Chapter 25

13 1 0
                                    

Warning: SPG.

==

Nilapitan ko si Xei at nakita ko ang pag usog niya ng upo. Sinusubukan ba niyang iwasan ako? Tangina ang sakit. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang ganito kami.

"Xei, I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry, baby." Paulit ulit kong sabi. Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa kanya hanggang sa mapatawad niya ako.

"Layuan mo na ako." Madiin niyang sabi.

"I won't do that. I'm sorry. I'm very sorry. If you want to punch ma then go ahead." Matapang akong tumayo sa harap niya. Tinignan lang niya ako hanggang sa tumulo na naman ang panibago niyang luha. Tangina, hindi ko kayang makita siyang umiiyak sa harapan ko.

"C'mon, Xei suntukin mo ako. Saktan mo ako!" Hamon ko sa kanya. Unti unti siyang tumayo ay humarap sakin.

Hinampas niya ang dibdib ko habang tumutulo ang luha niya.

"Walang hiya ka, Zech! Palagi mo nalang akong sinasaktan!" Sigaw niya habang patuloy parin sa paghampas sakin. Hindi ako natinag. Wala akong pakialam kung ilang suntok ay hampas ang gawin niya sakin dahil mas masakit parin ang makita siyang umiiyak dahil na naman sakin.

"Ayoko na! Ayoko nang masaktan! Ang sakit sakit na, Zech eh. Sobrang sakit na! Hanggang kailan ba 'to, huh? Hanggang kailan?!" Sigaw niya sakin. Sinapak niya ako pero hindi na ito kasing lakas ng kanina dahil alam kong nanghihina siya dahil sa kakaiyak niya.

Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kaya nanatili nalang akong tahimik. Tumigil na rin siya sa paghampas sakin at napa upo nalang siya sa kama. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang palad niya tsaka siya umiyak.

I'm sorry, Xei.

"I love you." Banggit ko nang medyo humupa na ang pag iyak niya.

"Bullshit!" Sigaw niya. "Ilang bala ba meron ka at kahit sa mga salita mo ay nasasaktan mo ako?! It's a lie, Zech. It's a fucking lie!" Sigaw niya.

"It's not a lie." Mahinahon kong sabi.

"Fuck you, Zech. Mamatay ka na." Aniya. Para akong nanigas at hindi makagalaw sa sinabi niya. Ganun ba siya kagalit sakin? Na kaya niyang sabihin na mamatay na ako? Kung alam mo lang, Xei na ayoko pang mamatay hanggat hindi ka pa napapasakin.

"Balang araw mamamatay din ako, Xei. At mangyayari lang 'yun kapag matanda na tayo. Kapag mag asawa na tayo at may dalawang anak." Paliwanag ko. Wala akong pakialam kung sabihan niya akong assuming o kahit na ano. Basta sisiguraduhin ko na sakin siya mapupunta sa huli. Sakin at sakin lang.

"That won't happen. I hate you so damn much!" Sigaw niya tsaka siya tumayo pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Mahigpit ko itong hinawakan para hindi siya makatakas.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"That won't happen. I hate you so damn much!" Aba, inulit pa? Ang tibay ah?

"Paki ulit?" Tanong ko habang nakangisi. Ang cute niya kasi kapag naiinis.

"That won't happen! I hate you so damn much!" Sigaw niya ulit.

"I'll make that happen soon." Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Isinandal ko siya sa pader at hinarangan siya gamit ang dalawang kamay ko.

Free Fall Where stories live. Discover now