Chapter 22

8 1 0
                                    

Sabado ngayon at magaling na si Xei. Nagpaalam ako kay Manager Bria na aabsent ako ngayon dahil sa isang importanteng bagay. Ngayon din ang labas ng bago kong picture sa Skie at masaya ako sa mga magagandang kumentong natanggap ko mula sa ibang tao.

"Xeiarah, tara na kasi." Sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabangon dahil inaantok pa rin daw siya.

"Five minutes, Zech." Sagot niya. Nag antay ako ng limang minuto tsaka ko siya ginising muli.

"Wake up now, My Queen." Malambing kong sabi.

"I will, My King." Aniya. Napangiti naman ako. Alam niya talaga kung paano ako pakiligin. Kaya mahal na mahal ko siya eh.

Bumangon siya at dumeretso sa bathroom. Lumabas na rin ako ng kwarto niya para ipaghanda siya ng breakfast. Gumawa ako ng egg sandwich at pinagtimpla siya ng hot chocolate. Inihanda ko iyon sa lamesa at inantay siyang lumabas ng kwarto. Inayos ko na din ang iilang mga kalat sa sala niya at hinugasan ko ang mga nagamit kong gamit sa kusina niya kanina.

"Naks naman, Zech. Pwede nang mag asawa ah." Sabi ng utak ko.

"Pwede na ba?" Tanong ko.

Hay, baliw na baliw na talaga ako kay Xei. Iba ang epekto niya sa akin at hindi mabubuo ang araw ko nang hindi nakikita ang matamis niyang ngiti.

"Zech!" Nabalik ako sa realidad nang isigaw ni Xei ang pangalan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko siyang mukhang galit at naiinis na.

"Yes, my baby?" Paglalambing ko.

"Kanina pa kita tinatawag tapos nakangiti ka lang diyan! Ginagago mo ba ako? Tigil tigilan mo ako, Zech." Naiinis niyang sabi.

"Sorry na." Niyakap ko siya mula sa likod niya.

"Alis." Tipid niyang sagot.

"I'm sorry." Bulong ko sa tenga niya.

"Alis sabi eh!" Sigaw niya. Umalis ako mula sa pagkayakap at hinarap siya. Hinalikan ko ang malambot niyang labi. Nang humiwalay ako ay nakita ko ang noo niyang nakakunot na.

"Sorry." Nag peace sign ako sa kanya.

"Bwisit!" Umupo siya sa upuan at kinain na ang egg sandwich na ginawa ko kanina.

"Ginawa ko 'yan para sayo." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan kung paano niya kainin ang sandwich.

"Oh eh ano naman ngayon?" Mataray niyang sabi.

"Bakit ang sungit mo?" Malambing kong sabi.

"Ano ba, Zech!" Sigaw niya.

"Ano na naman? Kanina pa mainit ulo 'yang ulo mo eh wala naman akong ginagawang masama. Sinusungitan mo pa ako tapos sinisigawan." Tumayo ako at naglakad papunta sa balcony.

Hindi naman ako galit sa kanya pero parang nakakainis lang. Ang ayos naman ng gising niya kanina, ginawan ko pa nga siya ng breakfast niya, anong ikinagagalit niya?

Pagkatapos niyang gawin ang mga dapat niyang gawin, sumakay na kami sa sasakyan ko ay pinaandar ko na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag iimikan.

"May problema ba?" Hindi ko na napigilan ang magsalita.

"Wala." Tipid niyang sagot. Huminga ako ng malalim dahil pinipigilan ko ang sarili ko kasi baka masigawan ko siya.

"I'm sorry." Sabi ko.

"Lagi naman." Aniya. Medyo nainis ako sa sagot niya kaya medyo binilisan ko ang patakbo ko ng sasakyan.

"I'm sorry." Pag uulit ko.

"Bakit ba paulit ulit ka?!" Sigaw niya na naman. Itinagilid niya ang ulo niya na parang matutulog na. Hinayaan ko lang siya kaysa naman mag away pa kami dito.

Ilang oras din ang biyahe nang makaramdam ako ng gutom. Naalala kong hindi pa pala ako nag almusal kaya hininto ko ito sa malapit na 7/11.

"Baby," tawag ko kay Xei.

"Hmm?" Aniya. Sa wakas, hindi na mainit ang ulo niya. Wahaha!

"Do you want something to eat?" Tanong ko.

"I'm not hungry." Tumango ako at lumabas na ng sasakyan. Pumasok ako sa 7/11 at bumili ng dalawang bottled water para samin at dalawang donuts. Kinain ko muna ito bago ako bumalik sa sasakyan.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Xei na namimilipit sa sakit. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pumunta sa kanya.

"What happened?" Tanong ko.

"Ahh. . .ouch-"

"Anong masakit?!" Sigaw ko. Natataranta na ako dahil namumutla siya.

"Ang sakit. . .ahh. . . Aray!" Sigaw niya.

"Anong masakit?! Tell me!" Sigaw ko.

"Y-yung puson ko." Aniya.

I get it. Kaya siguro masungit siya at mainitin ang ulo ngayon dahil PMS siya. Now, I know.

"Paano ba mawala 'yan?" Tanong ko. Pasensya na eh wala akong alam sa ganito eh.

"Shunga ka ba? Tatanungin mo pa ako?" Masungit niyang sabi.

"Sorry na."

"Puro ka sorry." Aniya. Nang nagtagal ay unti unting nawala ang sakit ng puson niya kaya nakatulog muli siya.

Binuksan ko ang radio ng sasakyan ko at nakinig nalang dito.

"And here's our next song Together by Ne Yo." Sabi ng babae sa radio.

Kung hindi ako nag kakamali ay ito 'yung kinanta ko kay Xei noong natapilok siya at hindi makalakad.

"Since the day that we met girl
I've never had anyone make me feel this way
And my heart is sure it wants to be with you
Wanna give you the whole world ohh
If you make the promise to me your gonna stay
Without you guiding me, I'm lost and so confused."

Nakita kong nagising si Xei. Ngumiti siya sakin, siguro ay naalala niya din 'yung nangyari noon. Noong kinanta ko sa kanya 'yang kanta.

"You remember?" Tanong ko.

"Yeah." And she flashed her sweetest smile.

"What will it take to show you I'll be by your side
Girl I got you and I want to give you what you never had
Girl everyday I hope to make you part of my life
Cause you know me and I know you
Girl your love is where it's at...ohh"

Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko.

"I'm gonna be the love that's gonna last
And be the one that got your back
Ain't nothing never that bad
That we will be together
Girl we both made our mistakes
And some we never wished we made
But we'll be okay if we just stick together."

Kinanta ko sa kanya ang chorus habang hawak ang kamay niya. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata lalo na nang sinabi kong,

"I love you, Xeiarah."

===

Free Fall Where stories live. Discover now