Chapter 1

62 3 1
                                    

Xeiarah POV

"Hindi ka ba sasama, Xei?" Tanong ni Quent, pinsan ko.

"Sasama saan?" Tanong ko pabalik.

"Pinagpaalam kita kay Tita Venice na sumama sakin sa outing naming magkakaibigan. Palagi ka nalang kasi nasa loob ng condo mo at hindi ka lumalabas." Paliwanag niya.

Pinagpaalam niya ako ng hindi ko alam? What a kind of cousin.

"Saan ba 'yang outing niyo?" Tanong ko ulit.

"Sa resort ng isa kong kaibigan. Dalawang araw kami dun."

Tumayo ako mula sa pagkaka upo tsaka ako tumango.

"I'll just pack my things. Wait for me in the lobby."

"Okay, then." Lumabas na siya ng condo ko. Inumpisahan ko na ang paglagay ng gamit ko sa maliit na bag. Dalawang araw lang naman kami dun kaya hindi ko kailangang magdala ng marami.

Nang matapos na ako, nilock ko na ang pinto tsaka ako dumeretso sa lobby.

"Hey, Quent! I'm ready!" Sigaw ko habang itinataas ang dalawang bag na hawak ko. Ang laman ng isang bag ko ay ang mga importanteng bagay katulad ng wallet, cellphone at pari na rin ng make up ko. Samantalang damit naman ang laman ng isa kong bag.

Kinuha ni Quent ang bag ko tsaka ito nilagay sa likod ng sasakyan.

"Baka naman ma out of place ako?" Tanong ko.

"Hindi. Hinding hindi." Sagot niya tsaka ni pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa biyahe, walang umiimik saming dalawa kaya nakaramdam ako ng antok. Mas gusto ko kasi 'yung may kausap ako para hindi ako antukin. May ugali kasi si Quent na tahimik pero minsan naman ay maingay at magulo ito.

Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at pinikit ang mga mata ko.

Halos dalawang oras din akong nakatulog hanggang sa nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa aking balikat.

"Xei, we're here." Aniya. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bumaba na din ako ng sasakyan habang kinukuha ni Quent ang gamit namin sa likod.

Dumeretso kami sa front desk ng resort.

"Ano pong pangalan nila, sir?" Tanong nung lalaking nasa front desk.

"Quentin Chua." Sagot ni Quent.

"Overnight po, sir?"

"Two nights kami dito." Aniya.

"Bed for two po ba or hiwalay ang bed?" Tanong ulit niya.

"I'm a friend of Zecharri." Halatang nagulat naman ang lalaking kanina pa tanong ng tanong.

"Ganun po ba? This way, sir." Itinuro niya samin ang daan papunta dun sa kaibigan ni Quent.

"May rest house sila Zech dito sa resort nila at doon tayo matutulog." Paliwanag sakin ni Quent.

"Okay."

Nang makarating kami sa tapat ng isang malaking rest house, iniwan na kami nung lalaki. Malaki ito at may dalawang palapag.

"Quentin!" Sigaw nung Zech. Nag apir silang dalawa hanggang sa napatingin sakin 'yung Zech.

"Ahh. . . H-hi!" Bati ko.

"This is my cousin, Xeiarah." Pakilala ni Quent.

"Come inside." Pumasok na kami sa loob ng rest house nila.

Maraming tao sa loob at dun ko napagtantong magkakaibigan silang lahat. Quent has a big circle of friends.

"Guys! My cousin will join us. This is Xeiarah." Pakilala ulit ni Quent.

"Xei for short!" Dagdag ko.

"Cool! Hello!"

"Really?"

"Hi, Xei!"

At kung ano ano pang sabi niya. Grabe! Ang iingay nila.

"Guys, mag dinner muna tayo bago tayo mag swimming." Sigaw ni Zech.

"Oh sige!"

"Yun oh! Tara kain na!"

"Basta talaga pagkain diyan kayo magagaling!" Sigaw ni Quent. Nagtawanan naman sila.

Nagsipuntahan na sila sa kusina. Mabagal akong naglakad dahil nahihiya ako. Baka hindi ako belong sa kanila o baka ayaw nila akong kasama.

"Xei, right?" Sinabayan ako ni Zech sa paglalakad.

"Yes." Tipid kong sagot.

"Wag kang mahiya sa amin. Halika na kain na tayo." Hinila niya ang kamay ko papunta sa kusina. Napatingin silang lahat samin at sunod sunod na tukso na ang inabot namin.

"Nako! Kayo ah!"

"Yieee! I'm so kinikilig!!"

"Wew! Kayo na agad?"

"Chansing ka talaga sa pinsan ko!" Sigaw ni Quent.

Nagtinginan kami ni Zech. Pareho naming hindi magets ang sinasabi nila.

"Ano ba 'yun?" Tanong niya.

"YANG KAMAY NIYO!" Sigaw nilang lahat.

Napatingin kami sa kamay naming magkahawak. Mabilis kong binawi ang kamay ko. Pakiramdam ko ay namumula na ako.

"Uy! Namumula si Xei!" Sigaw na naman ng isa. Nagsipuntahan sila sakin para tignan ang mukha.

"Ano ba? Tigilan niyo nga siya. Kita niya na ngang nahihiya na eh." Suway ni Zech. Mas lalo akong namula sa sinabi niya.

"Easyhan mo lang, master!" Tukso ng mga lalaki kay Zech.

Napansin kong lima kaming babae at lima din silang lalaki.

Tinignan ko si Zech na ngayon ay naiinis na sa panunukso nila sa kanya. Kulang nalang ay umusok na ang tenga pati na rin ang ilong niya dahil sa pagkainis niya.

"Masyado kang pikon, Zech!" Nagtawanan na naman sila.

"Ano bang pake niyo? Eh kung umalis na kaya kayo dito sa resort namin?" Hamon niya. Nanlaki ang mga mata nila at naging parang isang maamong tupa.

"Wag namang ganun, pre."

"Tropa tayo diba?"

Natawa nalang ako sa kanila. Mga lalaki ba sila? Hahaha!

Nang matapos na kaming kumain, nagsibihisan na ang lahat dahil magsi swimming na daw kami.

"Magbihis na tayo, Xei." Pag aaya sakin ni Klein.

Sumama ako sa kanya at nagbihis na kami. Lahat kaming mga babae ay naka two piece ang suot.

Kulay asul ang two piece ni Klein samantalang itim naman ang suot kong two piece. Sinuot ko din ang transparent kong cardigan para hindi ma expose directly ang katawan ko. Nilugay ko din ang buhok ko.

"Ang sexy naman ni Xei!" Sigaw ni Jake. Si Jake ang boyfriend ni Klein. "Pero mas sexy ang girlfriend ko. Sorry na babe."

Ngumiti lang ako. Nagsilingunan ang mga lalaki saamin nang bumaba kami.

"Zech! Andito na si Xei!" Tawag nila kay Zech na nasa kusina parin.

Tumakbo si Zech papunta sa amin sa sala.

"Nako, pre! Napaghahalataan ka." Nagtawanan sila.

"I don't care." Aniya. Matilim niya akong tinignan.

"Masyado mong sinusuri ng mabuti ang katawan ni Xei!" Sigaw ni Justin.

Isang malakas na tawa na naman ang bumalot sa aming lahat.

Tumingin muli sakin ni Zech. Matalim niya ulit akong tinignan. Ang kanyang tingin ay parang tumatagos sa aking mga mata.

"Let's go."

===

Free Fall Where stories live. Discover now