Chapter 11

16 1 0
                                    

Ilang oras na akong nakatulala dito at nag iisip kung anong pwedeng bagong design ang maipinta ko. Pero ilang oras na din akong hindi makapag concentrate dahil sa sinabi ni Zech kanina.

"Dapat sakin lang, Xei. Sakin lang."

"SHIT!" Malakas na mura ko nang maalala ko na naman 'yun.

Hanggang kailan ba 'yun magpapa ulit ulit sa isip ko?

Bwisit ka, Zech!

8:27 pm ng gabi ay hindi parin ako kumakain ng dinner. Hanggang ngayon ay wala parin akong naisip na bagong design kahit isa.

Pupunta sana ako sa kusina para kumuha ng tubig nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan ko. Mabilis ko itong binuksan at bumungad sakin si Zech na nakangiti.

Damn! Bakit ang gwapo niya?

"Are you busy?" Tanong niya at dere deretsong pumasok na naman.

"I am." Sagot ko at pumunta sa couch. Nakalapag sa lamesa ang maraming scratch papers na ginamit ko kanina.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya habang tinitignan isa isa ang mga scratch papers.

"Hindi pa." Kinuha ko ang isang blankong papel at nag umpisa muling mag drawing. I told you, I'm not good at drawing .

"Wait here." Tumungo siya sa kusina ko kaya hinayaan ko nalang siya dun.

Habang inaantay ko siya ay nakapag drawing ako ng isang beach na kasalukuyan ang sunset. Ang sunset ay nagre reflect sa tubig kaya mas lalo nitong binibigyan ng ganda ang drawing.

"Okay na siguro 'to." Bulong ko sa sarili ko.

"Okay na rin 'to." Narinig kong sabi ni Zech tsaka niya inilapag sa harap ko ang hotdogs with bacon.

"Seriously? Hotdogs and bacon sa dinner?" Tanong ko habang natatawa.

"Nakita ko 'yan sa ref mo kaya 'yan nalang ang niluto ko." Sagot niya. Umupo siya sa tabi.

"Anyway, salamat." Nag umpisa na akong kumain habang si Zech naman ay tinitignan na naman ang mga scratch papers.

"I don't understand kung bakit pangit 'to sa mga mata mo?" Aniya habang tinuturo ang mga papel na hawak niya.

"Feeling ko kasi hindi 'yan magugustuhan ni sir Andrei eh." Sagot ko. Tumango siya.

Tumayo ako at kinuha ang canvas sa kwarto ko. Inilagay ko ito sa stand niyang nasa gilid ng tv tsaka ko inumpisahang ipinta ang sunset na natapos ko kanina.

"Sunset huh?" Kumento niya nang makita niya ang pinipinta ko.

"Ito lang kasi ang naisip ko eh." Gabi na nang matapos ko ang pagpipinta. Hinayaan ko lang ito sa gilid upang matuyo ito.

"Zech, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko habang inaayos ang mga pintura na nagkalat sa sahig.

"Zech," tawag ko muli pero paglingon ko ay nakita ko siya sa sofa na mahimbing na ang tulog.

Lumuhod ako para mapantayan ko ang mukha niya tsaka ko siya tinapik ng mahina sa balikat niya.

"Zech," tawag ko. Gumalaw siya.

"Hmm?" Aniya.

"You go home now and sleep." Sabi ko. Unti unti niyang minulat ang mata niya tsaka siya ngumiti sakin.

"Can I stay here?" Tanong niya.

"Zech--"

"Please, baby?" Ano pa nga ba? Edi wala na naman akong nagawa!

"Fine. Dito ka sa guest room--"

"Beside you please?" Malambing na sabi niya.

"Alam mo, umuwi ka nalang." Sabi ko tsaka ako pumasok sa kwarto ko. Bahala siya dun sa sala. Kung gusto niyang matulog dito edi dun siya sa guest room! Hindi 'yung siya pa ang mamimili ng tutulugan niya.

