Chapter 18

25 1 0
                                    

Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil excited akong makita ang college friends ko.

Ngayon palang ay iniimagaine ko na kung gaano kami kaingay mamaya dahil paniguradong mapupuno ng tawanan at kwentuhan ang buong araw namin ngayon.

Nag suot ako ng simpleng dress na may design na bulaklak sa ibabang parte nito. Above the knee ang taas niya kaya ipinares ko dito ang puting three inches na sandal ko.

Nagsalamin ako at naglagay ng kaunting lipstick. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at lumabas na ng unit ko. Pagkalabas ko, nakasalubong ko si Zech na naka t shirt at naka shorts lang.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa Coffee Bay." Sagot ko. Iyon kasi ang pangalan ng coffee shop nila Gab.

"May kameet ka?" Tanong niya.

"Yeah. Si Gab."

"Gab. Your friend?" Tanong niya ulit.

"There you go again." Naalala ko kasi 'yung paulit ulit niyang sinasabi kahapon.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ang kabuuan ng katawan ko.

"Change you dress." Aniya. Napatingin ako sa suot ko. Maayos naman ah. Hindi naman ito pangit tignan at walang bahid ng sira ang damit ko.

"Ang ganda kaya nito." Sagot ko at umikot pa sa harap niya.

"I said change you dress. 'Yung mas mahaba. Tignan mo 'yang suot mo, masyadong hapit sayo." Tinuro niya ang dress ko.

"Alam mo, kontrabida ka talaga eh 'no? Gusto ko itong isuot kaya wala ka nang magagawa dun." Tumalikod ako sa kanya nang biglang sumigaw.

"Masyadong maikli sayo at ayokong tignan ka ng kahit sinong lalaki sa ganyang suot!" Sigaw niya. Napahinto ako sa paglalakad pero makalipas ang ilang segundo ay naglakad ulit ako. Wala akong pakialam sa sasabihin niya.

Sumakay ako sa sasakyan ko at dumeretso na sa Coffee Bay. Hindi naman ito masyadong malayo kaya ilang minuto lang ay nakarating agad ako.

"Oh my! Is this you, Krishna?" Bungad sakin ni Cristin. Napansin kong ako nalang pala ang kulang sa kanila.

And yes, they call me Krishna kasi 'yun ang palayaw ko noong college ako. Hindi ko alam kung paano naging Xei.

"Nah. It's just my soul." Sagot ko. Natawa naman sila.

"Stunning as ever, Krish." Sabi naman ni Clave.

"If I know, gusto mo pa rin ako." Natatawa kong sabi. Noong second year college kasi kami ay sinabi niyang gusto niya daw ako. He even courted me for three months pero pinatigil ko siya dahil ayokong makasakit ng damdamin ng iba lalo na't hindi ko siya gusto. But still, mag kaibigan parin kami at walang awkward moments na nagaganap.

"Ghad, Krish that was two years ago." Ipinatong niya ang braso niya sa likod ng upuan ko so parang nakaakbay na siya sakin.

"How 'bout you, Franco? How's life?" Tanong ko.

"I'm in good hands." Sagot niya at natawa naman ako dun. Good hands?

"Oh yeah! How's the married life?" Tanong naman ni Gab sa kanya.

"Married? The who?" Clueless kong tanong.

"Si Franco. Gaano ka ba naging busy at pati kasal niya ay hindi mo alam?" Tanong ni Cristin.

"Really? Oh my god! Kailan ka kinasal? This man! You didn't even bother to invite me. Gosh! So frustrating." Sagot ko.

What a kind of friend. Hindi daw ba ako i-invite sa kasal?

"Five months ago. And for your information, I sent you and invitation. I e-mailed you thrice. Godness!" Aniya. Mukha talagang bakla 'to. Nako, kung wala lang 'tong asawa ngayon baka nasabihan ko na siyang bakla. Paano naman kasi, 'yung nga words niya hindi sakto sa kanya. Like godness! The ew.

