Chapter 6

36 2 1
                                    

Sumalubong sa amin ang malakas na tugtog ng Game Zone. May mga sumasayaw ng just dance, may mga kumakanta at may mga naglalaro.

"Oh! Ang cute nung teddy bear!" Sigaw ko habang tinuturo ang isang may katamtamang laki na teddy bear. Makukuha mo ito kapag nag shoot na ng token sa loob ng machine.

"Bibili lang ako ng tokens." Paalam ni Zech. Tumango ako sa kanya at naiwan ako sa kung saan ang teddy bear na gusto ko.

"Maglalaro ka, miss?" Tanong ng isang lalaki.

"Hindi." Sagot ko tsaka ako gumilid para makapaglaro siya. Dalawang teddy bear nalang ang nandun sa loob ng machine at kapag nakuha nung lalaki 'yung isa, edi iisa nalang ang teddy bear.

"Para kasi 'to sa girlfriend ko." Biglang nagsalita ulit ang lalaki habang busy sa pagkuha nung teddy bear.

"Talaga? Ang swerte naman niya." Sagot ko.

"Yes!" Sigaw niya. Nakuha niya 'yung isang teddy bear. Kulay puti ito na may hawak na puso.

"Ito naman para sa kapatid ko." Narinig kong sabi niya. Nag shoot ulit siya ng token at naglaro para makuha 'yung huling teddy bear.

Asan na ba si Zech? Bakit ang tagal niyang bumili ng tokens?!

"Yun oh!" Nakangiti sabi nung lalaki. Nakuha niya 'yung dalawang teddy bear.

Wala na! Wala na 'yung gusto kong teddy bear. Kinuha na niya!

Umalis na ako dun sa tapat ng machine tsaka ako pumunta sa bilihan ng tokens. Nakasimangot ako habang naglalakad. Nakakapanghinayang kasi eh. Ang cute nung teddy bear eh! Gusto ko 'yun!

"Oh, Xei? Diba sabi ko hintayin mo ako dun? Ito na 'yung tokens nakabili na ak--"

"Wala na 'yung teddy bear." Walang gana kong sabi. Narinig ko siyang tumawa.

"Paanong wala na? Xei, hindi naman 'yun mamamatay eh. Pffft--"

"Wala na nga eh! Nakuha na ng iba!" Sigaw ko tsaka ako lumabas ng Game Zone. Lumingon ako para tignan kung sinundan ba niya ako pero hindi! Hindi siya sumunod!

Hindi ko alam kung bakit ako parang nasasaktan na hindi niya ako sinundan. Dapat hinabol niya ako eh! Tapos sasabihin niyang babawi siya sakin. Ay sandali, bakit naman niya gagawin 'yun eh hindi ko naman siya boyfriend?

"Bwisit ka, Zech. Bwisit ka!" Medyo malakas na bulong ko. Wala akong pake kung pag tinginan ako ng mga tao basta naiinis ako ngayon. Naiinis ako sa kanya!

Nakarating na ako sa rooftop ng mall pero walang Zech na sumunod sakin. Nakakainis na siya ah! Bakit hindi niya ako sinundan?!

"Baby," narinig ko ang boses niya mula sa aking likod. Nagkunwari akong nagtatampo kaya hindi ko siya nilingon.

"I'm sorry." Pumunta siya sa harapan ko kaya naman inirapan ko lang siya.

"Maibabalik ba ng sorry mo 'yung teddy bear?" Mataray kong tanong.

"Hindi." Sagot niya.

"Eh hindi naman pala--"

"For you, baby." Inabot niya sakin ang isang human size teddy bear. 'Yung mata ko biglang nag shape ng puso. Alam niyo 'yung feeling?

"Omg!!" Sigaw ko. Niyakap ko ang teddy bear. Grabe ang laki!

"Thank you!" Sigaw ko tsaka ko niyakap si Zech. Nang matauhan ako, naramdaman kong nakayakap parin pala ako sa kanya.

