Chapter 14

16 1 0
                                    

"Anak, ilibot mo muna si Zech dito o kaya maglakad lakad muna kayo sa may pool. Baka kasi maboring siya eh." Paki usap ni mommy sakin nang pumunta ako sa kusina para uminom.

"Ma, hayaan mo siya. Pumunta siya dito ng kusa kaya hindi siya bisita." Sagot ko.

"Sige na, Xei. Bisita ko siya dahil andito siya sa pamamahay ko." Aniya. Wala akong nagawa sa sinabi ni mommy kaya bumalik ako sa sala kung nasaan si Zech.

"Let's go outside." Pag aaya ko. Nauna akong lumabas ng pinto. Hindi ko siya nilingon kung sumunod ba siya o hindi basta tuloy tuloy lang ang paglalakad ko hanggang sa makalabas na ako ng gate.

Ayokong pumunta sa may swimming pool dahil baka ganahan akong magswimming. Medyo mainit pa naman ang panahon ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad nang makarating ako sa hindi pamilyar na lugar sakin. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay kaya wala akong masyadong alam dito sa amin. Tsaka matagal na rin akong hindi umuwi dito. At kung lalabas man ako ay naka sasakyan ako.

Saan 'to?

Napatingin ako sa paligid ko. May mga batang naglalaro sa kalsada at may isang maliit na tindahan kaya pumunta ako dun.

"Tao po!" Sigaw ko.

"Ano 'yun?" Tanong ng isang lalaking mukhang kaedad ko lang.

"Saang lugar 'to?" Tanong ko sa kanya.

Sinabi niya kung saang lugar ako napadpad. Malapit lang naman 'to sa village namin pero hindi ko alam ang pabalik dun. Hindi ko pa kasi narating ang lugar na 'to dati eh.

"Pwede mo ba akong samahan pabalik sa Viscarra Village?" Paki usap ko.

"Pasensya ka na ah. Marami pa kasi akong gagawin." Aniya.

"Please. Please help me." Pagmamaka awa ko.

"Oh sige na nga, miss." Napangiti ako.

"Salamat." Sagot ko.

Nag umpisa na kaming maglakad.

"Paano ka ba napunta dito, miss?" Tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Hindi ko alam. Basta napahinto nalang ako tapos hindi ko na alam kung nasan ako." Sagot ko.

"Ganun ba? Mukhang medyo malayo ang nilakad mo." Aniya. Tumango nalang ako.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko.

"Oo. Liliko nalang tayo dun." Tinuro niya 'yung paliko. Malapit na nga kami--

"Aray!" Sigaw ko nang matapilok ako. Pesteng bato na 'to! Bwiset.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Napa upo ako sa sobrang sakit ng paa ko. Hindi ko ito maigalaw at sobrang ang kirot niya na parang may naipit na ugat.

"Ahh! Ang sakit ng paa ko!" Sigaw ko habang nakahawak sa paa ko.

"Paano na 'to? Malapit na tayo kaya mo bang maglakad?" Tanong niya.

"I will." Unti unti akong tumayo. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya ay dahan dahang tumayo.

"Shit!" Bulong ko nang maramdaman ko na naman ang sakit. Masakit ito kapag igagalaw ko.

Mabagal akong naglakad. Naka alalay lang siya sakin dahil hindi ko kayang maglakad mag isa. Nakapalibot ang kamay niya sa bewang ko at nakahawak ako sa kamay niya.

Nang makapasok na kami sa village, lumiko kami para marating namin ang bahay.

Pinindot ko ang doorbell at wala pang ilang segundo ay lumabas na si mommy kasama si Zech.

"Naku, Xei! Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni mommy. Inalalayan ako ni Zech kaya kumapit ako sa kamay niya.

"Natapilok po ako, mommy." Sagot ko.

"Ganun ba? Salamat at dinala mo dito ang anak ko, iho." Bumaling si mommy dun sa lalaking tumulong sakin.

"Walang anuman po." Aniya.

"Salamat." Sabi ko.

"Mauna na ako ah? Magpagaling ka." Tumango ako at ngumiti.

"Mag ingat ka pauwi." Kumaway ako sa kanya bago pa siya makalayo.

"Iakyat mo muna siya sa kwarto niya para makapagpahinga siya, Zech." Sabi ni mommy. Binuhat ako ni Zech. 'Yung pang bagong kasal? Jusko feel na feel ko na sana eh kaso 'yung paa ko kumikirot na naman.

"Ano ba kasing nangyari sayo?!" Sigaw niya sakin nang mailapag niya ako sa kama ko. Base sa aura ng mukha niya ay mukha siyang galit na parang naiinis. Wala akong makitang pag aalala sa mga mata niya. Why is that?

"Natapilok nga ako." Sagot ko.

"Eh sino 'yung lalaking 'yun? Bakit kailangan mo pang hawakan ang kamay niya?! Bakit kailangang nakahawak siya sa bewang mo? O baka naman sinandya mo lang magpatapilok para matsansingan mo siya. Nilandi mo pa siya eh andito naman ako!" Mahabang paliwanag niya.

"Sino siya? Siya lang naman ang lalaking tumulong sakin para maka uwi ako dito. Bakit ko kailangang hawakan ang kamay niya? Kasi hindi ko kayang maglakad! Hindi ako makakatayo at makakalakad kung hindi ko hahawakan ang kamay niya! Tsaka hinawakan niya ang bewang ko bilang suporta para hindi kami matumba. At panghuli, hindi ko sinadya ang pagkatapilok ko para lang matsansingan siya. Hindi ko siya nilandi! So don't ever use that word to me! Ano bang karapatan mong sabihan ako ng malandi?!" Sigaw ko sa kanya. Kung galit siya, mas galit ako. Kung naiinis siya, mas naiinis ako.

How dare him?! Ako? Nilandi ko 'yung lalaki kanina? Alam niya ba ang nangyari? Hindi!

"Really now?" Hamon niya. Napahinga ako ng malalim dahil pinipigilan kong ilabas lahat ng galit ko.

"Oo! How dare you to call me a flirt?!" Inis na sigaw ko.

"I didn't call you that--"

"Yes you did! Sinabihan ko akong nilandi ko siya so parang sinasabi mo na malandi ako. Is that what you mean? Ha! I don't believe you can do that to me!" Sigaw ko.

"Look, Xeiarah it's not what I mean--"

"Then what, huh? If you don't mind please get out of my room! Masakit na nga 'yung paa ko, sinisigawan mo pa ako! How insensitive you are, Zecharri!" Sigaw ko.

It's true. This insensitive man in front is getting into my nerves. He doesn't even care about me so what is he doing inside my room?!

"I'm sorry." Aniya.

"Get out, you jerk!" Sigaw ko.

"Rest yourself please." Mahinahon niyang sabi bago siya lumabas ng kwarto ko.

Unbelievable indeed!

===

Free Fall Where stories live. Discover now