"Oh? Matagal ko nang hindi na open ang e-mail ko. I've been busy lately at kakalabas ko lang ng hospital kahapon." Napaayos naman sila ng upo nang mabanggit kong kakalabas ko lang ng hospital.

"Why? Did you release your first baby?" Panunukso ni Clave.

"No way! Nakakain ako ng maanghang. And you know what happens every time I ate spicy." Napatango naman sila.

"Lovelife? Wala pa ba?" Tanong naman ni Gab sakin.

"Lovelife? I don't have one." Sagot ko.

"You're in love with a boy who doesn't do the same." Sagot naman ni Franco.

"Teka! Bakit parang nasa hot seat ako? Tsaka bakit ba ako ang topic dito? Seriously?" Sunod sunod na tanong ko.

"Tell us, who's the lucky boy?" Tanong naman ni Cristin.

"I will not tell you who is he." Sagot ko.

"Madaya!" Niyugyog nila ako.

"Let's just talk about our college memories!" Suway ko sa kanila. Nagustuhan naman nila ang suggestion ko at mukha silang na excite.

"Start tayo kay Gab." Sabi ni Franco. Nag isip kami ng mga nakakatawang moments ni Gab.

"Nung nabagsakan siya ng mga libro sa library!" Sigaw ni Clave. Nabalot kami ng tawanan dahil sino ba naman ang makakalimot dun?

"Tapos galit na galit yung librarian dahil nagkakalat daw siya! HAHAHAHA pfft--" tawang tawa kaming lahat hanggang sa mapunta na kay Franco ang usapan.

"Nung nadapa siya sa may gym tapos nabutas 'yung pants niya! HAHAHAHAHA WTF!" Puro tawa naman ang ginawa namin dahil dun. Foundation day namin nun at lahat ng tao ay nasa gym. Sabi ni Franco ay may matapakan daw siyang juice sa floor kaya siya nasubsob sa sahig at nabutas ang kanyang pants.

"Teka naman! Parang walang nangyari sayo ah, Clave?" Sagot ni Franco.

"Naalala mo pa ba nung naglaro tayo ng truth or dare tapos ang dare ko eh halikan 'yung unang babaeng papasok ng university?" Ngayon palang at natatawa na ako. Si Clave naman ay mukhang nadidiri na.

"TAPOS 'YUNG NAHALIKAN MO EH BAKLA! HAHAHAHAHA TANGINA! PFFFT-- HAHAHAHA"

"Eh paano naman si Cristin?" Tanong ko.

"Nung binigyan siya ng crush niya ng ice cream sabay sabing "bayaran mo 'yan. Sampung piso." HAHAHAHAHAHA!!" Sigaw ni Gab.

"Tapos walang na siyang pera nun kundi pamasahe niya nalang. HAHAHA Anong feeling na napahiya ka sa harap ng crush mo, Cristin? HAHAHAHA!' Tawa na naman kami ng tawa dito. Wala kaming pake kung pagtinginan kami dahil namiss namin ang isa't isa.

"How 'bout Krishna?" Tanong ni Cristin.

"Nung natagusan siya tapos sabi niyang natapunan lang daw ng ketchup." Sabi ni Clave.

"Ito mas malala, bro." Sabi naman ni Cristin.

"NUNG NAGLALAKAD SIYA SA HALLWAY TAPOS NATANGGAL 'YUNG PAANAN NG SAPATOS NIYA! HAHAHAHAHA NAKAKAHIYA KA, KRISH!" Sigaw ni Cristin.

Yeah right. That was the most embarrassing moment in my life! Fvck! I don't want to remember it again!

"HAHAHAHAHAHAHA!!" Hanggang ngayon ay tawa parin sila ng tawa.

Humupa ang tawanan nang biglang may magsalita sa likod ko.

"I'm sorry, guys but my girlfriend has her curfew. It's time to go home, baby." Aniya.

Lumingon ako.

Zech?

===

Free Fall Where stories live. Discover now