Napapikit ako dahil sa malamig na tubig na nang gagaling sa shower na dumadampi sa balat ko. Nagsabon ako ng katawan tsaka ko binanlawan ang sarili ko.

Kinuha ko ang towel ko tsaka ako lumabas ng bathroom ng--

"SHIT!" Sigaw ko. Nakita ko si Zech na nakahiga sa kama ko at mahimbing na natutulog.

Minulat niya ang mga mata niya. Siguro ay narinig niya ang malakas ko na mura.

"Akala ko naman nadulas ka na." Aniya tsaka pinikit muli ang mga mata.

Mabilis akong nagbihis at kinuha ang cellphone ko. Ilang minuto din akong nag Facebook hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.

Inilagay ko ang cellphone ko sa lamesa at tsaka humiga na nang may maramdaman akong matigas sa katabi ko.

Shit! Ano 'to?

"Hmm. . ." I heard Zech. Ano 'tong matigas na nakakapa ko?

"Baby, you're turning me on." Bulong ni Zech.

Turning me-WHAT?!

Oh my ghad! Napahawak ako sa kumot ko tsaka ako nagtalukbong. So ibig sabihin 'yung nahawakan ko eh 'yung ano niya? 'Yung ANO niya?!

Gusto kong sumigaw sa kahihiyan! Jusko paano na bukas?

Kinabukasan, nagising ako dahil sa mga haplos ni Zech sa mukha ko.

"Good morning." Hinalikan niya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at naalala ko 'yung nangyari kagabi.

"Umuwi ka na." Seryosong sabi ko.

"Pero--"

"UMUWI KA NA!" Sigaw ko. I'm sorry, Zech pero hindi ko kayang masira ang reputasyon ko. Hindi pwedeng masira ang napakaganda kong mukha--este ang napakaganda kong ugali sa harap mo.

Huhu! Paano na ito?

"Ano bang nagawa ko? May mali ba?" Tanong niya.

"Wala." Umiling ako. "Basta umuwi ka nalang ngayon na."

"Pero, Xei--"

"Isa." Banta ko.

"Aba binibilangan mo--"

"Dalawa." Pagtutuloy ko ng biglang--

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Bumuhos ang napakalakas niyang tawa. Napa irap nalang ako dahil alam mo 'yung tawa niyang nakakaasar pakinggan? Alam niyo 'yun? Bwisit lang!

"Umuwi ka na sabi eh!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!! PFFFTT-- HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Mas nilakasan pa niya ang tawa niya.

"Aish! Alis!" Sigaw ko.

"Siguro nahihiya ka 'no?" Tukso niya.

"Saan naman ako mahihiya?" Patay-malisya kong tanong.

"Sa nangyari kagabi. Akala mo 'di ko alam na pinagnanasahan mo ako habang tulog akkk--"

Sinakal ko siya. Oo! As in 'yung literal na sakal! Kainis eh.

"A-aray!"

"Itutuloy mo pa? Umalis ka na sabi eh!" Tinulak ko siya papunta sa pinto.

"Namumula ka na oh." At dahil sa sinabi niyang 'yun, naramdaman ko nga na umaakyat na ang dugo ko sa mukha ko. Sobrang hiyang hiya na ako dito. Kung ano ano ba naman kasing nakakapa ng kamay ko!

"HAHAHAHAHAHA!" Tumawa muli siya. Matalim ko siyang tinignan kaya unti unting humupa 'yung tawa niya.

"Xei," tawag niya.

"Don't talk to me." Seryoso kong sabi.

"Xei naman eh. Okay lang naman sakin 'yung ginawa mo. Basta sa susunod inform mo ako para naman makapag ready ako diba? Don't worry, matutuloy rin 'yang gusto mong gawin next time." Aniya sabay kindat.

"UMALIS KA SA KWARTO KO WAG KA NANG MAGPAPAKITA SAKING BWISIT KA!"

===

Free Fall Where stories live. Discover now