Chapter 15

14 1 0
                                    

Nagising ako nang may marinig akong katok mula sa pinto ng kwarto ko. Halos dalawang oras pala akong nakatulog.

Iginalaw ko ng kaunti ang paa ko at hindi na ito masyadong masakit.

"Masakit pa ba 'yang paa mo?" Pumasok si Zech sa kwarto ko na may dalang tray. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

Humiga muli ako at tumalikod sa kanya.

"I'm sorry for being so insensitive." Naglakad siya papunta sakin.

"Just go home. I want to rest." Sagot ko. Pero imbes na umalis siya ay naramdaman kong umupo siya sa may paanan ko.

"I'm sorry for calling you a flirt kahit wala naman akong sinabing ganun. I'm sorry for shouting at you. Ang gago ko kasi at nasigawan pa kita." Dagdag niya.

Hindi ako kumibo. Bahala siyang mag isa diyan. Hindi ko siya papansinin.

"Kumain ka na." Aniya tsaka niya ako inalalayang umupo. Hinawi ko ang kamay niya at mag isang umupo.

Kinuha niya ang plato at sinubuan ako. Pero hindi ko binuka ang bibig ko at nakatitig lang ako sa kutsarang nasa harap ko.

"Eat this please. I made this for you." Aniya. Lugaw? Eh ang dali dali lang gumawa ng lugaw! So anong gusto niya? Pasalamatan ko pa siya't ginawan niya ako ng lugaw? The last time I checked, wala akong sakit. I even don't need this fvcking food in front of me dahil mas kailangan ko 'yung pagkaing magpapalakas sakin. So sa tingin niya mabubusog niya ako ng husto sa lugaw lang?

"Thank you for this then." Note to sarcasm.

Tumikhim siya at tumingin sakin.

Kinuha ko ang platong hawak niya at nagsimulang kumaing mag isa. Hindi ko kailangan ng tulong niya dahil kaya ko pa naman.

"Where's the people in this house?" I broke the silence.

"Lumabas sila. Si tita nasa--"

"Okay." I just need the answer. I don't need the explanation.

"Nag sorry na ako diba?" Tanong niya sakin. Tumango ako. "Then why do have to be this hard? Hindi ako sanay sa coldness mo, Xei. I want us back." Aniya.

"I'm not being cold, Zech. And for your information, walang tayo." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Oo nga pala. Walang tayo." Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko.

Coming the words walang tayo from him makes me feel uneasy. Hindi ko alam kung may gusto ba siya sakin o wala. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung nagpapakatorpe ba siya o sadyang wala lang talaga siyang nararamdaman para sakin.

Aish! This is hard.

"I'm gonna stay here until tomorrow." Nabalik ako sa realidad nang magsalita siya.

"I don't care." Sagot ko.

"Fvck." Narinig kong bulong niya. "Why are you being like this? Are you making things difficult to me? Alam mo namang miss na miss kita diba?" Malambing niya sabi.

It's because of you. Hindi sana ako magiging cold kung hindi mo ako pinagtaasan ng boses kanina. Hindi sana ako magiging ganito kung hindi mo ako tinawag na malandi. Ikaw ang may kasalanan! Bwisit ka! Tapos tatanungin mo ako kung bakit ako nagkakaganito? Aba teka lang naman! Pag isipan mo munang mabuti kung bakit! Hindi 'yung kung makapagsalita ka ay parang ako pa ang may kasalanan.

"Nagbago ang isip ko." Aniya. "I'm going home now." Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Lumabas siya ng tuluyan at naiwan ka akong mag isa sa kwarto.

Dahan dahan akong tumayo at sumilip sa bintana. Aalis na nga siya. Binuksan niya ang gate at lumabas na siya.

Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit. Since wala naman akong gagawin dito kaya matutulog nalang ulit ako.

"Ano 'to?" Narinig kong sigaw ni mommy mula sa baba.

"Trye, alam mo ba kung ano 'to?" Tanong ni daddy kay kuya.

"I don't know, dad." Sagot ni kuya. Pagkatapos ng sagot ni kuya ay tumahimik na sila.

"Bullshit!" Narinig kong sigaw ni kuya kaya napatayo ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at unti unting lumabas. Nakapatay ang ilaw at madalim ang paligid siguro ay dahil gabi na.

Brownout kaya?

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Pinapakiramdaman ko ang bawat hakbang ko dahil baka mahulog ako. Naiwan ko pa naman sa kwarto ko 'yung cellphone ko kaya wala akong flashlight.

Nang makababa na ako ng hagdan, naglakad ako papunta sa gitna ng sala. Nakatayo lang ako dun at sinusubukang may makita dito sa madilim na paligid.

Biglang may umilaw na mga kandila sa gilid ko. Napapalibutan ako ngayon ng kandila at mga petals ng pulang rosas. At kung hindi ako nagkakamali, hugis puso ito.

Naaninag ko si Zech na papalapit sakin at may hawak na gitara.

[Together by NE YO]

"Since the day that we met girl
I've never had anyone make me feel this way
And my heart is sure it wants to be with you
Wanna give you the whole world ohh
If you make your promise to me, your gonna stay
Without you guiding me, I'm lost and so confused."

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Inangat niya ito at hinalikan tsaka siya kumindat. Binitawan niya ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagkanta.

"What will it take to show you I'll be by your side
Girl I got you and I want to give you what you never had
Girl everyday I hope to make you part of my life
'Cause you know me and I know you
Girl your love is where it's at. . .ohh"

Bago niya kantahin ang chorus ay pumasok muna siya sa loob ng mga kandila at petals. How romantic.

"I'm gonna be the love that's gonna last
And be the one that got your back
Ain't nothing never that bad
That we will be together
Girl we both made our mistakes
And some we never wished we made
But we'll be okay if we just stick together."

Natapos niya ang chorus. Ibinaba niya ang gitarang hawak niya tsaka niya hinawakan muli ang dalawa kong kamay.

"I'm sorry sa mga nagawa ko ngayong araw." Paninula niya. Malapit ng tumulo ang luha ko dahil sobrang natouch ako sa ginawa niya. Sa buong buhay ko ay wala pang gumawa sakin nito.

"Tama ka eh. I am so insensitive. Dapat hindi kita sinigawan. Dapat hindi ko pinairal ang galit ko. Dapat mas inuna kong gamutin ang paa mo. Damn! Ang gago ko!" Sinabunutan niya ang sarili niya.

"Hey, enough. It's okay." Kinuha ko ang kamay niyang nakasabunot parin sa buhok niya hanggang ngayon.

"Apology accepted." Ngumiti ako para ipakita na totoo ang sinasabi ko.

"Really?"

"Yes, Zech." Niyakap niya ako.

"Thank you, baby." He whispered.

===

Free Fall Where stories live. Discover now