Chapter 12

36 1 0
                                    

Pumasok ako mag isa ngayon sa trabaho. Ayokong sumakay sa sasakyan ni Zech dahil ayoko siyang kasabay. Baka mamaya ay asarin niya na naman ako.

"Good morning, sir." Bati ko kay sir Andrei nang makita ko siyang naka upo sa upuan niya.

"Nakagawa ka ba ng bagong design?" Tanong niya sakin.

"Ah, yes, sir!" Agad kong ipinakita sa kanya ang dala dala kong canvas. Ito 'yung pinaghirapan ko kagabing ipinta. Ito 'yung inabot pa ako ng ilang oras para lang maka isip ng ganitong disenyo--

"What is this?" Tanong niya sakin habang tinuturo ang canvas na hawak ko.

"Sunset po, sir." Sagot ko.

"I know." Seryosong sagot niya. Tumayo siya at lumapit sakin. Kinuha niya ang canvas na hawak ko tsaka niya ito ipinakita sakin. "Nakikita mo ba kung gaano kasimple ang gawa mo?!" Medyo tumataas na ang boses ni sir kaya medyo nangangatog na ang tuhod ko dito.

"Hindi lang 'yan basta simple--"

"Ganun na rin 'yun, Xei. Hindi kita sinesweldohan para lang sa iisang simpleng disenyo!"

"Uulitin ko nalang--"

"Hindi na! I want something unique not something popular! Alam mo ba kung ilang tao na ang gumawa sakin ng ganyang disenyo? At alam mo bang lahat ng taong 'yun ay nawalan ng trabaho dahil lang iisang letcheng painting?!" Sigaw niya at binagsak ang canvas na hawak niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. At sa sinabi niya, maaari akong mawalan ng trabaho. Gusto kong umiyak dahil hindi niya alam kung anong hirap kong gawin ang painting na 'yan para lang magustuhan niya pero sisirain lang pala niya.

"Pero, sir--"

"Hindi mo ba alam kung gaano kalaking hotel ang inaapakan mo ngayon? Hindi katanggap tanggap dito sa building na 'to ang ganyang disenyo. Paulit ulit na 'yang nakikita kahit saan! I want something unique at hindi basta basta!" Patuloy na pagsigaw niya sakin.

Ang bobo ko kasi eh. Dapat kasi pinag isipan ko nalang ng mabuti. Pero kahit na isang simpleng sunset na 'yun ay pinaghirapan ko 'yun. Muntik ko na ngang makalimutang kumain dahil diyan sa painting na 'yan eh. Tapos ibabalibag niya lang na parang walang kwenta ang gawa ko? Anong karapatan niya?

"I can't accept your unacceptable painting here. And I will not accept you anymore. So pack your things and get out of this building. You're already fired." Tuloy tuloy niyang sabi.

"Sir, last chance. Give me one last chance." pag mamakaawa ko. Tumalikod siya sakin at umupo muli sa swivel chair niya.

"Get out." Tinuro niya ang pinto.

"Sir, baka pwedeng last chance naman? I really need this job. I promise to do something unique. Kahit gusto mo sir ipapasa ko na sayo mamaya--"

"Hindi ka ba nakaka intindi? I sait get out, Xei! You're fired." Tumulo ang luha sa mga mata ko. Halos lumuhod na ako sa harap niya para lang hindi ako tanggalin sa trabaho.

"How dare you to break my painting?" Panimula ko.

"Why can't you appreciate such little things? You can't appreciate my efforts just to do that damn painting!" Sigaw ko.

"How dare you to shout at me? I am your boss--"

"You are not. You don't have to fire me again for the third time because this time, I quit." Naglakad ako patungo sa pintuan at sinara ito ng pabagsak. Sa pagtalikod ko sa pinto ay kasabay nito ang pagtulo ng aking panibagong luha.

Wala na. Wala na akong trabaho.

Nag drive ako pauwi sa bahay. Kahit medyo malabo ang mata ko dahil sa aking luha ay nakarating parin ako dito. Hindi muna ako uuwi sa condo dahil wala akong gagawin dun at baka mag overthink lang ako sa nangyari.

"Ate is here!" Sigaw ni Nate nang makita niya akong pumasok sa pinto.

"Oh, Xei! Naparito ka?" Tanong ni mommy.

"Mommy." Banggit ko at niyakap ko siya. Humagulgol ako nang haplusin niya ang likod ko.

"What's wrong, Xei?" Tanong niya habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko siya pinansin at umiyak lang ako.

"Why are you crying, ate?" Narinig kong tanong ni Nate. Humiwalay ako sa yakap tsaka ako umupo para mapantayan ko si Nate.

"Namiss ko lang kayo." Sagot ko sa kanya at niyakap din siya. Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto.

Umupo ako sa kama ko at niyakap ang dalawa kong paa. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko tsaka ako umiyak.

Hindi niya alam na mahalaga sakin ang trabahong 'yun. Marami akong natutunan sa Pixels lalo na pagpipinta ko. Dun ko nadiskubre na may talento ako sa pagpipinta. At ngayong wala na ako dun, hindi ko na alam kung saan pa ako makakahanap ng ganong kalaking trabaho. It's such an honor to me to work on a five-star hotel like Pixels. But then, I just realized that I am not a part of Pixels anymore.

Matapos ang ilang oras na pag iyak ay nakatanggap ako ng text mula kay Zech.

From: Zech

You're not here. Where are you?

Itinabi ko lang ang cellphone ko at wala akong planong replayan siya. Not now, Zech. I need some time to think. I need a break from everything.

Ilang segundo ang lumipas nang makatanggap naman ako ng tawag mula kay Zech.

Pagbibigyan kita pero ngayon lang.

"Zech?" Bungad ko.

"Where are you? Bakit hindi ka umuwi dito sa condo mo? Nang galing ako sa Pixels kanina at sabi nila sakin na nakita ka daw nilang umiiyak. Now, tell me what's wrong." Mahabang sabi niya.

"I need a rest." 'Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Rest? Eh ako? Do you think that I can rest here alone knowing that you are there, crying?" Sagot niya.

"Hayaan mo muna ako."

"I will never do that. Sabihin mo sakin kung anong problema mo." Aniya.

"Zech naman eh. Hayaan--"

"Spill it out. Now." Utos niya.

"Natanggal ako sa trabaho." Banggit ko. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa aming dalawa.

"Are you okay? Nasan ka? Pupuntahan kita ngayon na." Tanong niya.

"I'm home, Zech. Don't worry." Sagot ko.

"I'm always here for you okay? You're precious to me. I love y--"

*toot* *toot*

===

Free Fall Where stories live. Discover now