Chapter 21

12 1 0
                                    

Nang humina ang ulan ay pumasok kami sa sasakyan ko at nakatulog siya dahil siguro sa pagod. Basang basa pa rin siya at napaka himbing ng tulog niya.

"Xei. . ." Tawag ko sa kanya para gisingin siya. Kanina pa kasi kami nandito sa parking lot at hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.

"Xeiarah. . ." Mahihinang tapik ang ginawa ko sa braso niya. Gumalaw naman siya tsaka niya minulat ang mga mata niya.

"We're here, baby." Malambing kong sabi.

"It's so cold." Sagot niya. Kanina pa nakapatay ang aircon ng sasakyan ko at ang init kaya dito sa parking lot. Kinapa ko ang noo niya at muntik na akong mapaso dahil sa sobrang init niya.

"You're sick." Inalalayan ko siyang bumaba ng sasakyan hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng unit ko.

"In my unit please." Aniya habang nakapikit. Nakita ko sa mukha niyang nanghihina siya at halatang may sakit talaga.

Kinapa ko ang susi ng unit niya sa bag niya at binuksan ang pinto. Pinasok ko siya sa kwarto niya at pinahiga siya.

Akmang lalabas na sana ako ng pinto nang marinig ko siyang magsalita.

"Don't." Isang salita na may apat na letra na para bang sinasabi niyang STAY. Isa din itong salitang may apat na letra.

Hindi ko alam kung bakit ako kusang napatigil.

"Don't leave." Dagdag niya. Naglakad ako pabalik sa kanya at umupo sa tabi niya. Umupo din siya kaya inalalayan ko siya.

"Are you going to leave me after what happened?" Tanong niya sakin. Nakita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang luha niya.

"No. Of course not." Umiling iling kong sabi. I won't leave her.

"Please don't leave. I want you to stay and never leave my side. I'm sorry for being so desperate." Bumuhos ang luha niya at nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

My precious love is crying again because of me.

"I won't leave you. Never." Niyakap ko siya.

"Promise?" Tanong niya.

"Promise." Ngumiti ako. Niyakap niya ako hanggang sa nakatulog na siya. Hiniga ko siya sa kama tsaka ako pumunta sa kusina para magluto ng kakainin niya. Bumaba din ako para bumili ng iinumin niyang gamot para gumaling na siya.

"Xei. . ." Tawag ko sa kanya. Minulat niya ang mga mata niya at nakatitig lang siya sakin.

"Eat this and take your medicine." Inalalayan ko siyang umupo tsaka ko siya sinubuan. Hindi niya naubos ang pagkain niya dahil busog na daw siya kaya pinainom ko na ang gamot niya.

Nang makainom na siya ng gamot ay humiga ulit siya at natulog. Kailangan niyang gumaling dahil pag gumaling na siya ay plano ko siyang ipunta sa Tagaytay. Kahit ngayon lang ay gusto ko siyang masolo sa isang lugar na talagang kami lang at walang sinoman ang makakapigil samin.

Pinagmasdan ko ang napaka amo niyang mukha habang natutulog siya. Ang kanyang mga mata ay halatang pagod na sa kakaiyak. Na kahit nakapikit siya ay halatang namumugto ito dahil sa pag iyak niya kanina. Ang kanyang pisngi kung saan dumadaloy ang bawat luha niya na ako lagi ang dahilan. Ang kanyang mapupulang labi na kay tamis. Ang kanyang mukha at buong pagkatao ay ang talagang definiton ng perfect.

Kahit ako ay may nararamdaman na sa kanya. Gustuhin ko mang sabihing mahal ko siya at ligawan ay hindi ko magawa dahil sa isang dahilan. At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawan ng paraan ang iisang bagay na 'yun.

Kung alam mo lang, Xei. Kung alam mo lang, gustong gusto din kita. At hindi lang gusto kundi mahal na mahal kita. Sa bawat pag iyak mo na ang dahilan ay ako, para akong sinasaksak ng ilang beses. Sa bawat luhang pumapatak mula sa mga mata mo ay doble pa ang sakit na nararamdaman ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil paulit ulit kitang sinasaktan dahil sa kagaguhan ko.

Mahal na mahal kita pero kailangan ko itong pigilan dahil may isang napakalaking hadlang. I'm sorry, Xei. I'm sorry because you need to suffer in this kind of situation. I'm so sorry, baby.

"Zech. . ." Narinig ko ang malambing niyang boses. Napaka sarap talaga sa tenga ang kanyang boses.

"Yes, baby?" Tanong ko.

"I'm thirsty." Aniya. Tumakbo ako sa kusina para kumuha ng tubig niya. Nang nakabalik ako ay pinainom ko na sa kanya ito.

"Thank you." Aniya. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.

"What are you feeling now?" Tanong ko.

"I feel better, Zech." Sagot niya. "I feel better because of you. Because you stayed." Dagdag niya. Hinalikan ko ang noo niya at napapikit naman siya sa ginawa ko.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya inilabas ko ito mula sa bulsa ko.

From: Kiefer

She's here.

Nakaramdam ako ng matinding kaba nang mabasa ko ang text ni Kiefer. Hindi ito simpleng kaba lamang kundi matindi.

Naglaro ang napakaraming tanong sa isip ko kung bakit siya bumalik? Bakit siya nandito? Balak ba niyang manggulo? Anong gagawin niya dito? At marami pang iba.

I replied,

To: Kiefer

What is she doing here?

Then Kiefer replied so fast.

From: Kiefer

Probably looking for you. :)

I didn't text back.

Kiefer is right. She's probably looking for me. Dahil hanggang ngayon ay may responsibilidad pa rin ako sa kanya. I need to look for her and stop her for what she's planning to do. Kung may balak siyang manggulo ay pipigilan ko siya dahil masaya na ako ngayon. Masaya na ako kay Xei.

"Everything's alright, Zech?" Narinig kong tanong ni Xei.

"Yeah. Thank you." Sagot ko.

Nilingon ko muli ang screen ng cellphone ko nang tumunog ito at tumawag ang isang di kilalang numero. Pipindutin ko na sana ang answer button nang bigla itong mag call ended.

Wala pang ilang segundo nang tumawag na naman ito. Sinagot ko ito at narinig ang tinig ng babaeng hindi ko inaasahan.

"Hello, babe. I'm back. See you soon."

*call ended*

"FUCK!" Sigaw ko.

"What's wrong?" Tanong ni Xei.

I'm sorry, Xei.

===

Free Fall Where stories live. Discover now