Chapter 7

18 1 0
                                    

Medyo madilim na ang paligid nang makarating kami sa resort nila Zech. Puro panunukso na naman ang inabot namin dahil bakit daw kami inabot ng gabi. Sabi nila may ginawa daw kami o may nangyari. Hayss, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila naiisip ang mga bagay na 'yan.

"Hayaan niyo na kasi sila. It's their privacy kung may ginawa sila o wala." Nakangising sabi ni Quent tsaka siya tumingin sakin.

"What the heck, guys?! Ang dudumi ng mga utak niyo." Natatawa kong sabi.

"Ano namang pake niyo kung meron?" Biglang tanong ni Zech. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Oo, as in nanlaki! I didn't expect it!

"Meron talaga?"

"YIEEEE!" Tukso nila.

"Ewan ko sa inyo." I rolled my eyes. Bahala sila. Kung 'yan ang naiisip nila edi hahayaan ko sila! It's their brain not mine.

"Maybe." Sagot ni Zech. Tumayo na siya at lumapit sakin.

"Tara na nga, Xei. Ituloy na natin." Tsaka niya ako hinila paalis sa kanila.

"Nako! Ingatan mo 'yang pinsan ko, Zech!" Narinig kong sigaw ni Quent bago kami makapasok sa kwarto. Oo, sa kwarto niya ako dinala!

"What the hell was that, Zech?!" Kunot-noo kong tanong.

"Yun ang iniisip nila kaya sinasabayan ko nalang ang trip nila." Aniya tsaka siya humiga.

"Pero hindi magandang trip 'yun!" Tinuro ko siya. "You're such a--"

"Bakit hindi natin totohanin kung anong iniisp nila?" He smirk.

"I don't understand you." Sagot ko tsaka ako umupo sa sofa.

"Zech!" May narinig kaming katok mula sa pinto. Naglakad si Zech papunta sa pinto tsaka niya ito binuksan.

"Where's Xei?" Kinakabahang tanong niya.

"Why, Quentin?" Tanong ko.

"Your kuya is here." Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng matinding kaba.

"Bakit siya andito?" Tanong ko.

"I don't know." Lumabas ako ng kwarto at pumunta kay kuya. Nasa sala siya at naka upo.

"Kuya," tawag ko.

"I'm just here to check on you, Xeiarah." Seryoso niyang sabi tsaka siya tumayo at lumapit sakin.

"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong.

"Nalaman ko lang naman na natutulog ka katabi ang isang lalaki sa iisang kwarto." Napanganga ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"So what?" Mataray na tanong ko.

"So what?" Ginaya niya ang sinabi ko. "Alam mo namang istrikto ako pagdating sa ganyan, Krishna Xeiarah Madriga." He smirk.

"Bente na ako, kuya. Hindi mo kailangang magdesisyon para sa sarili ko because I can make decisions on my own." Seryoso kong sabi.

Sa buong buhay ko ay palaging si kuya o kaya naman sila mommy at daddy ang nagde desisyon para sakin. Hanggang ngayon, ganun parin sila. I'm twenty years old for pete's sake! Hindi na ako seven years old para gawin nila ang nga bagay na 'yan. I graduated with flying colors at may trabaho na ako.

Naka leave ako sa trabaho ko for three days that's why I'm here.

Kuya made a deep breath.

"I'm just protecting you. Ikaw ang nag iisang babae sa pamilaya natin--"

"Well, you are so overprotective. Hindi mo alam na nakakasakal ka na. Hindi ko magawang magdesisyon para sa akin dahil laging kayo ang nasusunod! I can't have my freedom because of you! I deserve to have a freedom." Seryoso kong sabi. Umalis na ako at pumunta sa kwarto.

Wala akong pakialam kung nakita ng mga kaibigan ko 'yun. I don't care.

"What happened?" Tanong ni Zech. Napansin kong hindi siya lumabas ng kwarto at hanggang ngayon ay nakahiga parin siya sa kama.

"Don't talk to me." Sagot ko tsaka ko nilagay ang mga gamit ko sa bag ko. I'm picking all my things up. I want to go home. Hindi sa bahay namin kundi sa condo ko.

"Why are you packing?" Napatayo si Zech nang makita niya ang ginagawa ko.

"I said don't talk to me!" Sigaw ko. Pinalis ko ang mga luhang bumaba galing sa aking mata. Bakit ba ang babaw ng luha ko?

"Why are you crying?" Tanong niya. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang ginagawa ko.

He pulled me closer to him and he hugged me tight.

"Don't worry. I am here." Mas hinigpitan niya ang yakap niya at mas humagulgol ako dahil sa ginawa niya. Nakayakap lang ako sa kanya habang umiiyak ako.

Why I can't be free?

"Everything's okay. I am here." Pa ulit ulit na sabi ni Zech habang umiiyak ako. Hinarap niya ako sa kanya pero tumingin ako sa baba. Ayokong makita niya akong ganito. Ayokong makita niya akong mahina. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Look at me." Utos niya. Inangat niya ang baba ko pero tumingin muli ako sa baba.

Hindi ko kaya, Zech.

"I said look at me." Unti unting umangat ang tingin ko hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"Why are you crying?" Tanong niya.

"Why I can't be free?" Tanong ko pabalik. "Bakit pakiramdam ko dinidiktahan nila ang buhay ko?" Dagdag ko. "Bakit pinaparamdam nila na mahina ako at hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili ko?" Tears ran down on my face again.

Pinalis niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya.

"You are free, Xei." Sagot niya.

"I am not." Matapos kong sabihin 'yun ay humagulgol muli ako.

I am not free. And I can't be free.

Hindi ko alam kung ano nang nangyari pagkatapos kong umiyak dahil bigla nalang akong nakatulog habang nakayakap kay Zech.

Thank you, Zech. Thank you.

===

Free Fall Where stories live. Discover now