Chapter 36

10 1 0
                                    

Kinaumagahan ay late akong nagising. Napasarap kasi tulog dahil sa pagod. Nakita ko si Zech na gising na rin at nakatingin sakin. Nag iwas ako ng tingin at pumunta sa bathroom para mag toothbrush. Nang natapos ako ay sumunod naman siya at naghanda na ako ng breakfast namin. Typical breakfast, egg, hotdogs and bacon.

"I didn't eat dinner last night." Bungad niya sakin nang pumunta na siya sa kusina. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi mo ako tinirhan ng niluto mo." Nagpout siya sa harap ko pero hindi ko parin siya pinansin.

Nang kumain na kami ay hindi pa rin kami nag iimikan. Hindi ko siya tinitignan o kahit na ano. Siya naman ay kada segundong sumusulyap sakin.

"Tinanggap ko 'yung offer sa Skie Entertainment." Pagbasag niya ng katahimikan. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na seseryosohin niya 'yung sinabi kong tanggapin niya na.

"Sayang kasi 'yung offer." Dagdag niya. Natapos kaming kumain nang hindi pa rin nag uusap. Ewan ko. Di ko kasi feel na kausapin siya. Tsaka gusto ko muna ng tahimik.

Nakita ko siyang may binabasa sa laptop niya at mukhang seryoso siya doon.

"Zech," tawag ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon, patuloy pa din siya sa pagbasa ng kung ano sa laptop.

"Zech, galit ka ba?" Tanong ko. Hindi pa rin niya ako kinikibo kaya dun na nagsimulang tumulo ang luha ko. Di ko alam kung bakit pero simula nang mabuntis ako ay napaka sensitive ko na. Mabilis na akong maiyak kahit na ang babaw lang ng rason para iyakan ko ang isang tao o bagay.

Napatingin siya sakin nang marinig niya akong sumisinghot. Napakagat siya sa labi niya at mabilis niya ako dinaluhan. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.

"Hindi ako galit, may binabasa lang ako." Sagot niya.

"Eh bakit ngayon mo lang sinagot 'yung tanong ko?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Binabasa ko lang 'yung script. Mags-start na kaming mag shoot next week dahil pinaplano nilang ipalabas ito sa susunod na buwan." Paliwanag niya.

"So mas importante pa 'yang script mo kaysa sakin." Tumalikod ako pero mabilis siyang pumunta sa harap ko.

"You will always be my priority." Dahan dahan niya ako hinalikan sa labi. Mainit ang kanyang labi at mabagal lang ang paggalaw niya na para bang dinadama niya ang bawat sensasyon nito.

"Open your mouth wider." He said between our kiss. Nang ginawa ko ang sinabi niya ay agad niya akong hinalikan ng mabilis. Mas bumilis ang paggalaw ng kanyang labi na para bang sabik na sabik siyang halikan ako.

Nang itaas niya ang damit ko ay agad ko siyang tinulak.

"No. Buntis ako." Paalala ko sa kanya.

"But we can still do it. I'll be gentle." Malambing ang kanyang boses. Hinaplos niya ang aking braso pero mabilis ko itong hinawi.

"No, Zech." Pigil ko sa kanya.

"Dammit, baby! Binibitin mo ako." Napakagat ako sa aking labi.

"Gawin mo na 'yang ginagawa mo." Pag iiba ko ng topic.

Tumungo siya sa laptop niya kaya hinayaan ko nalang siya. Pumunta ako sa kusina para gawan siya ng merienda. Gumawa ako ng spaghetti at ipinagtimpla siya ng juice. Nang naluto na ang spaghetti ay isinalin ko na ito sa plato at dinala sa kanya.

"Ang sweet naman ng asawa ko." Kumento niya nang ilapag ko sa tabi niya ang merienda.

"Asawa?" Kunot-noo kong tanong. "Ni hindi mo nga rin ako girlfriend eh." Dagdag ko.

Umupo ako sa couch at binuksan ang tv. Nag hanap ako ng magandang panood.

"Anong sabi mo?" Nilingon ko siya. Nakita ko sa mga mata niyang galit siya. Nagalit ba siya sa sinabi ko? Totoo naman ah.

Umiling ako at hindi nalang nagsalita.

"Anong sabi mo, Xei?!" Tumaas ang boses niya. Damn! He's really angry!

"I'm not your girlfriend nor your wife." Sabi ko nang hindi siya tinitignan sa mata.

"Dammit!" Sigaw niya. Hinayaan ko nalang siya. Hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil totoo ito. Hindi niya ako niligawan, kaya hindi niya ako girlfriend. Hindi kami kinasal, kaya hindi niya ako awasa. Simple as that.

"Pero sakin ka!" Sigaw niya.

"I know." Sagot ko habang tutok pa rin sa panonood.

"Can you please look at me." Madiin niyang sabi. Tinanggal niya ang saksakan ng tv kaya bumaling ako sa kanya. Magsasalita na sana ako kaso itinaas niya ang kanang kamay niya na para bang sinasabing wag muna akong magsalita.

Tumikhim ako.

"Ako'y sayo at ika'y akin. Tandaan mo 'yan." Seryoso niyang sabi.

"Alam ko, Zech. Ang ibig ko lang sabihin ay wala tayong label. Oo sa isa't isa tayo, pero wala tayong label--"

"Kailangan pa bang ulit ulitin na wala tayong label?!" Pasigaw na tanong niya.

"Wala nga kasi tayong label. Malay ko ba na binalikan mo ako dahil lang may anak ka sakin." Tumalikod ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Paano nga kapag ganun lang ang dahilan niya? Binalikan lang niya ako dahil may anak siya sakin. Hindi niya ako mahal. Paano kung naaawa lang siya sakin dahil buntis ako sa kanya?

"Kahit hindi ka buntis ay babalikan pa rin kita." Narinig kong sabi niya. Pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya.

"T-talaga?"

"Kasi mahal na mahal kita." Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit na parang wala ng bukas.

"Mahal na mahal din kita, Zech." Bulong ko.

"Wag mong iisiping si baby lang ang dahilan ko ah? Dahil kahit mayroong isang milyong rason sa mundo, iisa lang ang rason ko para balikan ka at 'yun ay dahil mahal na mahal kita."

"Z-zech," tawag ko. Sobrang na touch ako sa sinabi niya.

"Mahal na mahal na mahal kita." Sagot ko.

"Alam ko. Kaya nga magkaka anak na tayo eh." He chuckled. Pinalo ko ang braso niya.

"Manyak ka kasi."

"Ako? Alam ko namang pinagnanasahan mo ako noon kaya may nabuo tayo. Alam mo, Xei, okay lang namang umamin ka sakin na pinagnanasahan mo ang katawan ko. Wag kang mahiya, okay?" Pinalo palo ko ang braso at dibdib niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan!" Sigaw ko.

"Mahal mo naman." He winked.

===

Free Fall Where stories live. Discover now