Chapter 10

20 1 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil babalik na ako ngayon sa trabaho.

Isa akong interior designer sa isang malaking hotel dito sa Pilipinas.

Ito ang Pixels.

Ang Pixels ay isang five-star hotel at isa ito sa pinakamalaking hotel. Medyo bago pa ang hotel na ito kaya binibigyan ko pa lamang ng disenyo ang bawat kwarto nito. Ang Pixels ay may 80 rooms. May theater sa loob nito at iba't ibang mamahaling shops. Mayroon ding mga pagkainan sa loob. Sabi nga nila, you cannot enter this hotel without a large money on your pocket. Mamahalin ang hotel na ito lalo na't may casino din sa loob niya.

Mga kilalang businessmen at businesswomen ang mga nandito. Mga sikat na artista at iba pa.

Nagsuot ako ng plain black dress at silver na heels. Nilagay ko na din sa bag ko ang mga importanteng gamit ko at kinuha ko ang isang librong naglalaman ng mga designs ko.

Minsan na rin akong nagkaroon ng exhibit at masaya ak dahil naging successful 'yun. Hindi ako masyadong magaling sa pagdra drawing dahil mas gusto ko ang pagpipinta kaya dito ako nakatutok.

Paglabas ko ng unit ko ay nakasalubong ko si Zech na naka formal attire. Bihis na bihis siya at halatang naka gel ang buhok niya dahil matigas itong tignan. Mabango din siya dahil paglabas ko ng pinto ay naamoy ko agad ang pabango niya.

"Bihis na bihis ka ata ngayon ah?" Bungad ko sa kanya.

"May pictorial ako ngayon eh." Sagot niya. Sabay na kaming naglakad papunta sa elevator.

"Pictorial?" Tanong ko.

"Tinanggap ko kasi 'yung offer ng Skie." Sagot niya.

Ang Skie ay isa sa mga sikat na brand ng damit, sapatos, pantalon at sunnies dito sa Pilipinas.

"Naks naman!" Tukso ko.

"Tsaka may gig kami mamaya ng banda ko sa Lyrical." Dagdag niya.

Banda?

"Singer ka?" Tanong ko.

"Hmm. . ." Sagot niya.

Gwapo na nga, talented pa! Jusko, Zech! Kaya kita nagugustuhan eh.

"Saan ka nga pala nagtra trabaho?" Tanong niya nang makalabas na kami ng building.

"Sa Pixels." Tipid na sagot ko.

"Diba katabi lang ng Pixels ang Skie?" Tanong niya.

"Oo nga 'no?" Astig! Now, this is what you called destiny.

"Sakto! Sabay na kaya tayong pumasok everyday?" Suggest niya.

Talaga ba?

"Everyday ka bang may pictorial sa Skie?" Tanong ko sa kanya.

"One month straight akong may pictorial dun." Sagot niya.

"Sige na nga! Let's go!" Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Nang makasakay na ako ay umikot na rin siya papunta sa driver's seat.

Wala pang thirty minutes ay nakarating na kami Pixels. Sabi niya ay ipaparking pa daw niya ang sasakyan niya kaya mauna na akong pumasok.

"Bye, Zech!" Kumaway ako sa kanya at pumasok na sa loob ng hotel.

"Ma'am Xei," tawag sakin ni manong guard nang makapasok na ako. Lumingon ako sa kanya.

"Deretso ka daw po sa opisina ni Mr. Valleria."

Tumango ako at nagpasalamat kay manong guard. Sumakay ako ng elevator at pumunta sa opisina ni Sir Andrei.

"Good morning, sir." Bati ko sa kanya. Nakita ko siyang naka upo sa swivel chair niya at nagbabasa ng isang libro.

"Please have a seat." Tinuro niya ang bakanteng upuan sa harap niya. "I need your designs now." Aniya.

Inabot ko sa kanya ang libro kong naglalaman ng mga disenyo ko.

"Can you do this design now?" Tinuro niya ang design na may nakalagay na rose at puting background lang.

Para sakin ay isang simpleng design lang ito.

"Pass it to me this afternoon."

"Yes, sir." Kinuha ko ang libro ko at binalik ito sa bag ko.

"Let's go?" Tanong niya.

"Saan po, sir?" Tanong ko pabalik.

"Sasamahan kitang bumili ng canvas at mga gagamitin mo." Tumayo na siya at naunang lumabas. Tumakbo na rin ako palabas.

Nakalabas na kami ng building ng walang umiimik samin.

"Xeiarah," tawag niya.

"Yes, sir?"

"Can you do some new designs? Maraming rooms ang lalagyan natin ng painting mo kaya I need more designs." Paliwanag niya.

"I'll do it this week, sir."

Sumakay na kami sa sasakyan niya at tumungo na sa isang bookstore.

Kumuha na ako ng mga kakailanganin ko sa pagpa-painting. Inuna ko ang canvas at ang iba't ibang size ng brushes tsaka ako pumunta sa mga colors.

Binayaran na ni sir ang pinamili ko. Sabi niya na siya nalang daw ang magbabayad kaya hinayaan ko nalang siya.

Bumalik ulit kami sa Pixels dahil kailangan ko nang gawin ang painting.

"Ayoko ng masyadong bata tignan ang painting. Karamihan sa mga nagche-check in dito ay may katandaan na at hindi na mga bata kaya mas okay kung ilevel natin sa kanila ang mga paintings na gagawin mo." Paalala niya habang inuumpisahan ko na ang pagpi pinta.

Ginugol ko ang ilang oras sa pagpipinta ng isang pulang rosas. Medyo hapon na nang matapos ako at hanggang ngayon ay nagbabasa parin si sir.

"Impressive, Xeiarah." He smiled.

"Thank you, sir."

"You can now go home." Tumango ako at lumabas na ng building.

"Xei!" Narinig ko ang boses ni Zech na nang gagaling mula sa likod ko. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali, andun siya nakatayo at malapad ang ngiti.

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

"Oo eh. Kailangan ko pa kasing gumawa ng bagong designs." Sagot ko.

"Tara na?" Aniya. Tumango ako at katulad ng kanina ay pinagbuksan niya na naman ako ng pinto.

"Boyfriend mo ba 'yung kasama mo kanina?" Tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.

"Ah, si sir Andrei? Hindi 'no! Boss ko 'yun." Sagot ko.

"Saan kayo pumunta kanina?" Tanong niya ulit.

"Sa bookstore. Sinamahan niya kasi akong bumili ng mga gagamitin ko." Tumingin ako sa may bintana.

"Mukha kasing gusto ka niya." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ano? Hindi magkakagusto sakin si sir." Tanggi ko.

"Wag kang mai-in love sa kanya ah?" He said without looking at me.

"Aba syempre--"

"Dapat sakin lang, Xei. Sakin lang."

Sayo lang talaga, Zech.

===

Free Fall Where stories live. Discover now