"Sorry." Sabi ko tsaka ko nilingon ang teddy bear.

"Ikaw ah, tsansing ka." Tukso ni Zech.

"Anong tsansing? Assuming ka naman!" Sagot ko.

"I'll carry it for you. Let's eat." Binuhat niya ang teddy bear gamit ang kanang kamay niya. Ang kaliwang kamay naman niya ay naka hawak sa kamay ko.

"Where do you want to eat?" Tanong niya. Pinagtitinginan na kami ng mga nakakasalubong namin dahil sa hawak niyang napakalaking teddy bear.

"Kahit saan." He intertwine our fingers.

"Alright. I'll just pick for us."

Nakarating kami sa isang Italian restaurant.

"A table for two, sir?" Tanong samin ng isang babae.

"Yes." Sagot ni Zech.

"This way, sir." Tinuro nung babae 'yung seat namin. "May I get your orders, sir?" Medyo ipit 'yung boses nung babae. Putcha! Pabebe! Akala mo naman maganda eh malaki lang naman boobs mo! Nako, wag mong landiin si Zech dahil hindi mo 'yan madadaan sa ganyan!

"Hey, Xeiarah." Tawag sakin ni Zech.

"Ha? Ano 'yun? May sinasabi ka?" Sunod sunod na tanong ko.

"Are you okay?" Tanong niya.

"H-ha? Ahh. . . Oo naman! Okay na okay ako 'no." Ngumiti ako para maniwala siya. Nako, hindi ako okay! Jusko sa mga tingin palang nung babae kanina, alam kong nilalandi ka na niya eh! Tapos ikaw naman nakangiti pa! Edi maglandian kayo sa harapan ko.

"Ite ne pe 'yeng erder niye, sir." Ipit na naman 'yung boses nung waitress. Pabebe talaga ang sarap batukan! Wag niya akong subuk subukan ah baka masabunutan ko 'to ng wala sa oras!

"Xeiarah, anong problema? Bakit parang hindi ka masaya? Kanina naman eh ang saya saya mo." Tanong ni Zech.

"Nako! Makipaglandi-- walang problema, Zech. Masaya ako. Sobrang saya!" Pilit akong ngumiti sa harap niya.

"Sabi mo eh."

ANO DAW?!

Sabi mo eh.

Hindi dapat ganun eh! Dapat pinilit niya akong sabihin sa kanya 'yung problema ko. Tapos sasabihin kong nagseselos-- ANO?! Ako magseselos? Hindi kaya ako nagseselos! Nako, hindi talaga!

Bakit naman ako magseselos? Kami ba? Walang kami! We're just friends diba? Oo, friends lang!

"Friend huh? Alam mo bang nag uumpisa ang lahat sa friends? "

Oh shit! I remember what kuya said. Sa friends nag uumpisa ang lahat?

What do you mean lahat?

Hindi na maganda 'tong nangyayari sakin ah. Naging ganito lang naman ako simula nung makilala ko si Zech. Minsan ah natutulala ako tapos minsan kung ano anong naiisip ko.

"Alam mo, Xeiarah, if there's a problem tell me." Natauhan ako nang marinig ko ang boses niya.

"Walang problema." Ngumit ako at nag umpisa nang kumain. Napansin kong hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko samantalang siya ay nakalahati na siya.

"C'mon, tell me." Ito na ba 'yun? Pipilitin na ba niya ako? Tapos sasabihin kong nagseselo-- NO!

"Walang problema, Zech. Just eat." Tinuro ko ang plato niya.

"Are you jealous?" Muntik ko nang naibuga ang pagkaing nasa bunganga ko.

"What the hell? I am not! Tsaka bakit naman ako magseselos? Anong karapatan kong magselos? Wala namang tayo eh. Hindi naman kita boyfriend kaya hindi ako pwedeng nagselos. Kasi--"

"Enough, Xei. You're being so over defensive." He chuckled.

Am I?

===

Free Fall Where stories live. Discover now