Chapter 5

19 2 0
                                    

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa tunog ng shower na naririnig ko. Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong wala na don si Zech. Maybe he's taking a bath.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa. Mom's calling.

"Mom?" Bati ko.

"Can you come here and take care of Nate? May work kami ng daddy mo and your Kuya Trye is in school." Paliwanag niya.

"Mom, I'm on vacation." Reklamo ko.

"Is that ate Xei?" Narinig kong boses ni Nate. Hindi umimik si mommy hanggang sa kinuha na ni Nate ang cellphone.

"Ate Xei?"

"Yes, Nate?" Tanong ko.

"Are we going to the mall?" Tanong niya.

"I'm sorry, Nate but can we reschedule it?" Paki usap ko.

"No! Sabi mo we'll go to the mall this day! You promised, Ate." Alam kong nagtatampo na ito ngayon.

"Pero, Nate--"

"You promised, Ate!" Sigaw niya.

"Okay, we'll go to the mall later." Isang malalim na pag hinga nalang ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung paano ako makaka uwi mamaya basta kailangan kong tuparin ang promise ko kay Nate.

"Talaga, ate? Yehey!!"

Nang matapos na si Zech sa pagligo, sumunod na ako. Nag toothbrush na rin ako tsaka ako lumabas na ng bathroom.

"Good morning kiss ko?" Tanong niya.

"Ano ba, Zech umagang umaga!" Reklamo ko.

"Please?" Pag mamaka awa nito. Idinampi ko ang labi ko sa labi niya at mabilis itong binawi.

"Bitin." Reklamo niya. Ngumiti lang ako. Lumabas na kami lahat sa mga kwarto namin at sabay sabay kaming kumain ng breakfast.

"Quent," tawag ko sa pinsan ko. Tumingin naman siya sakin.

"Can you bring me home?" Tanong ko. Napatingin ang mga kasama namin sa amin ni Quent.

"Why?"

"Nate needs me. Magagalit siya sakin kapag hindi ko tinupad ang promise ko. You know my little brother." Napatango nalang siya.

"I know Nate. He's stubborn." Aniya. Tumango ako.

"May pupuntahan kasi ako after nitong breakfast eh. Sorry." Sagot niya.

"Pero, Quent--"

"I can bring you home." Singit naman ni Zech.

"Can you? Please? My brother needs me--"

"I will bring you home." Napangiti nalang ako.

"Thank you."

Nang matapos na kami kumain, nagbihis na ako ng damit ko.

"Let's go?" Tanong ni Zech. Tumango ako at dumeretso na kami kung saan naka park ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay na ako tsaka siya umikot papunta sa driver's seat.

"Bakit ka nga pala uuwi?" Tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.

"I promised Nate to bring him to the mall today." Tumango siya. "Magtatampo 'yun sakin kapag hindi ko tinupad ang promise ko."

"Talaga?" Tanong niya.

"Hmm." Sagot ko.

Ilang din ang biyahe namin pauwi. Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin at nakarating na nga kami.

"Mom," bati ko. Napatingin sakin si mommy tsaka niya inilipat ang tingin niya kay Zech.

"Kaya ba ayaw mong umuwi dahil kasama mo ang boyfriend mo, Xei?" Seryoso niyang tanong.

"Mom, no. He is not my boy--"

"Kaibigan niya po ako." Putol ni Zech.

"Seriously?" Taas-kilay na tanong ni mommy.

"Yes, mom."

"Ate Xei?" Sigaw ni Nate mula sa hagdan.

"Nate!" Sigaw ko din. Katulad ni mommy ay napatingin din si Nate kay Zech.

"Is he your boyfriend? I'm gonna tell this to Kuya Trye!" Sigaw niya at nilabas niya ang cellphone niya. You read it right, may cellphone na siya. He's so spoiled lalo na kay daddy kaya sa edad niyang 'yan ay nagka cellphone na siya.

"No, Nate! He is not." Tanggi ko.

"Really?" Aniya.

"I'll go now. Bye." Narinig kong sabi ni mommy tsaka ito tuluyan nang lumabas ng bahay. Si Nate naman ay nilapitan si Zech.

"Who are you?" Tanong niya.

"I'm Zech, little boy." Nanlaki ang mga mata ni Nate dahil sa sinabi ni Zech.

"What the hell, man? I am not a kid!" Sigaw niya.

"Nate! Where did you get those words huh? I'm gonna tell you to kuya!" Banta ko. Alam ko kasi na si Kuya ang kinakakatakutan niya pagdating sa mga kalokohan niya.

"What is it, Xei?" Biglang tanong ni kuya. Napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok siya.

"And who is this guy, Krishna Xeiarah Madriga?" I know he's kinda mad. Seryoso siya ngayon dahil binanggit na niya ang buong pangalan ko.

"He's my friend. He is Zech." Pakilala ko.

"Friend huh? Alam mo bang nag uumpisa ang lahat sa friends?" He raise his right eyebrow. Nagtataray na naman siya.

"I know and you don't have to remind me." Matalim ko siyang tinignan.

"So what's with this brat?" Turo niya kay Nate.

"I heard him saying unnecessary words like what the hell. It's not appropriate for him to say those words lalo na't four years old palang siya." Paliwanag ko. Tinignan ni Kuya si Nate.

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni kuya sakin without looking at me.

"Sa mall sana--"

"Don't. Let's talk upstairs, Nate." Seryoso nitong sabi.

"What?! Damn you!" Sigaw ni Nate kay Kuya.

"I said go upstairs! You brat!" Sigaw ni kuya. Padabog na umakyat si Nate sa kwarto niya. Narinig din naming pabagsak niyang sinarado ang pinto nito.

"So saan na kayo pupunta?" Tanong ni kuya na parang walang nangyari.

"Sa mall." Sagot ni Zech.

"Saan mo nakilala 'tong kaibigan mo?" Tanong ni kuya sakin.

"Sa resort nila. Kaibigan siya ni Quent." Napatango si kuya.

"I'll go ahead. Kailangan kong kausapin si Nate."

"Sure. We'll go ahead too." Paalam ko. Lumabas na kami ni Zech ng bahay.

"Wow!" Kumento niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. Umikot na rin siya papunta sa driver's seat.

"Hindi ko alam na ganun pala sila ka strict when it comes to you." Panimula niya.

"Yeah. Only girl kasi ako sa family namin. Ako lang din ang nag iisang babae sa aming magpipinsan." Sagot ko.

"Really? You're their princess then." Ngumit siya.

"Maybe."

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaandar ito.

"Tayo nalang ang pupunta sa mall. Sayang at hindi nakasama ang kapatid mo." Aniya.

"Sige. Sa tingin ko ay umiiyak na 'yun ngayon. Kapag si kuya talaga ang nang sermon sa amin ay para kaming makahiyang tumitiklop." Natawa nalang ako sa sinabi ko.

I heard him chuckle too.

And for the first time, narinig ko ang tawa niya.

===

Free Fall Where stories live. Discover now