Chapter 2

38 3 1
                                    

Naglalakad kami ngayon papunta sa cottage nang bigla akong tabihan ni Clave, kasama din namin siya.

"Xei," tawag niya sakin.

"Hmm?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Pinagmamasdan ko kasi ang aking mga paa na lumulubog sa buhangin sa tuwing iaapak ko ito.

"Sabi ni Quent hindi ka daw marunong lumangoy?" Tanong niya.

"Yeah, I can't." Sagot ko. Hindi talaga ako marunong lumangoy. Nag two piece lang ako dahil naka two piece 'yung girls. Wala naman akong planong maligo ngayon sa dagat eh.

"I can teach you how." He winked.

"Naku! Nakakahiya naman. Imbes na mag enjoy ka, tinuturuan mo ako." Natatawa kong sabi.

"Anong nakakahiya dun? Mas gusto ko ngang turuan ka eh." Sagot naman niya.

"Oh sige. Mamaya ha?" Tanong ko.

"Sure!" Nakipag apir siya sakin.

Nang nakarating na kami sa cottage, nagtopless na ang mga boys dahil maliligo na daw sila. Tinanggal ko na din ang cardigan ko at nilapag ito sa upuang nasa harap ko.

"Ah. . . Clave!" Nahihiyang tawag ko. Lumingon siya sakin tsaka ito lumapit. "Mag enjoy ka muna. Mamaya mo nalang ako turuan." Dagdag ko.

"Sige!" Tumakbo na siya pabalik sa tubig.

"You can't swim?" Nakakalokong tanong ni Zech. Napansin kong kaming dalawa nalang ang nandito sa cottage. Narinig niya kaya 'yung usapan namin ni Clave?

"What if I can't?" Taas-kilay kong tanong.

"Ha!" Sigaw niya. At nasundan pa ito ng, "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Bumuhos ang napakalakas niyang tawa. Nakaka asar ang tawa niya kaya unti unti na akong napipikon. Pikunin pa naman ako.

"Ano ba! Stop!" Inis na sigaw ko.

"HAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHAHA!!" Kainis na 'to ah! Upakan ko 'to eh!

Inirapan ko lang siya.

"Nag two piece ka tapos hindi ka marunong lumangoy? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Bwisit! Eh ano naman ngayon? Siya ba 'yung mapapahiya? Siya ba 'yung nag suot ng two piece? Hindi naman ah! Eh anong problema neto?

"Tumigil ka nga! Nakakainis ka na ah!" Suway ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!" Mas lalo niyang nilakasan ang tawa niya.

"Magpapaturo na nga ako kay Clave." Inis kong sigaw. Tumayo na ako mula sa pagkaka upo.

"No." Ang malakas at nakaka asar niyang tawa ay unti unting napalitan ng seryoso at inis sa mukha niya.

"Anong no? Tapos ano? Tatawanan mo na naman ako? Edi magpapaturo nalang ako kay Clave! At least siya willing akong turuan diba?!" Sigaw ko ulit. Nakakainis na eh! Kaya nga ako magpapaturo para matuto tapos sasabihin niyang 'no'?

"Willing din naman akong turuan ka ah." Seryoso niyang sabi.

"Ha!" Ginaya ko ang boses niya kanina. "Ikaw tuturuan ako? Eh mukhang mas magaling pa sayo si Clave eh." Inirapan ko siya at naglakad papunta sa tubig.

"Oh, Xei!" Bati nila.

"Xei," tawag ni Quent.

"I know, Quent. Clave will teach me. Right, Clave?" Tinignan ko si Clave.

"Yes! So, let's start?" Tanong niya.

Linublob ko na ang paa ko sa tubig at naglakad papunta kay Clave. Unti unting lumulubog ang katawan ko sa tubig. Grabe ang lamig.

"Kailangan mong huminga ng malalim bago ka lumangoy. Tapos kapag--"

"Clave!" Napatigil si Clave sa ginagawa niya nang isigaw ni Zech ang pangalan niya.

Sabay kaming napalingon kay Zech na nakatingin samin. Pati na rin ang iba naming kasama ay nasa amin na rin ang atensyon.

"Ako na ang magtuturo kay Xei." Hinila ako ni Zech paahon sa tubig.

"Ano ba! Ayoko!" Sigaw ko.

"Ako nga ang magtuturo sayo!" Sigaw niya sakin. Natahimik naman ako dahil nakikita ko sa mata niya ang galit.

"Bakit galit ka?" Mahinahon kong tanong.

"Gusto ko sakin ka lang." niyakap niya ako. "I'm sorry for shouting at you." Bulong niya sa tenga ko.

"YIEEE!!"

"UYY! ANONG MERON?"

"KAYO NA BA?"

Tanong nila. Patuloy parin ang panunukso nila samin at pinagbabasa nila kami ng tubig.

"Yieee!" Sigaw nila habang patuloy parin sa ginagawa.

"Ano ba! Nababasa ako!" Reklamo ko.

"Nabasa ka naman na kanina eh!" Sigaw ni Quent. Nagtawanan na naman sila.

Nag umpisa na naman nila kaming basahin ng tubig. Ayaw kasi akong pakawalan ni Zech kaya hanggang ngayon ay magkayakap parin kami.

Napasigaw ako nang matalsikan ng tubig ang mata ko. Maalat ang tubig kaya mahapdi ito pagdating sa aking mata.

"Aray! Ouch!" Sigaw ko. Hindi ko naman pwedeng kusutin ang mata ko dahil baka mairita ito.

"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Zech.

"Uy! Si Xei! Anong nangyari?" Tanong ni Klein.

"Tinalsikan niyo ng tubig ang mata niya!" Sigaw ni Zech.

Ipinantay ni Zech ang mukha niya sakin para makita ang mata ko.

"Are you okay?" Tanong niya. Tumango ako at naglakad papunta sa cottage.

"Sorry." Sabi niya. Inabutan niya ako ng towel kaya kinuha ko ito at pinunasan ang sarili ko. "Sorry dahil natalsikan ka ng tubig sa mata dahil sakin. Dapat kasi humiwalay na ako sa yakap para hindi na nila tayo tuksuhin eh." Ginulo niya ang buhok niya.

"It's not your fault." Ngumiti ako.

"Ano? Tara?" Tanong niya nang maka recover ako.

"Saan?" Tanong ko pabalik pero hinila lang niya ako papunta sa tubig.

"Mag swimming na tayo." Unti unti kaming lumulubog sa tubig dahil palalim na ng palalim ang nararating namin.

"Eh hindi nga ako marunong lumangoy diba?"

"I won't teach you how. Mas gusto ko 'yung sasampa ka sa likod ko tapos lalangoy tayo ng sabay." Pinalo ko siya sa braso.

"Ayoko! Turuan mo na ako!" Reklamo ko.

"Eh ayoko din!" Sigaw niya.

"Edi dun na ako kay Clav--"

"Oo na! Tuturuan na kita!" Naiinis niyang sabi habang ginugulo na naman ang buhok niya.

I knew it! Ginugulo niya ang buhok niya kapag naiinis siya. Gawain niya 'yun.

"Dali na!" Sigaw ko.

"Basta itry mo lang 'yung best mo na lumangoy. Susundan nalang kita para kapag nalunod ka, sasagipin kita tapos magma mouth to mouth tayo." Nakangisi niyang sabi.

"Ano?! Eh bastos ka pala eh!" Sigaw ko.

"Ayaw mo nun? First kiss natin 'yun pagnagkataon!"

Leche! Kinikilig ako.

===

Free Fall Where stories live. Discover now