Chapter 38

13 1 0
                                    

"Bib, bottles, diapers, milk, clothes, pacifier. Ano pa bang kulang?" Tanong sakin ni Zech habang iniisa isa ang laman ng cart namin. Andito kami ngayon sa mall para bumili ng mga gamit ni baby.

"Crib or walker?" Tanong ko sa kanya. Tumungo kami sa lugar kung nasaan ang mga crib. May mga iba't ibang kulay at disenyo ang nandito kaya maraming pagpipilian.

"I like the blue one." Sabi ko sabay turo sa isang crib na kulay blue at may disenyong iba't ibang bola. Nagpa assist kami sa isang salesman na ipunta ang crib sa counter. Mabuti nalang at walang masyadong tao ngayon dito sa mall kaya nakapag bayad agad kami.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sakin. Umiling ako dahil hindi naman ako nagugutom.

"Umuwi nalang tayo." Sagot ko sa kanya. Tumungo kami sa parking lot ng mall. Inalalayan niya akong sumakay tsaka siya umikot papunta sa driver's seat.

Nang makarating kami sa unit at agad niyang ibinaba ang mga paper bags sa floor kasama na ang crib. Naka fold naman 'yung crib kaya naakyat namin ito ng isahan.

"I will just cook for us." Sabi niya at dumeretso na sa kusina.  Sumunod ako sa kanya kasi gusto ko siyang panoorin kung paano siya magluto. May dinefrost siya na pagkain mula sa freezer. Nang matunaw na ang yelo ay binuksan na niya ito tsaka niya pinainit ang kawali.

Umupo ako sa high chair para mapanood siya. Nilagyan niya ng mantika ang kawali. Nang uminit na ito ay tsaka niya inilagay ang isda. Fish fillet 'yun, actually.

Nang mag golden brown na ang fillet ay iniahon na niya ito mula sa mantika at nilagay sa plato. Ako naman ay inihanda ko na ang lamesa para deretso kain na kami.

"Wow!" Sigaw ko nang ihain na niya ito sa lamesa. Bigla akong natakam kaya umupo na kaming dalawa at nag umpisang kumain.

"Baby," tawag sakin ni Zech. Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa pagkain. Gutom ako eh, pake niyo ba?

Ininom ko ang tubig na nasa harapan ko nang biglang. . .

"Taste my banana, baby." Medyo husky ang boses ni Zech. Naibuga ko ang tubig na nasa bunganga ko dahil sa sinabi niya. Siya naman ay halos mamatay na sa kakatawa.

"Ano?!" Sigaw ko nang medyo makarecover na ako.

"Sabi ko, taste my banana." Iwinagayway niya sa harap ko ang saging na hawak niya. "Ano bang iniisip mo?" Tanong niya at tumawa muli.

"Wala!" Sigaw ko.

Taste my banana? What the hell! Kung ano ano talagang sinasabi nito. Nagmumukha tuloy akong madumi ang utak. Napairap nalang ako sa kawalan.

Hanggang matapos kaming kumain ay hindi niya pa rin ako tinitigilan sa pang aasar tungkol dun sa saging. Kesyo daw madumi ang utak ko at kung ano anong iniimagine. Sabi pa niya na sabik daw talaga ako kaya 'yun agad ang pumasok sa isip ko. Napaka walang hiya talaga.

"Zech?" Tawag ko sa kanya habang nasa guest room ako. Plano kasi naming dito ang magiging kwarto ni baby. Maluwang naman ito at kasya ang single bed at marami pang pwedeng ilagay dito.

"Yes, banana--Xei?" Natawa ulit siya at ako naman ay unti unti nang napipikon.

"We forgot the toys." Dismayado kong sabi. Excited pa naman akong magdecorate ng kwarto ni baby. Balak ko pa sanang lagyan ng maraming toys dito eh.

"Babalik nalang tayo sa mall--"

"Ngayon na!" Sigaw ko. "I want to decorate the room now." I pouted.

"Pero kakagaling lang natin dun kanina--"

"So what? Bawal bang bumalik?" Mataray kong tanong. He sighs.

"Let's go then." Nagbihis ulit kami ng damit at dumeretso sa mall. Kumuha siya ng cart at nag umpisang maglagay ng mga laruan.

"Hindi pa niya magagamit 'yan, Zech." Suway ko sa kanya nang ilagay niya sa cart ang malaking robot.

"Mas okay muna 'yung soft toys lang like teddy bears. Masyado siyang bata para maglaro niya--"

"Fine." Ibinalik niya ang robot kung saan ito nakalagay at nagpatuloy kami sa pagpili ng laruan.

"Long time no see, Zecharri." Napatingin kami sa isang babaeng nasa harap na namin ngayon.

"Uy, Bea!" Bati niya. Napataas ako ng kilay at ibinaling nalang ang atensyon sa iba't ibang kulay na bolang nasa gilid ko.

"Birthday ko sa Sabado--"

"Sinabi na sakin ni Kiefer." Pagpuputol ni Zech sa kanya. Napangisi ako dahil sa inasta ni Zech.

"I know. Just reminding you, babe." Napatingin ako sa kanilang dalawa at halatang nagulat si Bea sa nakita niya. Ang talas talaga ng dila nitong higad na 'to.

"Uh. . . I mean Zech." Nauutal niyang sabi. Umiling ako at umirap sa kanya. Halata namang sinadya niya ang pagkasabi ng babe dahil alam niyang maririnig ko. Ang bobo talaga ng isang 'to.

"Anyway, sa Saturday punta ka ah? I'll be expecting you there." At umalis na si Bea. Aba't hindi manlang ako sinama? Si Zech lang talaga ang imbitado? Tsk.

"Nagdidilim ang aura mo ngayon--"

"Shut up." Umirap ako.

Pakialam ko ba sa kanya? Edi pumunta siya kung gusto niya. Gusto lang naman niyang samantalahin ang pagkakataon na landiin si Bea dahil wala ako dun diba? Eh pakialam ko? Edi magsaya silang dalawa! Gawin nila kung anong gusto nila. Napaka insensitive. Hindi manlang inisip kung anong mararamdaman ko. Eh kung pag untugin ko kaya sila! Napaka--

"I smell someone's jealous." Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Zech.

"Oh talaga? Ang lakas naman ng pang amoy mo." Pilosopo kong sagot at nakita ko siyang umiling iling.

"I'm not coming okay? Alang alang sa pagseselos mo, hindi na ako pupunta." Aniya.

"Hindi NA? So may balak kang ungas ka? Edi pumunta ka!" Tinuro ko kung nasaan ngayon si Bea. Medyo malayo siya samin pero nakikita ko siyang namimili ng damit.

"Xei, naman." He pouted.

"Wag kang mag pout hindi ka cute." Walang emosyon kong sabi.

"I love you."

"Pakialam ko?"

"I love you."

"Tumigil ka."

"I love you."

"Leche! Sinabi nang tumigil ka eh!" Sigaw ko.

"I love you."

"I love you too."

===

Free Fall Where stories live. Discover now