommy ay hindi daw masyadong sensitive ang pagbubuntis ko.

"Will I tell Zech?" Tanong ko sa sarili ko.

Sa huli, napagdesisyunan kong sabihin ito kay Zech. May karapatan siya kay baby at kailangan niya itong malaman.

Mag iisang buwan na akong buntis at kasalukuyan akong kumakain ng mangga ngayon habang nanonood ng movie sa laptop ko.

Mag isa ko ngayon dito sa condo. Kahapon lang ako bumalik dito. Paminsan minsan ay binibisita ako nila mommy kapag hindi sila busy.

"Bumalik ka nalang sa bahay. Mas maaalagaan ka namin dun." Suggest ni mommy minsan nang binisita niya ako.

"Okay naman po ako dito, mom." Sagot ko habang ngumunguya ng grapes na dala dala nila.

"I know. Pero kasi-"

"I'm fine here. No worries." Umiling ako tsaka ngumiti.

Mom sighs. "Ano pa nga bang magagawa ko?" Tanong niya tsaka siya tumawa. Kinahapunan ay umuwi rin sila ni daddy dahil may kailangan silang asikasuhin.

Pagkatapos ng movie na pinapanood ko ay tumayo ako at pumunta sa balcony. Mahangin ngayon at maganda ang tanawin. Makikita mo dito ang mga matatangkad na buildings. Ang mga sasakyan at iba pa. Pag tingin mo sa ibaba ay makikita mo dito ang swimming pool ng condo. May mga batang nagtatampisaw at ang iba ay lumalangoy.

Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang isang pamilyar na lalaking nakatingin din sa kanyang balcony.

"Zech?" Kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya. Oo nga pala, magkatabi lang kami ng unit.

"Zech!" Sigaw ko nang makumpirma kong siya talaga iyon. Napaluha ako sa sobrang saya. Ngayon ko lang ulit siya nakita at miss na miss ko siya.

Nakita kong pumasok na siya tsaka niya isinara ang sliding door nito.

Napatakbo ako palabas at kinatok ko ang unit niya.

"Zech? Open the door!" Sigaw ko at wala paring tigil sa pagkatok.

"Let us talk please." Lumandas ang aking luha sa aking pisngi pero hinayaan ko lang ito.

"Zech! Zech, I missed you so much!" Sabi ko nang buksan niya ang pinto at magkaharap na kami ngayon.

Nakatingin lang siya sakin na para bang isa lang akong walang kwentang bagay na tinitignan niya. Malamig ang bawat titig niya at walang emosyon.

"Zech," tawag ko tsaka ako humagulgol. "Damn! I missed you!" Pinalis ko ang mga luha ko ngunit sadyang hindi ito maubos ubos.

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" Malamig na tanong niya at akmang isasarado na ang pinto.

"Zech, I'm pregnant." Sabi ko at tuluyan na niyang isinara ang pinto.

===

Free Fall Where stories live. Discover now