Chapter 37

10 1 0
                                    

Pitong buwan na akong buntis at mas naging excited kami ni Zech. Marami na kaming plano para kay baby.

Nagsuot ako ng itim na bestida at tinernohan ko ito ng puting flats. Ngayon ay may appointment ako sa OB at magpapa ultrasound na ako. Excited kasi kami ni Zech na malaman kung anong gender ni baby tsaka para na rin makapaghanda na kami ng gamit niya.

"You ready?" Tanong ni Zech sakin nang lumabas siya ng kwarto. Kanina ko pa siya inaantay dito sa sala kaya naman napairap ako sa tanong niya.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at tumungo na kami sa clinic.

He's wearing a black pants, dark blue t-shirt and converse. Simple pero maporma ang dating niya. Medyo magulo pa ang buhok niya kaya mas bumagay ito sa suot niya. Ang cool niya tuloy tignan--

"Baka matunaw ako niyan?" Tanong niya sakin. Umiwas ako ng tingin at inilipat nalang ito sa kalsada.

"Ang kapal talaga ng mukha mo." Tumawa siya.

Nang nakarating na kami sa clinic ay may iilang tao. Pangalawa kami kaya umupo muna kami sa waiting area ng clinic.

"Xeiarah, right?" Tanong sakin ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko.

"Jason!" Masayang bati ko. He's my classmate when I was in grade school. Buti at naalala niya pa ako?

"You still remember me, huh?" Tanong niya.

"Of course! The bully never changed." Sagot ko. Kilala si Jason na bully noong grade five kami. Halos lahat ay takot lumapit sa kanya dahil ayaw nilang mabully. Ganun pa rin naman siya. Mas lalo lang siyang tumangkad at pumuti.

"So, your wife is here?" Tanong ko. Nasa clinic kami ng isang OB so anong bang ipinunta niya dito kundi ang buntis niyang asawa diba?

"Oh yes! She's over there." Tinuro niya ang babaeng palapit samin. Kumaway sakin ang babae kaya nginitian ko siya. Matangkad siya at bagay na bagay sa kanya ang porselanang kulay niya. Napatingin ako sa tiyan niya, siguro ay nasa limang buwang buntis na siya.

"Si Xeiarah nga pala, classmate ko dati. And this is Jasmine, my wife." Pakilala ni Jason. Bigla ko namang naalala si Zech. Tinignan ko siya at nakita ko ang madilim niyang aura. Oh shit! I forgot him!

"Uh. . .si Zech nga pala." Pakilala ko.

"Mabuti naman at naalala mo ako." Bulong ni Zech. Sapat na 'yun para marinig ko.

"Asawa mo?" Tanong sakin ni Jason.

"Uhm. . ."

"Yes. Got a problem with that?" Mataray na tanong ni Zech sa kanya.

"Oh, easy!" Tumawa si Jason pero nanatili pa rin ang galit sa mukha ni Zech. Nang tinawag na ako ay pumasok na ako sa loob nang sumunod naman sakin si Zech.

"The husband is here!" Masayang bungad sakin ni Doctor James.

"Of course, I am." Sagot ni Zech.

May nilagay siyang parang jelly sa tiyan ko tsaka siya nag umpisang iexamine kung anong gender ng magiging anak namin.

"This is the head." Tinuro niya ang ulo ni baby sa monitor. Napangiti ako sa nakita ko. Malaki na siya at malapit nang lumabas.

Nang matapos ito ay pinaupo niya muna ako kaya tumabi sakin si Zech. Ibinigay sakin ni Doctor James ang folder na naglalaman ng copy ng ultrasound.

"Congratulations, it's a boy!" Sigaw ni Doctor nang buksan ko ang folder.

Halos maluha na ako sa sobrang saya ko. Gusto ko talaga ay lalaki ang maging panganay and here it comes!

"It's a boy, Zech. It's a boy!" Paulit ulit kong sabi nang nasa sasakyan na kami at pauwi na.

"I know. Kanina mo pa sinasabi iyan." Seryosong sabi niya.

"Omg! Ano kayang pwedeng ipangalan sa kanya?" Excited kong sabi. Ngayon palang ay mag iisip na talaga ako ng pangalan. Gusto ko ng unique--

"Jason. Jason ang ipangalan mo." Napalingon ako kay Zech na hanggang ngayon ay tutok pa rin sa pagmamaneho.

"Ayokong kapangalan siya ng classmate ko." Sagot ko.

"Bakit hindi?" Tanong niya.

"Bully 'yun eh." Tumango siya.

"Anong namang pinag usapan niyo at halos makalimutan mo na ako?" Sarkastiko niyang sabi.

"Look who's jealous here." Hindi ko siya nilingon.

"Oo na! Nagseselos ako." Pag aamin niya.

"Bakit ka magseselos eh mag kakaanak na tayo." Kalmado kong sabi. Ayokong magalit dahil masyado akong masaya ngayong dahil nalaman kong lalaki ang magiging panganay namin.

"Damn!" Nang makarating na kami sa condo ay dumeretso na kami sa unit. Naghanda siya ng pagkain para samin dalawa habang ako naman ay naka upo na sa at inaantay ang pagkain. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa lamesa habang nag iisip ng pangalan.

"Eh kung Paul nalang kaya?" Tanong ko.

"Hindi 'yan unique at marami na ang may pangalang Paul." Sagot niya.

"Ano kaya?" Tanong ko. "Frank, Franco, Marco, Daniel, Theodore, Ken--"

"Tigilan mo na nga 'yan. Kakain na tayo." He interrupted me. Inilagay na niya sa harap ko ang pagkain at nag umpisa na akong kumain.

"Gusto kong Zach ang ipangalan mo sa kanya." Aniya habang kumakain ako.

"Ano ba 'yan! Sayo mo lang ipinangalan si baby?!" Angal ko.

"Sa susunod na baby natin, sayo na natin ipapangalan." Sagot niya.

"Zach Ville." Pag bubuo ko ng pangalan. "Pwede na rin." Tumango ako.

"My surname suits Zach's name. Ang cool tuloy ng pangalan niya." Kumento niya.

Tumango ako.

"And it also suits you. Krishna Xeiarah Madriga-Ville." Dagdag niya.

"Yuck! Hindi bagay!" Sigaw ko.

"Bagay na bagay kaya." Sagot niya tsaka siya may nilabas sa bulsa niyang singsing. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"A-ano 'to?" Nauutal kong sabi. Inilapag niya sa lamesa ang singsing.

"Maganda ba?" Tanong niya. Tumango ako.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya ulit.

"Oo, Zech gustong gusto ko." Halos maluha na ako sa sobrang saya.

"Talaga? Balak ko kasing isanla ito. Saan ba magandang pawnshop?" Tanong niya kaya pinalo ko siya.

"Kainis ka naman eh!" Sigaw ko.

"Are you willing to spend a lifetime with me, Xei?" Tanong niya sakin.

"Yes, Zech. Yes!" Sagot ko. Isinuot niya sakin ang singsing kaya naman napaluha na ako.

"Sayo ko isasanla 'yan at hinding hindi ko na tutubusin. Ingatan mo 'yan dahil mahalaga 'yan." Sabi niya.

"I love you, Xei. You'll spend a lifetime with me and there's no turning back." Lumapit siya sakin at hinalikan ako.

"I love you too, Zech." I said between our kisses.

"May label na tayo ah?" He chuckled.

"Baliw!" Sigaw ko at sabay kaming tumawa.

===

Free Fall Where stories live. Discover now