Chapter 20

16 1 0
                                    

Zech POV

Hello, everyone! Zecharri here!

Tila naubusan ako ng sasabihin kay Xei nang ilabas niya ang sama ng loob niya sakin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya nang sabihin niyang gusto niya ako. Wala akong masabi. Speechless. Kaya na misunderstood niya ang katahimikan ko kanina.

Hindi ko alam na ganun pala ang nararamdaman niya sakin. Napaka gago ko. Ilang beses ko na siyang sinaktan pero pinapatawad niya parin ako.

Pagkatapos niyang mag walk out kanina sa sasakyan, dumeretso ako sa Skie. Halos dalawang araw na akong absent dahil masyado akong naging gala. Natambakan na ako ng projects. Siguradong marami na akong ipho photoshoot mamaya lalo pa't may bagong labas na sapatos ang Skie.

Actually, lima lang yata kaming model ng Skie. Tatlong lalaki at dalawang babae. Sabi ni Manager Bria ay mas maganda daw 'yun para mas maraming project ang bawat isa samin.

"Mabuti at naisipan mo pang pumasok, Mr. Zecharri." Bungad sakin ni Manager Bria nang makarating ako sa Skie.

"Natambakan ka na ng gagawin at ikaw ang magiging model ng bagong labas na sapatos ng Skie." Aniya.

"I know." Sagot ko. Tumaas ang kanang kilay niya.

"You know?" Tanong niya.

"Kiefer texted me." Pinakita ko ang cellphone ko. Isa sa mga models ng Skie si Kiefer. Sa katunayan ay naging best friend ko na siya dahil sa Skie.

"Anyway, you have to start now. Change your clothes and go to the studio." Umalis na siya. Pumunta ako sa dressing room at nagpalit ng damit. Isa lang itong simpleng faded jeans and maroon t-shirt pero maporma ito. Ito ang una kong imo model.

Pumasok ako sa studio at nakita ko ang mga ilaw na nakaready na. Ang camera ay nasa gitna na at nandun na rin sila Manager.

"You ready?" Tanong ni Manager.

"Yeah." Sagot ko.

"Paki ayos ang buhok niya, Fhil." Utos ni manager dun sa baklang stylist namin.

Lumapit sakin si Fhil at inayos ang buhok ko. Medyo nagulo kasi ito dahil nagmadali akong nagbihis kanina.

"Okay na, Zecharri." Aniya nang matapos niya akong ayusan. Naglakad ako papunta sa gitna ng puting telang nakasabit sa harap ko.

"One more!"

"Good!"

"Nice one."

Sunod sunod na kumento nung photographer nang magpose ako para sa photoshoot.

Nang nagtagal ay medyo napagod kami kaya nagkaroon ng ten minutes break.

"Magaganda ang shots mo pero lahat naka fierce." Kumento ni Manager Bria nang tabihan niya ako sa upuan.

Ngumiti nalang ako.

"I know there's something wrong." Aniya.

"Nothing's wrong, Manager." Umiling ako.

"You better smile on your posts. Nasasayang ang kapogian mo." She winked tsaka siya umalis.

Matapos ang ten minutes ay bumalik ako sa pagpho photoshoot.

"What's wrong with you?" Tanong nung photographer.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Ngayon lang kasi siya nagtanong sakin ng ganun.

"Mas maganda ang shots mo kanina kumpara ngayon." Dagdag niya.

"I'm sorry." Nasabi ko nalang. Pinagpatuloy namin ang ginagawa namin hanggang sa tumigil na naman siya.

"If there's somthing bothering you, please forget it for now, please." Napapikit na ang photographer. Siguro ay nagpipigil nalang siyang sigawan ako.

"Sorry." Sabi ko muli. Nag isip ako ng pwedeng pose para naman mabawasana ng init ng mga ulo nila.

"You need to focus, Zech. FOCUS!" Sigaw na ni Manager Bria.

"Make some other pose!" Sigaw niya muli.

Ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ko tsaka ako ngumiti.

"Nice shot!" Aniya.

4:30 pm na nang matapos kaming magphotoshoot. Kasalukuyan akong naka upo ngayon sa isang pahabang upuan sa labas ng studio nang naisipan kong itext si Xei.

Simula kasi kanin ay hindi ko pa siya natext at natatakot akong baka kung ano na naman ang isipin niya. Natakot din ako nang sabihin niya saking kailangan niya ng space. Kaya kong ibigay ang space na kailangan niya pero hindi muna sa ngayon. Ayokong bigyan siya ng space sa ganitong sitwasyon.

I texted her na magkita kami ngayon sa Café Isabel. Sinuot ko na ang itim kong jacket at tumayo na nang bigla akong tawagin ni Manager Bria.

"Kaunti lang ang magaganda mong shots kaya kailangan nating ulitin ang iba." Aniya.

"What? Pwede bang bukas nalang?" Tanong ko. Nagmamadali kasi ako ngayon dahil baka on the way na si Xei at ayoko siyang paghintayin.

"Anong bukas? Dalawang araw kang absent, Zech. Hindi pwedeng ipagpabukas natin 'to. We will release your photo on August 19 at August 17 na ngayon!" Sigaw niya.

Wala akong nagawa, pumasok ako sa loob ng dressing room at nagpalit muli. Kahit na gustong gusto ko nang pumunta kay Xei ay hindi ko magawa.

Buong photoshoot ay wala akong inisip kundi si Xei. Si Xei lang ang tangi kong iniisip. Nag aalala ako na baka nakarating na siya sa Café Isabel at wala siyang madatnan dun. Kahit na pagalitan at sigawan ako nila Manager dahil sa mga pangit kong pose ay hindi parin matanggal sa isip ko si Xei.

"We'll continue it tomorrow--"

Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo na agad ako sa parking lot at pinaandar ang sasakyan ko. Binilisan ko ang pagmamaneho ko para lang makarating ng mabilis sa Café. Baka kasi umalis si Xei dahil hindi niya ako maantay.

Pagkarating ko sa Café ay pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba na dito. Nakita ko si Xei na nakatalikod at nakatingin sa malayo na tila bang inaantay niya talaga ako. Nag antay ako ng mga ilang minuto dahil gusto ko siyang pagmasdan ng matagal.

Ilang minuto lang akong nakatingin sa kanya nang makaramdam ako ng mahihinang patak ng ulan hanggang sa lumakas na ito. Nakita ko si Xei na nakatayo parin at nakatalikod sakin. Tumingala siya para tignan ang langit tsaka siya yumuko.

Naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya.

"Xei. . ." Tawag ko. Unti unti siyang humarap sakin at bumuhos ang luha niya. Kahit na basang basa siya ay alam kong umiiyak siya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.

"I'm sorry." Sambit ko. Kahit ako ay naiiyak na rin pero pinipigilan ko lang.

"I'm sorry." Pag uulit ko. Mas lalo siyang humagulgol at pinaghahampas niya ang dibdib ko kung saan siya nakaharap.

"Sige, saktan mo lang ako. I deserve it." Sagot ko at mas lalo niyang nilakasan ang bawat hampas niya.

"I hate you!" Sigaw niya at tumigil sa paghampas sakin. Ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib ko at wala kaming pake alam kung basang basa na kami.

"I hate you." Pag uulit niya.

"I'm sorry." Bulong ko.

===

Free Fall Where stories live. Discover now